CHAPTER 48

244 17 0
                                    


Beatrice Pov

"Matinik ka talagang babae ka" sabi saaken ni Rafael habang sinasara ko ang laptop.

"Kailangan ko pa rin silang bantayan, lalo na ngayon ay mas lumalala ang sitwasyon namen" seryosong sabi ko.

"Sabagay, pero hindi ka ba mapapagalitan niyan?" Nag-aalalang tanong saaken ni Earl.

"I'm just doing what's right and wala na silang magagawa doon" sagot ko at hindi naman sila umimik pa kaya nagpahinga na lang ako.

Sobrang haba talaga ang babagtasin namen papunta sa palasyo at nang magising ulit si Eunice nag-iingay na naman sila at syempre nadadamay na din ako kaya nakigulo na ako sakanila.

Inabot pa kami ng gabi sa daan kaya sa loob na kami ng sasakyan naghapunan, at nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap-usap habang kumakain ng biglang tumunog ang cellphone nameng tatlo nina Eunice kaya nagkatitigan kaming tatlo.

"Pati ba naman pag-tawag dapat sabay-sabay din?" Pairap na tanong ni Oliver at umiiling na hinigop ang kape niya.

Nilunon ko naman ang nginunguya ko bago ko dinampot ang cellphone ko at binitawan ang kutsara tinidor sa lamesa.

Magkakaharap kami ngayon at wag na kayo magtataka kung paano kami magkakaharap ngayon habang kumakain sa loob ng van. Masyadong high tech ang mga sasakyan namen na halos kayang igalaw ang mga upuan sa kung anong posisyon.

Pagkasagot ko ng tawag ni Bryce hindi ako umimik at hinantay siyang magsalita. Sinenyasan ko si Eunice na buksan yung laptop at ilagay sa harapan nameng lahat.

(Hey my dear lovely devil!)

Nagsalubong naman ang kilay ko ng marinig ang boses ni August. Nakita ko din siya sa harapan ng camera mula sa sala ng mansyon nila

"What? What do you want?" Bored kong tanong sakanya.

(Hmm. If you're going to put a camera in our mansion, next time make sure to hide it properly huh) nakangisi niyang sabi saka humarap sa camera at kumaway pa.

"That's for the safety" sagot ko bago uminom ng tubig.

(Safety or you'll going to miss me that's why you put– Hey! That's my phone! Give it back!)

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bigla na lang pumasok si Bryce sa loob ng sala at habulin siya para kunin ang cellphone niya.

Napailing-iling naman ako at ibaba na sana ang tawag ng magsalita ulit si August.

(They won't know. I'll give the phone now to my brother, I'll give you five minutes to talk. No more less, I'll be jealous– fvck you!)

Sumabat ulit si Bryce kaya natawa ako ng marinig ang malutong na mura ni Bryce. Tumatawa namang lumabas ng sala si August pero pasimple siya kumindat sa camera bago tuluyang umalis.

(What? Anong hindi namen malalaman? What is is?) Curious niyang tanong saaken at nakita kong kumunot ang noo niya at nilagay sa bewang niya ang kanan niyang kamay kaya natawa ako.

"Oh, Bryce. Don't act like that you're making me laugh" may pagkasarkastiko kong sabi.

(What? I told you you're mine only–)

"I don't say anything. If that's gonna make you shut. He called and I don't say anything, he's just teasing you ok. Now calm down." Sabi ko ng walang mababakas na anumang emosyon sa boses ko.

Nakita ko naman siyang bumuntong hininga at parang nag-aalangan magsalita.

"May sasabihin ka pa?" Pabuntong hininga kong tanong at napatingin ako doon sa tatlong kaibigan ko na ngayo'y pangiti-ngiting nakatingin saamen nina Eunice.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now