CHAPTER 61

192 11 1
                                    


Beatrice POV

"Anong kailangan niyo saaken" madiin kong sabi at mabilis naman akong tinutukan ng baril ng dalawa niyang kasama pero hindi ako nagpasindak.

"Hindi lang sa 'yo, pati rin sa anim mo pang kaibigan" naka-ngisi niyang sabi at hinahayaan lang akong mas higpitan pa ang pagkakasakal ko sa leeg niya.

Pinakikiramdaman ko din ang kamay at paa niya pati na ang paligid ko dahil alam kong delikado ang buhay ko lalo pa at marunong silang gumamit na orasyon.

At tama nga ako bigla niyang iginalaw ang kamay niya kaya mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa leeg niya saka tinabig ang kamay niya ng akma niyang itatapat 'yon sa tiyan ko.

Agad ko ding sinalag ang espada ni Viter at buong lakas na itinulak ang espada ko sakanya dahilan para magkalayo kami.

Nilabanan ko silang tatlo at pakiramdam ko tinatapan lang nila ang lakas ko kaya ngumisi ako ng matunog at sinuklay ang buhok ko paitaas.

"We can't hurt you at this point, Grievous" nakangiting sabi ni Felipe saka tumayo ng maayos. "We just need the stone inside you, why can't you just give it to us?" Dagdag niya pa pero nanatiling blangko at seryoso ang mukha kong nakatingin sakanila.

"Hindi ako papayag na makuha niyo ang gusto niyo" walang reaksyon kong aabi bago ko iwinasiwas ang hawak kong espada saka ko inikot ang braso ko sa may ulo ko bago ako tumakbo papalapit sakanila.

Mabilis na sinalag ni Viter ang espda ko kaya inilabas ko kaagad ang kutsilyo na nakatago lagi sa knife holster sa may legs ko saka pinindot ang handle kaya biglang lumabas ang talim neto saka ko inambahan ng saksak si Viter sa tagiliran pero tinulak niya ang espadang hawak niya sa espada ko kaya bahagya akong napalayo sakanya.

Ngumisi ako sakanya bago umikot at sunod-sunod siyang inatake gamit ang espada at kutsilyong hawak ko.

Sumali na din saamen ang lalakeng kasama ni Felipe kaya doble ang pag-iingat na ginagawa ko sa bawat gagawin kong atake.

*Klangg*

Tunog ng talim ng espada ng bigla na lang malakas na sinalag ni Filepe ang espada ko mula sa ilalim dahilan para mabitawan at tumilapon ang hawak kong espada kaya kumuha ulit ako ng isa pang kutsilyo.

"Stop it, Beatrice. Walang kwenta 'yang pakikipaglaban mo saamen dahil kahit anong gawin mo ay hinding-hindi ka na makakalabas dito–"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at agad akong tumakbo papalapit sakanya na ikinagulat niya kaya nadaplisan ko ang pisngi niya.

Umikot ulit ako paharap sakanya bago ako tumalon at umikot sa ere para sana sipain siya sa ulo pero napasigaw ako ng bigla na lang ulit sumakit and dibdib ko kaya bumagsak ako sa sahig.

"Fvck" pabulong kong sabi at sinubukan pa rin tumayo.

Sabay-sabay naman silang nagtaka sa kinilos ko pero tinago ko ang sakit na iniinda ko at lalapit pa sana sakanila ng bigla na lang may parang kuryente ang dumapo sa likuran ko kaya halos maputulan na ako ng ugat sa leeg dahil sa sakit na dala non.

"You're just waisting your energy and powers, that's why the stone inside you is reacting. Hindi mo kayang kontrolin ang sarili mo, Grievous" biglang sabi ng hindi pamilyar na boses mula sa likuran ko.

Hindi ako nagpatalo sa kuryenteng nararamdaman ko sa likuran at sinubukan ko pa rin tumayo at lumingon sa likuran ko.

Hindi ganito kanina ang lakas ko at hindi nila alam kung anong pwedeng gawin ko sakanila. Hindi pa nila nakikita ang toong Beatrice.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now