CHAPTER 27

336 20 0
                                    


Eunice Pov

Nailapag na namen lahat ng mga naluto namen sa lamesa at napatingin ako kay Bea na masama ang tingin kay Cheska kaya pinagmasdan ko naman ang mukha ni Cheska na nakangiti lang ng malapad.

"So lolo let's eat na po?" Nakangiting sabi ni Cheska.

"Yeah sure" sabi ni lolo kaya inabot ko naman yung kanin pero nagaalita ulit si lolo. "But before that let's pray" dagdag niya kaya napahinto naman ako at ngayon ko lang napansin na hindi pala ako nag-iisa dahil pati si Earl at Owen at aabutin na din ang kanin kaya nagkatinginan kaming tatlo.

"Sabi ko nga banal kayo" mahina kong bulong at naupo ulit ng maayos.

Napapagitnaan pala ako ng dalawang kumag na to at napapagitnaan din ni Frank at Rafael si Cheska at si Oliver at Japhet naman kay Bea.

Anong trip nila at naghiwahiwalay sila?

Hindi na lang ako nagsalita at nakinig na lang kay lolo nung magsimula siyang magdasal. At sakto ng matapos na siya ay kanya-kanya na kaming kuha na makakain namen, tinitignan ko lang yung anim sa harapan ko habang kumakain at napapangiwi dahil parareho silang tahimik samantalang kaming taylo dito sa kabilang bamda ay masyadong nilalasap ang pagkain.

"Hmm ang sarap!" Sabi ni Owen at napapikit pa.

"Grabe ngayon na lang ulit ako nakalasa ng ganitong luto!" Sabi naman ni Earl kaya tinignan ko silang dalawa.

"Masarap?" Sarkastiko kong tanong.

"Sobra-"

"Oyy ayan kainin mo" sabi ko at isinubo sa bibig ni Owen yung isang buong manok na inadobo.

"Manners" sabay-sabay na sabi nung anim kaya naitaas ko ang kilay sakanila.

"Oo nga. Ang sarap, magaling ka pala talaga magluto Bea" sabi ni lolo kaya sakanya ako napatingin.

"Ayy nako lolo sinaaabi ko sayo magaling talaga yan magluto lalo na magpalaway" makahulugang sabi ni Cheska at pilyang nakangiti habang nakatingin kay Bea sabay tingin din kay Japheth.

"Magpalaway ng ano?" Walang muwang na tanong ni lolo kaya kinagat ko naman ang ibabang labi ko pasa pigilan ang tawa.

"Pft" pigil tawa netong katabi ko.

"Magpalaway ng mga kaibigan syempre lolo, kasi diba Eunice? Diba Oliver kapag nagluluto yan as in amoy pa lang ulam na. Diba?"

Oyy lusot! Hahahahahaha baliw to pero sinakayan ko na din ang kalokohan niya.

"Ayy oo naman lolo, sobra yan magpalaway ehh" sabi ko din at tumango pa.

"Ahh pwede ka na palang maging isang kusinera kung ganon?" Nakangiting sabi niya pero ngumiti lang ng bahagya si Bea sakanya. "Balita ko may inaaral kayong sayaw ngayon?" Tanong ulit ni lolo kaya ako naman ang sumagot.

"Meron nga po, ayy lolo alam mo ba? Syemre hindi diba? Pero alam mo ba na si Bea ang pangbato namen doon sa ginagawa nameng sayaw?" Sabi ko at ngimisi kay Bea sabay tingin kay Japhet.

"Talaga? Bakit?" Tanong ulit ni lolo.

"Ayy nako lolo kung hindi mo natatanong ang galing niyan magpatayo!" Sagot ni Cheska sakanya kaya yumuko naman ako dahil baka bumulwak na lang bigla ang tawa ko.

"Magpatayo ng?" Nakakunot noong tanong ni lolo kaya tumawa muna ako ng mahina bago sumagot.

"Magpatayo ng audience lolo. Sa sobrang galing niyan ehh pati partner niya luluhod" makahulugan kong sabi sabay tingin ulit kay Japhet at Bea.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now