CHAPTER 45

239 20 0
                                    


Beatrice Pov

Kunwareng bumalik naman ako sa loob ng kwarto pero agad din bumalik at mabilis silang hinampas sa batok nila kaya pareho silang natumba.

"B-bea, baka mas mapagalitan–"

"Please lang, hayaan niyo ako" sabi ko sakanila at nagpatuloy sa paglalakad pero mayamaya lang ay hindi ko narinig na sumusunod sila saaken kaya nilingon ko sila.

"Beatrice, naman muntik ka ng mapahamak kanina unawain mo naman" paki-usap ni Eunice saaken.

"Tsaka nag-aalala kaming lahat sayo kanina! Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos sa mga gagawin naten. Muntik ka na nilang makuha kanina! At alam mong malaking gyera ang mangyayare pag nawala ka saamen!" Naiinis na sabi ni Cheska kaya napaiwas naman ako ng tingin sakanila.

"May kailangan akong alamin–"

"Alam namen, pero hindi mo makukuha lahat ng sagot sa pagiging padalos-dalos, Bea." Putol ni Eunice sa sasabihin ko.

Bigla din bumigat ang dibdib ko at naiiyak din ako kaya yumuko ako at pasimpleng pinisil ang ilong ko.

Bumuntong hininga naman silang pareho at nilapitan ako.

"Alam namen na may nangyare noon saaten na kailangan naten alamin ngayon kung ano yun pero let's take it slow huh? Sabi kanina ni tito nung tinitignan nila ang kalagayan mo kanina and you're having a brain disorders –"

"Hindi ako baliw" putol ko sakanya.

"No, I mean gaya ng nakikita mo ang nangyare noon pero paiba-iba at hindi mo matutukoy kung alin ba ang totoo doon" sabi saaken ni Eunice kaya tinignan ko silang dalawa.

"And we also experience it but ang pagkakaiba lang ay more on happy memories ang nakikita namen through our dreams. Ilang araw na din nangyayare saaken yun pero iniisip ko na baka panaginip ang talaga" dagdag naman ni Cheska.

"Naiintindihan ka namen, at kailangan nateng dahan-dahanin ang proseso para marating naten ang dulo. Wag na matigas ang ulo ha" sabi ni Eunice at niyakap ako.

"At kung ano man ang nangyare noon, alam namen na ikaw at ikaw lang din naman ang makakaalam niyan dahil magsimula pa noon kakaiba ka na saamen" sabi naman ni Cheska at yumakap din saaken. "Pwera sa ganda dahil magkakapantay lang tayo sa bagay na yan" dagdag niya.

"True!" Sang-ayon ni Eunice kaya natawa ako.

"Pero kailangan ko pa rin malaman kung bakit nila pinapunta dito ang mga Septhis lalo na yung Radge na yun. Bakit nandito yun?" Sabi ko.

"Isa siyang Septhis, men. Tara at lulusob tayo" sabi ni Cheska kaya sabay-sabay kaming pumunta doon.

Pagbukas ko ng pintuan naabutan ko silang nag-uusap-usap at napahinto lang ng makita kami.

"What are you–"

"Hindi kami manggugulo tito hehehehe. Makikinig lang kami" putol ni Eunice sa sasabihin ni daddy.

"The sits are full–"

"They can sit in our lap" biglang sabi ni Bryce kaya lahat kami napatingin sakanya.

Seriously? Pati kalandian niya dinasala niya dito?

"Just kidding, here sit here" dagdag niya bago siya tumayo kaya lumapit ako sa pwesto niya at naupo doon sa inuupuan niya kanina at pumwesto naman siya sa likuran ko.

Ganon din ang ginawa nina Owen at Frank kay Cheska at Eunice kaya lahat ng atensyon ay nasa amen.

"Ohh I feel lonely, love come here" biglang sabi ni Radge at hinila si Ate Aishie papalapit sakanya at kinandong eto pero agad din siyang sinuntok ni ate sa tiyan.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now