CHAPTER 6

659 38 4
                                    

Beatrice Pov

Nagkatinginan kami ng sabay saby nila Eunice at mukhang iisang Atlas lang ang nasa isip namen ngayon.

"Bea–"

"Stay" putol ko kay Cheska at hinila ang kamay para paupuin ulit.

"Hoy bakit?" Pabulong na tanong saaken ni Eunice.

Pasimple naman akong tumingin sa mga klase namen at buti na lang walang nakatingin saamen kaya umupo ako ng maayos at pinag cross ang paa.

"Hindi naten alam kung nasaan ang apat na yun sa ngayon, at dahil doon hindi tayo pwedeng mag reack agad dahil malay mo nasa paligid lang naten sila at kapag nangyareng kumilos tayo ng kakaiba para lang mahanap sila ay maghinala ang apat na lalakeng yun at baka mas lalo lang silang  magtago saaten" mahaba at mahina kong paliwanag sakanila.

"Ehh malay mo yung Atlas na yun ay ang hinahanap naten?" Pabulong naman na sabi ni Cheska.

"Nag-iisip ba kayo?" Tanong ko sabay tingin sa may pintuan ng may pumasok na isang lalake doon.

Sinundan ko naman siya ng tingin at mukhang naramdaman niya ang pagtitig ko kaya lumingon siya sa direksyon namen at napakunot ang noo ng makita akong nakatingin sakanya.

"Isang libro na lang ang hindi naten nabubuklat at yun ay yung inaagaw ko doon sa lalakeng yun" saad ko sabay tingin doon sa sinapak kong lalake.

Ngayon ko lang natandaan ang pangalan niya at base doon sa binigay saameng mga papel siya si Japhet Nacion Gaveria  at yung dalawang kasama niya ay sila Owen Prince Abrique at Frank Navarro Salvador.

"Ohh tapos?" Tanong ni Cheska.

"Paano kung wala ang pangalan ng apat na yun doon?" Tanong ko sakanilang dalawa at tumingin naman doon kila Japhet at kita kong masama ang tingin niya saaken habang nakikipag usap doon sa dalawa niyang kasama.

"Wag mong sabihing" gulat na sabi ni Cheska at tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano ba yun? Bea hindi ko naman magets ehh wag ka nga pagpaka detective na naman jan ehh ikaw lang naman nakakaintindi sa sinasabi mo" sabi naman ni Eunice kaya napapikit ako at binatukan silang dalawa.

"Hindi niyo ba naiisip na pwedeng nagpalit sila ng pangalan ha? Mukha ba silang magpapahanap saaten lalo na ngayon na mukhang alam na nilang may naghahanap sakanila dahil kung dito man sila nag-aaral ibig sabihin may kakayahan pa rin silang makasagap ng impormasyon. Duh utak ba naasan?" sabi ko. "Maging matalino naman nga kasi kayo minsan ako nabobobo sainyong dalawa ehh" dagdag ko.

"Ayy tumpak!" Biglang malakas na sabi ni Eunice at may kasama pang hampas sa upuan kaya naagaw niya ang atensyon nilang lahat. "Anong tinitingin tingin niyo?" Mataray niyang sabi kaya tumayo si Abegail.

Ayan na naman po si pabida.

"Keep your mouth shut if you don't want lagyan ko ng bubble gum ang buhok mo" sabi niya.

"Don't english me kung magtatagalog ka lang naman sa huli, bruha!" Sabi ni Eunice sakanya kaya inirapan lang siya ni Abegail sabay labas at sumunod naman ang mga alalay niyang feeling model ng magazine tch mga mukhang namang sampayan ng damit tsk.

"Mabalik tayo doon sa sinabi mo Bea, di mas mahihirapan tayo kung ganon nga" sabi ni Cheska.

"Mukhang hindi naman" nakangisi kong sabi at natahimik ulit yung dalawa kaya tinignan ko sila at napairap ng makitang mukhang lumilipad na naman ang utak nila. "Tanda niyo? Nagkasama sama na tayo noon sa iisang kwarto hindi ba?"

The Badass TrioWhere stories live. Discover now