CHAPTER 57

184 13 0
                                    


Cheska POV

Nagising ako kinabukasan ng makarinig ako ng sunod-sunod na yabag sa labas ng kwarto ko at kahit may hang over pa ako alam ko kung saan ako pupunta.

Binuksan ko ang pintuan ko pero naisarado ko din agad ng makitang marami sila kaya binuksan ko ulit ng konti lang ang pintuan pero nanlaki naman ang mga mata ko ng magtama ang mga mata namen ni Bea na tumingin siya sa direksyon ko.

Sinenyasan niya ako ng mabilis sa kamay na sumunod ako pagkalimapas ng sampung minuto kaya sinara ko ng tuluyan ang pintuan kahit na naguguluhan ako kung bakit nandito ang mga taong 'yon.

Ng makaalis sila agad akong nagbihis at pinuntahan si Eunice sa kwarto niya at ginising.

"Eunice, Eunice hoy gising" tawag ko sakanya pero ang gaga sarap na sarap matulog kaya nagsalita ulit ako. "Emergency gaga! May emergency!" Pabulong kong sigaw at doon siya tuluyang nagising.

"Ang alin? Anong meron? Emergency? Bakit?" Sunod-sunod niyang tanong kaya hinila ko siya patayo.

"Magbihis ka na dali. Susundan naten si, Bea" sabi ko sakanya kaya lumabas ulit ako ng kwarto niya bago ako naglakad papunta sa kwarto ni Alexander para ibilin sakanya ang mga kaibigan namen at nagpaalam na aalis kami.

Gumising naman siya at tinanaw kaming umalis ni Eunice. "Saan tayo pupunta?" Humihikab na tanong ni Eunice saaken.

"Kay Bea, sinundo siya ng mga opisyal ng organisasyon kanina. Hindi ko alam kung bakit, kaya nga pinapasunod niya tayo" sabi ko sakanya.

Hindi naman na siya nagsalita at nanatiling tahimik hanggang sa kaparating kami sa organisasyon kung saan nila dinala si Bea.

Pumuslit lang kami sa loob hanggang sa makapasok kami sa napakalaking hall habang naguguluhan sa nangyayare.

"Tang–"

"Master, shh" sabi saaken ni Agent Gray at tinago niya kami sa likuran nila.

Lima silang naglalakihang katawan na nakaharang saamen kaya literal na walang makakakita saamen plus yung iba pa sa likuran namen.

Nagsimulang magsalita si Bea at inaamin na ginawa niya 'yon pero wala kaming alam kung ano 'yon. Nagalit na si tito lahat-lahat pero kalmado lang si Bea hanggang sa sabihin ni tito ang mga katagang eto.

"Binabawi ko na ang titulong meron ka ngayon... You're no longer the Gorgeous Knife, you're no longer the leader of the Gorgeous Gun Assassination group and you're no longer have the power to rule everyone here. You're just an oridinary girl, from now on"

Pera-pareho kami nagulat ng dahil doon at lalabas na sana sa pinagtataguan namen pero pinigilan kami ng mga agent.

"Mapapagalitan din ho kayo kapag nakita nila kayo dito" sabi ni Agent Blue kaya napabunting hininga ako at nag-aalalang tumingin kay Bea.

Bakit? Bakit naman 'yon gagawin ni tito? Ano bang ginawa mo, Bea?

Lumabas si Bea ng kwartong 'yon kaya sumunod sina Agent Gray sakanya kaya sumama kami sakanila hanggang sa tumapat kami sa harap ng kwarto ni Bea.

"Kami na ang bahala sakanya, bumalik na kayo doon" sabi ko sakanila.

"We're sorry, master" sabi niya kaya kinunutan ko siya ng noo.

"Para saan?"

"Nahuli si Gorgeous Knife na gumamit ng dark web kasama kami, at wala kaming nagawa para pagtakpan siya" sabi niya habang nakayuko kaya nanlaki naman ang mga mata namen ni Eunice.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now