CHAPTER 68

201 10 0
                                    


Beatrice POV

"You... You ruined it!" Sigaw ni Edwardo.

Nilingon ko sina papa bago ko tinignan ang walang buhay ng katawan ng mga kaibigan ko.

"Magiging maayos sila. Ilayo niya muna sila dito, babalik din sila" sabi ko at hindi ko na sila hinintay na sumagot at agad akong tumalon pababa mula sa mga pira-pirasong pader papunta kina Edwardo.

"You killed your friends! You also killed your grandfather! Hahahahahahaha" tumatawang sabi ni Augustine kaya tumigil ako sa paglalakad.

"And I, killed your sons" nakangisi kong sabi sakanya na ikinaseryoso ng mukha niya at bahagya pang umigting ang panga niya at nag-aalab ang mga mata niyang nakatitig saaken.

"You remember now, huh?" Nakangisi niyang sabi kaya tumango ako kaya mabilis siyang lumapit saaken dala ang ahas niya pero umiwas lang ako ng akma akong tutulawin ng ahas niya.

"Come on, I still have the last stone inside me" sabi ko sakanila. "Hindi niyo ba kukunin saaken?" Tanong ko at mabilis na umiwas sa papalapit na kadena ni Edwardo.

Pero bago pa makabalik sakanya ang kadena niya ay agad kong hinawakan ang dulo neto at buong lakas na hinila eto pero hinila niya din pahampas saaken kaya tumabling ako sa ere at mabilis na naglakad sa kadena niya pero sumabat din si Viter at pinaulanan ako ng mga bala pero sunod-sunod lang akong umiwas at mabilis na sinipa si Edwardo sa ulo bago ako tumalon muli sa ere at pumunta sa likuran niya, bago ko nilagay ang dalawa kong paa sa magkabilang pisngi ni Edwardo bago ako umikot kasama siya at paluhod na bumagsak sa lupa.

Bumagsak din ilang segundo ang katawan ni Edwardo sa lupa pero nakayanan niya pang tumayo kaya agad akong tumalon palayo sakanila.

"How much do you know about us?" Tanong ni Augustine.

"Everything" nakangisi kong sabi bago ko sinenyasan na umatake ang mga assassin at agent namen dahil nagsilabasan na naman ang mga tauhan nila.

*Flashback*

"The Black Vipers, they're the mortal enemy of your grandfather but accidentally, nakilala mo ang apat na anak ni Augustine–"

"Anak ni Augustine?" Biglang sabi ko.

"Yes. Hindi sila anak ng leader ng Slaying Masters. Ang lalakeng 'yon na leader ng grupong Slaying Masters ay kaibigan ng nanay ng apat na Septhis"

Ibig sabihin hindi sila anak ng iba't ibang babae?

"Augustine, want them dead dahil gusto niyang sakanya lang mapupunta ang lahat ng kapangyarihang meron ang pagiging isang leader ng isang organisasyon. At sa madaling salita, nakilala mo ang magkakapatid at nagkataon na magkakampi ang Eternal Soul at The Black Vipers at iisa lang ang gusto nila, ang maturuan kayo ng mga mahika. Hindi kailanman nagkasundo ang lolo mo at ang dalawang leader ng The Black Vipers tuwing nagkikita sila sa lugar ng Eternal Soul, pero alam nilang nagkakasundo kayo nina Bryce pero hindi nila iyon pinansin dahil walang pakialam ang tatay ng mga Septhis sa mga anak niya at gusto niya lang etong gamitin, at hinayaan lang din kayo ng lolo mo dahil alam niyang bata lang kayo" mahabang kwento niya at unti-unting pumapasok at bumabalik ang mga alaalang iyon saaken. "Pero nangyare na ang hindi nila inaasahan, you became stronger and stronger and they even made a stone at kinabit nila 'yon sa buhay mo dahil nga sa kapangyarihang taglay mo pagdating sa spells"

Napapapikit na lang ako tuwing bumabalik ang mga alaalang hindi ko inaakalang meron ako.

"At sa madaling salita narinig mo ang usapan ng mga matanda at itinago mo ang mga bato sa katawan ng mga kaibigan mo. Kinabukasan non ay nalaman din nila at kinuha ka ni Augustine at Felipe at kinulong sa lugar kung saan nagtitipon-tipon lahat ng mga taga Black Vipers. Nakatanggap ng isang libong hampas ng sinturon sa buong katawan sina Bryce sa kadahilanang pumayag silang ipasok sa katawan nila ang batong iyon. Sinubukan nilang buksan at kunin ang bato sa mga katawan nila pero nabigo sila dahil dumugo lang ng dumugo ang mga katawan nilang apat, they sacrifice their life because of you and they endure the pain for you. Hanggang sa huli, tinago nila ang batong iyon, kaya habang nakakulong ka alam mo ang nangyare sakanila dahil ramdam mo din ang nararamdaman nila sa panahong iyon at nakikita mo din sila. Kinagabihan, pinalaya ka ng apat na magkakapatid kahit sugat-sugat at bali-bali pa ang ibang bahagi ng katawan nila. But sinama mo sila at itinakas sa lugar na iyon, pero nagpa-iwan si Bryce, he's the one who suffered the most na muntik nang humantong sa kamatayan but he survived because he loves you. Binalikan mo siya at nilabanan mo ang tatay niya hanggang sa kamuntik ka na din mamatay kung hindi lang dahil sa nanay niyang si Angelica. Nakaalis kayo dahil sakanya at kinabukasan non ay pinuntahan ka ni Angelica, para ipakilala sa 'yo si Gilbert, ang leader ng Slaying Masters dahil magsimula ng araw na 'yon ay ibinilin niya sa lalaken 'yon na bantayan at alagaan ang mga anak niya at ilayo kay Augustine" mahabang kwento niya kaya parang binabambo ang puso ko.

"August is the first born, Bryce is the second, Jax is the third and last is Atlas. Bryce, Jax and Atlas is not in the same ages, pare-pareho lang sila ng laki nung paglaki nila pero isang taon lang ang pagitan nila sa bawat isa" sabi niya pa. "So, as I was saying, you meet Gilbert at bigla kang may naisip na paraan. Sinabi mo kina Felipe at Augustine na ibabalik mo ang mga bato pero kasinungalingan lang 'yon dahil sa araw mismo na 'yon ay sumugod ang Slaying Masters kasama ang mga tauhan ninyo ng hindi alam ng tatay mo pero alam ng lolo mo. Ang tatlong matanda na nakikita mo sa vison mo ay hindi sila totoong nag-e-exist dahil gawa-gawa lamang iyon ni Augustine"

Kumuyom ang mga kamao at mas tumitindi ang galit ko.

"And then, during the fight, pinaki-usapan mo ang lolo mo na ilayo at iligtas ang apat na Septhis at nilagay mo sa utak ng lahat na anak sila ni Gilbert at namatay si Gilbert dahil sa isang pagsalakay at nadamay kayo.  At gamit ang napakaraming spell ay itinatak mo sa utak ng mga malapit sa 'yo na magkakaiba ang nanay nilang apat." Sabi niya pa at doon na ako tuluyang naiyak.

"I... Kasalanan ko ang lahat... Sinungaling... Napakasinungaling ko... Anong klaseng kaibigan ako?"  Nakatulala kong saad.

"Nag-tira ka din ng ilang alala sa utak ninyo tungkol sa mga Septhis pero wala etong kinalaman sa Eternal Soul at Black Vipers." Patuloy niya kaya napakurap-kurap ako habang pumapatak ang mga luha ko.

"You have to sacrifice your life to make everything right"

*End of Flashbacks*

"Then what now?" Bored na sabi ni Felipe.

"Mamatay kayo... Kasama ko" walang emosyon kong sabi bago inilabas ang iilang kutsilyo at gamit ang mahika ay pinalutang ko ang mga eto bago ko inilabas ang espada ko pero bahagya akong nagulat ng biglang lumitaw ang espadang binigay saaken ni Ivy noon.

Pero isiniwalang bahala ko muna 'yon at mabilis na iwinasiwas iyon sa harap ko kung saan nakalutang ang mga kutsilyo ko kaya mabilis na lumioad ang mga 'yon sa direkyon nina Augustine.

Wala naman silang sinayang na oras at agad na iniwasan ang mga kutsilyo ko kaya agad akong lumapit sakanila. Lima laban sa isa, pasalit-salitan ko silang pinagtuunan ng pansin at labanan hanggang sa mahuli nila ako at mapuruhan sa bewang pero nagpatuloy pa rin ako.

Tinulungan na ako ni Ate Aishie at papa at ganon din sina tita kaya ang natira saaken ay si Viter.

"We meet again, Bella" nakangisi niyang sabi kaya inirapan ko siya at mabilis siyang sinipa sa ulo.

"We meet again, pugo" nakangisi kong sabi sakanya saka ko ako mabilis na napunta sa likuran niya at mabilis siyang ginilyitan sa likod gamit ang espada ko. "Gaya ka pa rin ng dati, kung walang tulong ng iba, lampa at talunan ka pa rin" nakangisi kong sabi at mabilis siya hinawakan sa kwelyo at binitawan ko sandali ang espada ko para ilagay sa dibdib niya ang isa kong palad para hindi siya makagamit ng kung ano mang mahika.

Bigla ulit lumapit ang espada ko saaken ng itapat ko ang palad dito saka ako mabilis na umikot at binigyan muli ng isa pang sipa sa mukha si Viter dahilan para tumilapon siya.

"Hindi ko na patatagalin pa ang buhay mo dahil hindi ka naman pala nakakatuwang paglaruan" sabi ko sakanya at mabilis na itinapon ang espada ko pataas at agad 'yon bumagsak sentro sa ulo niya.

One down, four to go.

Sunod kong hinarap ang alalay ni Felipe na siyang kumuha saamen ni Bryce noon at gaya ni Viter walang-wala siya sa kakayahan ko kumpara noong pinag-tutulungan nila ako. Kaya sa huli, ayon ang ganda ng angulo nung pagkaka saksak ng limang kutsilyo sa leeg niya na mukha ng necklace.

Napatingin naman ako sa paa ko ng biglang may pumulupot doon at napangisi ako ng makita ang ahas ni Augustine na gawa sa mahika kaya hinayaan kong puluputan niya ang buong katawan ko hanggang sa maramdaman kong lumulutang na ako.

Handa na sana akong kumawala pero nakita kong nakagapos sina mama sa kadena at si papa naman ay halos maubos na ang dugo sa katawan dahil sa dami ng tama niya kaya natigilan ako.

How long should I fight?

The Badass TrioWhere stories live. Discover now