CHAPTER 39

277 19 0
                                    


Beatrice Pov

Kinabukasan, pagbukas ko ulit ng pintuan palabas ng bahay may naapakan na naman akong tangkay ng rosas at wag ka, naging apat.

Nakakunot noo naman akong nagpalinga-linga.

Malaman ko lang kung sino ka lagot ka saaken.

"Ayy pak! Apat na" sabi ni Cheska at sinagi pa ang balikat ko para makalabas siya.

"Hindi na nakakatuwa yan ahh"
nag-aalalang sabi naman ni Eunice at siya naman etong patagilid kung lumabas ng pinto dahil nakaharang ako. "Wala ka ba balak na hanapin ang isang yan, Bea?" Dagdag niya at kinuha yung note na nakapulupot sa stem ng isang rosas.

"Meron" sagot ko saka tinapon ulit sa basusahan ang mga bulaklak at tumingala sa harapan ng pintuan namen.

Nagtaka naman yung dalawa sa ginawa ko kaya tumingala din sila pagkatapos naramdaman ko ang tingin nung dalawa saaken tapos binalik ulit sa itaas.

"Anong meron dito sa taas?" Nagtatakang tanong ni Eunice.

"May pagkain ba jan?" Tanong naman ni Cheska sabay tingin ulit saaken kaya ngumisi ako sakanila bago inilabas ang ipad ko at pinindot ang ginawa kong app kung saan makikita ko yung na-irecord ng camera na ikinabit ko dito sa taas ng pintuan.

"Kailan mo yan kinabit?" Tanong ni Eunice saaken.

"Kahapon" maikling sagot ko.

"Tanghali?" Tanong naman ni Cheska.

"Hindi" sagot ko habang inaatay na may lumabas na tao mula sa video.

"Kelan? Nung umaga?" Nagtatakang tanong naman ni Eunice "Ehh kahapon lang may nagbigay sayo ng rose" dagdag niya.

"Hindi" sagot ko ulit.

"Kelan nga!? Eto ayusin mo kasi ang sagot mo" naiiritang sabi ni Cheska kaya walang reaksyon ko siyang tinignan.

*Pak*

"Anong oras ba tayo umuwi?" Mataray kong tanong matapos siya batukan.

"Hapon–"

"Oras yung tinatanong ko" putol ko sa sasabihin niya.

"Alas singko! Ohh ayos na?" Sarkastiko niyang sabi.

"Di sa tingin ko, mga nong oras ko yan kinabit? Umaga? Tangahali? Tch" sarkastiko ko din na sabi sabay tingin ulit sa ipad ko at sakto naman na parang may lumilipad na bagay kaya napatutok doon ang paningin ko.

Pinasa ko naman kay Cheska ang hawak kong ipad at dumiretsong sumakay na sa van.

Bwisit! Mautak ang gago, gumamit ng drone para ilagay sa harap ng pintuan yung apat na rose. Grrr!

"Hindi kaya yung Radge, etong nagpapadala sayo?" Nagtatakang tanong ni Cheska habang papasok ng van kaya tinignan ko siya ng walang reaksyon. "What if lang naman diba? Kase diba you know... Hinalikan ka niya nung... Nung... Alam mo na yun. What if siya nga ang nagbibigay sayo ng mga ganitong kakornihan na mga notes?" Dagdag niya pa at nandidiri pa ang mukha habang nakatingin doon sa note na hawak niya.

"Good morning, lovely daw tapos wag ka daw papagutom. Nako! Tangal angas niya sa ganito ahh! Mukhang astigin pa naman ang isang to" sabi naman ni Eunice.

"Manahimik na kayo" naiinis kong sabi.

Tumahimik naman silang sumakay sa van pero nagbubulungan pa rin silang dalawa na parang bubuyog pero hindi ko na lang sila pinansin at ipinikit ang mata ko sabay sandal sa inuupuan ko.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now