CHAPTER 28

317 16 0
                                    


Beatrice Pov

"Aalis na kami!" Sigaw ni Eunice bago kami naglakad palabas ng bahay na to. "Pst Bea ano? May nakita ka? Anong balita? Bakit magkasabay kaso ni Japhet bumaba kanina?" Pabulong na tanong niya at tumabi saaken.

"May nakita ako pero hindi ko lang nabaaa lahat pero sigurado akong Vipers ang nabasa ko" mahina kong  sabi ng makalabas kami ng malaking bahay na yun at tumingala sa may bintana at nahagi ko ang mga anino ng mga tao doon kaya may sumeryoso ang mukha ko.

"Vipers!?" Mahina pero pasigaw na sabi ni Cheska.

"Gago! Sigurado ka ba Bea?" Gulat din na sabi ni Eunice kaya tinignan ko siya.

"Mukha ba akong hindi sigurado?" Sarkastiko kong tanong. "Pag-usapan naten sa sasakyan" sabi ko at nagmaldali kaming lumabas ng gate bago sumakay sa van namen.

Inapak ko pa lang ang paa ko sa loob ng sasakyan ng bigla akong may mapansin sa ayos ng sasakyan namen kaya hindi ko itinuloy ang pagpasok at lumingon sa pinanggalingan namen.

Hindi niyo kami maiisahan. Mukhang naghihinala na sila sa mga kilos namen huh, tignan naten kung manalo kayo saaken.

Pumasok na ako ng sasakyan at nakunwareng hindi ko alam na may nakakabit na camera at recorder sa tabi ng upuan ko.

Akmang magsasalita na sana si Eunice ng unahan ko siya.

"Walang mag-iingay matutulog ako" seryoso kong sabi at ibinaba ko ang kamay ko kung saan hindi masyadong hagip ng nakakabit na camera at nagsimula kong pinatunog ang tatlong daliri ko magsimula sa pinky finger hanggang middle finger at tumuro pakaliwa kung nasaan ang camera at record.

"Sige patulugin ang prinsesa, oyy kayong tatlo umuwi na kayo pagdating sa bahay ahh!" Sigaw ni Eunice doon sa tatlo.

Bryce Vandrix Pov

"Ano?" Tanong ko sa isang tauhan namen na nagkabit ng camera at voice recorder sa sasakyan nila Beatrice.

They're being weird and suspicious. And also that Oliver, I think I've seen him somewhere.

"Nothing's happening master" sagot niya habang nakatingin sa monitor kung saan walang imik-imik si Bea na nakaupo at natutulog ata? At panay naman ang ingay ni Eunice.

"Tol baka talagang mga makukulit at sadyang may gusto ka lang talaga kay Beatrice kaya ka nagkakaganyan" sabi ni Frank na nakaupo at pinapaikot ang upuan niya.

"Oo nga kita mo ohh wala namang nangyayare ingay lang ni Eunice maririnig mo, nakakarindi." Sabi naman ni Owen na kumakain.

"I don't like her, and she's just being weird"

"Weird na siya magsimula pa nung unang makita naten siya, weird silang tatlo. Tsaka basag ulo ang mga yun kaya talagang ma-c-curious ka sakanila dahil ang gagaling nila makipaglaban lalo pa't mga babae sila at buong buhay naten walang lumaban na babae saaten kaya baka curious ka lang sakanila" mahabang sabi ni Frank. "Dahil ako? Gusto ko din makilala silang tatlo ng lubusan, I find them cool" dagdag niya at ngumiti pa.

"Gusto ko din yun! Ang galing nila ehh–"

"We're better than them! They're not cool either good at fighting" putol ko kay Owen at nainis na ng tuluyan.

"Oyy wag na, aysos ikaw ha nakita kaya kitang kanina pa nakatingin kay Oliver at Beatrice. Curious ka lang talaga kaya itigil mo na yan kung ayaw mong mabubug tayo nung tatlong yun." Asar saaken ni Frank pero hindi ko siya pinansin at lalabas na sana ng bigla kong marinig ang boses ni Beatrice.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now