CHAPTER 41

250 20 0
                                    


Beatrice Pov

Habang naglalakad ako ng matulin handa na sana akong pakawalan ang mga karayon ng biglang may nagsalita mula sa earpods na suot ko.

"Don't shoot, master. Maaalarma lang ang mga tao sa paligid. We have to do that silently remember?" sabi ni Agent Gray kaya lumingon ako sa kanan ko para hanapin siya.

Nang magtama ang mga mata namen ay tinanguan niya lang ako ng marahan kaya naiinis naman akong naglakad ng mabilis papalapit kay Japhet.

Papalapit ng papalapit ang mga nakaitim na lalake na animo'y namamasyal at tumitingin-tingin lamang sa paligid kaya patakbo akong lumapit kay Japhet at mabilis na ipinulupot ang braso ko sa kanang braso niya na siyang ikinagulat niya.

"You little!" Gulat niyang sabi.

Bago ko itinuon ang pansin ko sakanya ay matalim kong tinitigan ang mga lalakeng papalapit dito bago pilit ngiting humarap kay Japhet.

"Where did you go?" Nagtataka niyang tanong.

"Sa banyo" sabi ko sabay seryoso. "Tara na bumalik na tayo, ayoko na dito." dagdag ko pa bago siya hinila palayo doon.

"Akala ko naman kung ano na nangyare sayo kanina. Alam mo ang moody mo, pinaglihi ka ba sa–"

"Manahimik ka kung ayaw mong magulpi" banta ko sakanya na ikinatawa niya.

“Really? Then do–"

“Kyaaaaaaaaaa!!"

Sabay naman kaming napalingon kung saan nanggaling ang sigaw na yun at biglang nanlaki ang mga mata ko ng makitang may nakahandusay na babae sa daanan at duguan.

Agad ko naman inilibot ang mata ko sa paligid at bigla akong may narealize kaya agad kong ibinalik ang tingin ko kay Japhet at mabilis kong hinawakan ang kamay niya.

Napatingin naman siya doon samantalang nakatingin ako doon sa lalakeng balak na sanang hilahim si Japhet palayo.

Pumatay sila para doon matuon ang pansin namen at magawa nila ang binabalik nila.

Huh. Pero mali sila ng kinakalaban.

“Shit" rinig kong sabi ni Japhet kaya tinignan ko siya at bigla niya akong nahila ng tumakbo siya dahil hawak ko pa rin ang kamay niya.

“Hoy! Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.

Tumigil naman siya sandali sa paglalakad at tinignan ako at nilingon ulit yung babaeng nakahadusay sa daan bago niya ibinalik ulit saaken ang tingin niya.

“Can I trust you?" Seryoso niyang tanong.

At sa hindi malamang dahil bigla akong napalunok at kinabahan. What now!?

“Just this one, Beatrice. Please?" Pakiusap niya. “Hindi rin kita pwedeng iwan na lang dito ng basta-basta. Can I trust you?" Dagdag niya pa kaya napatango na lang ako.

“They're here. The Black Vipers, they're one of our target and enemy. They've been doing something–"

“Tara na" yaya ko sakanya at ako na mismo ang humila sakanya para habulin ang mga taong yun.

I know. I know they are the Black Vipers but... Hindi ko pa rin mapapagkatiwalaan ang sinasabi niya. Maraimi pa rin akong dapat na alamin at halungkatin patungkol sa organisasyon nila, malay ba naten na kakampi na pala nila ang Black Vipers.

Pero.... hindi basta-basta na lang papatay ang mga Black Vipers para makuha lang ang gusto nila.

Sa kalagitnaan ng pagtakbi nameng dalawa, tinignan ko ulit ang itsura ng mga lalakeng hinihinala nameng tauhan ng mga Black Vipers at bigla naman akong may napansin kaya napakunot ang noo ko.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now