CHAPTER 1

2.7K 65 8
                                    

Beatrice Pov

"Knife sa likod" sabi ni Eunice mula sa ear pads na suot ko kaya agad naman akong tumakbo papuntang likod ng abandondong building  na to para habulin ang mga taong tumatakas mula sa mga kasalanan nila.

"All units attack, always remember. Killing is not our priority job... but to arrest and punish the person who abuses his own power." Sabi ko habang naglalakad. "And do not let your mercy prevail" dagdag ko.

Nabigla naman ako ng biglang my sumulpot sa harap ko pero agad rin akong gumalaw at sinipa siya sa tiyan at pagbagsak niya sinaksak ko naman ang dibdib niya bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Gun find the hostages and secure them" utos ko kay Eunice at tinignan ang mga kalabang nagsidatingan sa harap at likod ko.

"Axe saraduhan ang mga dapat na saraduhan–"

"Pati bibig ni Eunice? Naiirita na ako ehh kanina pa kakasigaw" Inis namang sabi ni Cheska kaya napairap naman ako at nilagay ang kaliwang kamay sa bewang habang nakatingin sa mga kalaban ko.

"Yung seryoso Cheska? Bibig mo ba o bibig ni Eunice?" sabi ko at itinaas ang isang kilay na parang nag-uusap lang kami at hindi iniisip ang mga kalabang nasa paligid namen.

"Well dahil maganda kami hindi namen sasaraduhan ang bibig namen" sabi niya at naipairap ako.

"Utak niyo bulok! Tapusin na naten to, the gorgeous leader is tired" sabi ko at ngumuso pa pero napalitan din naman agad ng ngisi ang labi ko at nakakamatay tingin naman ang binigay ko sa mga nakapalibot saaken.

"Alam niyo ba kung sinong kinakalaban niyo?" tanong ko sakanila at pinitik ang buhok ko palikod. "Ayy hindi? Oww so sad naman hindi niyo na ako makikilala" dagdag ko at mabilis na umikot sa ere patagilid at sinipa ang isa sakanila sa ulo at ayown!

Plakda! Nilabas ko naman ang ang dalawang baril ko mula sa pocket gun ko sa may bewang at sunod-sunod silang pinaputukan.

Nagrolling naman ako sa sahig para iwasan ang balang papalapit saaken at patalikod na tinira ang taong yun gamit ang baril ko saka tumalon ng mataas at pinagbabaril naman ang mga paparating na kalaban.

Nagpalit kami ni Eunice ng armor, kadalasan kasi talaga kutsilyo ang gamit ko at siya baril pero may kutsilyo pa naman ako dito kaya salitan ang gamit ko.

Sos easy lang naman to saaken! Sisiw lang to noh! Ng maubos ko sila tumakbo na ulit ako at nagtagpo-tagpo naman kaming tatlo dito sa likod ng building.

"Yucks kadiri naman tong dugo mo Eunice parang regla ehh iwww!" sab ni Cheska at winisik-wisik pa yung kamay niya.

"Tanga hindi yan aken! Mukha bang ganyan ang kulay ng dugo ko jusme" sabi naman ni Eunice.

"Bakit pink ba ang dugo mo?" Sabat ko naman.

Sa aming tatlo si Eunice ang pinaka ratatat ang boses at non stop kung dumada.

"Tara na!" Yaya ko sakanilang dalawa at tumalon mula dito sa kinatatayuan ko papunta doon sa bulto-bultong lata ng gasolina para icorner ang pinaka pinuno nila.

Sumunod naman silang dalawa saaken pero napalingon ako sakanila ng biglang sumigaw si Cheska.

"Aray! Tangina ang bobo naman netong latang to at hindi nagpalagay ng takip jusme! Yung utak nasaan!?" sabi niya at natawa ako ng makitang nakapasok siya sa loob.

Wala naman kasing takip doon pa umapak hahahahahaha.

Si Cheska naman ang medyo clumsy saamen tatlo, palagi siyang umuuwi ng may galos o di kaya bali sa kamay.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now