CHAPTER 38

347 27 5
                                    


Beatrice Pov

Iniwan ko naman sina Cheska sa canteen matapos kong kumain ng tanghalian at tumaas sa rooftop para magpahangin.

Tumingin naman ako sa baba at kita ko sina Roxanne na naglalakad sa isang hallway sa kabilang building. At sa kabilang banda nakita ko naman ang dalawa kong kaibigan na naglalakad din palabas ng canteen.

Bumwelo naman ako at paluksong naupo dito sa edge netong rooftop at hindi man lang natakot na mahulog.

Bryce, Atlas, Jax at August Sephtis. Masyado na akong nahihirapan sa pagbabantay at paghahanap ng impormasyon tungkol sainyo.

May mali.

Simula ng ibigay saamen ni daddy ang misyon na to wala na siyang ibang sinabing impormasyon tungkol sa apat na yan. Sanay naman kami sa ganyan at kami na ang bahalang mag-hanap basta't alam nila.

Wala pa din akong ibinibigay sakanilang impormasyon tungkol sa mga nakita ko doon sa mansyon ng mga Sephtis dahil hindi pa sigurado at kaelangan pang kumpirmahin.

At sobrang nakakapagtaka na hindi kami nakikila ng tatlong Sephtis na nakakasama namen ngayon. At may ibang impormasyon mula sa alala ko noong bata ay hindi ko na din matandaan dahil siguro sa tagal na ng panahon.

Yung tungkol sa Eternal Soul pakiramdam ko ay nakita at alam ko ang organisasyon na iyan. Ngunit ang naglalaro pa rin sa aking isipan ay kung bakit may ganoong pendant ang lolo nila Japhet kung saan ay nabibilang yun sa mga kasapi lamang ng Eternal Soul at bakit may salitang Vipers ang nakadisplay doon sa silid na mabilisan kong sinilip?

Napabuntong hininga naman ako ng malalim. Labag sa patakaran namen ang gumawa ng hakbang ng hindi nalalaman ng nga Head Masters pero kinakailangan kong malaman ang mga gusto kong malaman ng hindi dumadaan sa proseso.

At isa pang labag sa patakaran namen ang pagkitil ng buhay ng walang permiso o hindi alam ng Head Master. Kami lang nina Eunice ang binigyan ng ganyang patakaran dahil wala pa kami sa edad na diseotso kaya kailangan pa rin namen ng gabay mula sa head master.

"Anong iniisip mo at ganyan ka na lang huminga ng sobrang lalim?" Napatingin naman ako sa tabi ko ng marinig ang boses ni Japhet.

Nakaupo na din siya sa tabi ko habang nakatitig saaken kaya umiwas agad ako ng tingin at sumeryoso ang mukha.

Sa oras na dalhin ko na sila sa organisasyon ay tapos na ang aming misyon ngunit hindi ko alam ang susunod na mangyayare kapag ginawa namen yun, at hinding-hindi namen malalaman yun.

Bakit nga ba kailangan namen silang protektahan mula sa mga Black Vipers? Ano pa ang malalim na dahilan bakit gusto nilang kunin sina Bryce?

Silang apat na Sephtis ay talagang kaibigan namen noong mga bata pa kami at halos hindi na kami umuwi sa bahay namen dahil masyado kaming nag-eengganyong mag-aral kasama ang isa't isa.

Kaya aaminin kong medyo nahihirapan akong gawin ang misyon na to dahil hindi ko alam kung anong kalalabasan neto.

I maybe be heartless on the outside but I value the memories I have with them.

"Kung paano kita papatayin. Siguro pwede na dito?" Sagot ko sa tanong niya na ikinatawa niya.

"You can't do that" natatawa niyang sabi. "Bakit nga pala kayo napadpad dito?" Tanong niya bigla.

"Kailangan ko pa bang sagutin yan? Syempre malaya kami sa mga nakagawian nameng ginagawa" seryoso kong sabi kahit kasinungalingan naman yun.

"Sabagay. I have so many questions to ask to you, will you answer it?"

The Badass TrioWhere stories live. Discover now