CHAPTER 66

192 10 0
                                    


Cheska POV

"Gun, nasaan ka?" Tanong ko kay Eunice.

"Sa taas mo" sagot niya mula sa earpiece na suot ko kaya mabilis akong tumingala at ang gaga, parang pusang palipat-lipat ng puwesto sa chandelier na nakasabit sa taas habang hawak-hawak niya ang sniper niya at umaatake mula doon sa taas. "Sa harapan mo, ako ba tatapos sakanila o ikaw na?" Sabi niyang muli kaya tumingin ako sa unahan ko at napangisi ako ng makitang may tatlong lalakeng parang nag-aantay na umatake ako sakanila.

Tumayo ako ng maayos at tinitigan ko ang repleksyon ko sa talim ng palakol ko saka ako tumingin sakanila. Tinantya ko pa ang gagawin kong pag-atake sakanila dahil isa sakanila ay naaa unahan at ang ikalawa ay nasa likuran niya aa bandang kaliwa at ang ikatlo naman ay nasa likod ng ikalawa pero sa bandang kanan ng unang lalake.

"Hi. Let me introduce myself to you" nakangiti kong sabi sakanya pero kita ko ang mga kamay nila na may nabubuong mahika doon at may binubulong silang hindi ko marinig kaya mas ngumiti ako bago ko pina-ikot ang dalawang palakol ko sa kamay ko. "I'm Cheska Marie Arevalo..." Pakilala ko at mabilis akong gumalaw at sa isang iglap lang ay nasa likuran na ako ng ikatlong lalake habang tumutulo na ang nga dugo sa dalawang palakol ko habang nakangisi ako. "The Gorgeous Axe of Deadly Demon and Gorgeous Gun Assassination group" patuloy ko sa sinasabi ko kanina bago ako lumingon sa tatlong lalake at kuminang ang mga mata ko ng makitang naunang bumagsak ang putol nilang ulo sa sahig bago ang katawan nila.

"That's a fvcking cool move, Ma" nangilabot naman ako bigla ng marinig ang boses at maramdaman ko ang hininga ni Jax sa may leeg ko bago niya hinaplos ang lantad kong bewang.

Kinuha ko naman ang braso niya at sinaklay sa kaliwa kong balikat bago ko buong lakas hinila ang braso niya dahilan para tumabling siya mula sa likod ko papunta sa harapan ko. Nakangisi naman ako ng agad niyang nabawi ang braso niya mula saaken at paluhod na bumagsak sa harapan ko.

"Marry me" sabi niya kaya natawa ako.

"Saka na kapag kaya mo ng mahulaan kung anong paboritong stuff toy ni Beatrice," sabi ko bago ko siya nilagpasan saka tumalon papunta sa railings ng hagdanan ppunta sa second floor.

Eunice POV

*Bang*

Napa-iling naman ako bigla ng may tumamang bala ng pistol sa isang ilaw ng chandelier na kinaroroonan ko kaya bahagyang gumalaw eto.

Hinanap ko naman kung saan nanggaling iyon at napangisi ako ng makita ang isang babaeng walang takot na nakatingala saaken habang hawak ang pistol sa kamay niya.

Tumingin naman ako sa baba at agad na tumalon sa may railings ng hagdan kung saan tumalon si Cheska kanina pero napatalin akong muli ng isang malakas na hangin ang tumama sa kinatatayuan ko dahilan para maputol ang railings.

The fvck!

"Labs!" Sigaw ni Atlas mula sa baba kaya tumingin ako sa baba hanag nasa ere pa rin ako.

Naintindihan ko naman ang gusto niyang sabihin kaya pagbagsak ko sa lapag tumakbo ako papalapit kay Atlas na hinihintay ako. Malapit na ako sa pwesto niya kaya tinanguan ko siya kaya pinatong niya naman ang kamay niya sa isa pa niyang kamay kaya inapak ko doon ang kanan kong paa at buong lakas niya akong hinagis pataas bago siya sumunod saaken sa ere bago niya saaken itinapon ang baril ko pero hindi bala ang lumalabas kundi mga kutsilyo.

Isang tama sa noo, magkabilang balikat at magkabilang mata ang natama nung babaeng 'yon.

"Kailangan kong makapunta doon" lingon ko kay Atlas habang sabay kaming kumakalimbitay sa chandelier.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now