CHAPTER 51

262 17 0
                                    


Aishie POV

Pinuntahan namen yung lugar kung saan nanggaling yung tunog pero tanging nahulog na kahon na lang ang nandoon kaya napahilot naman ako sa noo.

"Baka nahulog lang, I'm going back to my work" sabi ni tito kaya tinignan ko siya at tinanguan.

"Ano na po ang gagawin niyo doon sa leader ng mga organisasyon?" Tanong ko sakanya patungkol sa Black Vipers at Eternal Soul.

"Gagawa pa rin ako ng paraan para makahanp ng marami pang impormasyon tungkol sakanila, but for now let's lay low, unless they attack" sabi niya kaya tumango ulit ako.

"Is there anything else I can help you with, tito?" Tanong ko.

"Just keep an eye to the Septhis and also the trio since they're here" malumanay niyang sabi.

"I will" sabi ko kaya nginitian niya naman ako bago naglakad pabalik sa opisina niya kaya napabuntong hininga naman ako at nagpalinga-linga sa paligid.

I'm pretty sure that someone is roaming around here.

Maglalakad na sana ako ng biglang may maapakan ang paa ko kaya yumuko ako at kinuha ang bagay na 'yon.

"Ano 'to?" Nagtatakang tanong ko sa sarili ko ng makita ang isang holen na kulay pula.

Masyadong matingkad ang kulay niya at kitang-kita talaga ang kulay niya na para bang umiilaw pa. Ngumiwi naman ako at nilagay ko sa bulsa ko bago naglakad paalis.

Beatrice POV

Kinabukasan, naisagawa nga namen ang planong mapa oo si Avie at payagang manligaw sakanya si Alex.

"Kumusta na kaya sa organisasyon naten?" Biglang sabi ni Cheska habang hinihintay namen na pumasok si Alex sa stage.

Nasa park na kami ngayon at gabi na rin at buti na lang at walang umaali-aligid na kalaban sa paligid. Nandito kasi ang mga Septhis dahil sumama sila kay Owen na siyang kumakanta ngayon sa harapan ni Avie.

"Hindi man lang tayo tinatawagan ni tito" sabi naman ni Eunice na nakatingin sa stage.

"'Wag niyo na munang isipin ang organisasyon. Nandito tayo para mag-saya at mag-pahinga, babalik din naman tayo doon" sagot ko sakanilang dalawa habang nakatutok ang paningin sa camerang hawak ko.

Mayamaya lang biglang nagsigawan ang mga tao sa paligid at akala ko kung ano na ang nangyayare, 'yon pala ay pumasok na ng stage si Alex na talaga naman sobrang lakas ng hatak ng itsura niya sa mga tao.

"Alam mo Bea, pustahan tayo, mas mauunang makakasal iyang dalawang 'yan kesa sayo" sabi ni Eunice kaya tinignan ko siya ng masama.

"Pero alam mo Eunice, pustahan din tayo, mas mauuna kang mamatay saateng tatlo" pabirong sabi naman sakanya ni Cheska kaya nabatukan siya ni Eunice.

"Tanga! Mauuna ka kesa saaken, sa ganda kong 'to matagal-tagal bago ako kunin ni satanas. Syempre mahihiya muna 'yon lumapit saaken kasi maganda ako, malakas ata ako doon" pagmamayabang naman ni Eunice kaya tinawanan ko silang dalawa.

"What if sabay kayo–"

"What if unahin ka na namen ngayon, Bea ha?" Putol nila sa sasabihin ko kaya tumawa ulit ako.

"Sa ating tatlo, dapat ako ang mauuna" nakangiti kong sabi sakanila.

"Huh?" Sabay nilang sabi.

"Aba syempre isusunod ko kayo kapag nailibing na ako, mumultuhin ko kayo ng mumultuhin hanggang sa mabaliw kayo,  hindi pwedeng maiwan kayo 'no. Hanggang kamatayan dapat magkakasama tayo" natatawa kong sabi sakanila.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now