CHAPTER 5

678 41 0
                                    

Japhet Pov

Hi I'am Japhet Nacion Gaveria Eighteen years old and isa ako sa mga iniiwasan at iniidulo ng lahat ng eatudyante rito sa loob.

Pero... huh! Etong tatlong babaeng to? Parang walang kinakatakutan at aaminin kong astig ang datingan nila pero mukhang wala naman silang laban saamen.

"Isa. Bibitawan mo ohh hindi?" Banta niya kaya ngumisi naman ako.

"Bakit naghahanap ka pa ng ibang jojowain kung nandito na naman sa harapan mo ang hinahanap mo?" Malumanay kong sabi at hahawakan na sana ang baba niya ng tabigin niya ang kamay ko.

"Maghanap ka ng kausap mo, kung gusto mo ng away magsabi ka lang dahil kahit dito sa loob ng library gagawa ako ng gulo" maangas niyang sabi at binitawan na yung libro kaya inabot ko naman yun kay Owen.

"Away ang hinahanap ko dadalhin mo naman gulo, ang galing mo" sarkastiko kong sabi sabay hakbang ng isa pero hindi naman siya umatras at nanatiling walang reaksyon ang mukhang nakatingin saaken.

"Gusto mo simulan ko na ngayon?"

"As if you can" sabi ko pero bigla siyang ngumisi at sinandal ang kamay sa isang shelve at animo'y hinahaplos haplos pa yun.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko.

"Eunice, Cheska stay acting cool" sabi niya at ngumisi sa dalawang kasama niya at tinaas baba naman nung dalawa yung kilay nila kaya nagtaka ako.

"Hoy anong gagawin mo?" Sabat na ni Owen.

Nabigla naman kaming tatlo ng buong lakas niyang sinipa ang book shelve at naglakad paalis at parang wala siyang ginawang kasalanan kaya sinundan namen sila habang may bahid na inis ang mukha.

"What the heck did you do that–"

"What happened!?" Sigaw ng librarian kaya nanlaki naman ang mata ko at tatalikod na sana ng magsalita yung tumulak sa shelve na ngayon'y patuloy na nagsisitumbahan ang iba pang shelves.

"Ginawa lang naman nilang play ground ang library madam at ayan nagsitumbahan ang shelf at omg! Ang mga libro! Lagot, nakakapanghinayang dahil nalukot na yung iba!" Kunwareng nag-aalala niyang sabi sabay tingin at ngisi saaken at tingin ulit sa librarian. "Sila may gawa, kamuntik pa nga kaming maipit ehh buti na lang nakatakbo kaagad kami paalis" nagpapa awa na niyang sabi kaya mas lumaki ang mata ko.

Aba'y! Magsasalita na sana ako ng magsalita ang librarian.

"You three! Ayusin niyo yan at walang aalis hanggang hindi nailalagay sa ayos ang lahat ng libro! Magsimula sa A hanggang Z!" Galit niyang sabi at tinuro pa kami nung stick na hawak niya at naglakad papalapit saamen kaya bago kami tumalikod nakita ko pang tunawa yung tatlo habang naglalakad palabas ng library.

You'll fucking regret this!

Cheska Pov

Ngiting tagumpay naman kaming tatlo paglabas ng library pero natigilan kaming tatlo ng makita ang napakaraming lalake ang nasa harapan namen at mukhang kanina pa kami inaabangang lumabas.

"Sino kayo?" Tanong ko sakanila habang nakangiwi at nakataas ang isang kilay.

"Ibibigay na namen ang welcome party namen sainyo" nakangising sabi ng isang lalake na napakaraming tatoo sa leeg at mukhang jejemon.

"Welcome party? May ganon pa pala hindi kami aware na meron" sabi naman ni Eunice at tumawa ng mahina.

"Meron syemre, sisimulan na ba namen?" Ngiting aso naman ng isa pang lalake na may hawak na tubo kaya napairap ako sakanya.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now