CHAPTER 36

293 23 0
                                    


Beatrice Pov

Kinabukasan papalabas na ako ng pintuan para maunang lumabas at pumunta sa kotse papasok sa eskwelahan bigla kong maapakan ang stem ng isang bulaklak kaya napatigil ako sa paghakbang at pinulot yun.

Napakunot naman ang noo ko at nakangiwing kinuha yung isang papel na nakasilid sa mga petals ng bulaklak. Tatlong pulang rosas eto at hindi ko ma appreciate kasi hindi ako mahilig sa bulaklak.

'Good morning, lovely. I love seing your lovely face in the morning'

"Ayy bhe wrong send ang nagbigay niyan, hindi ikaw si Lovely" sabi ni Eunice mula sa likod ko kaya nilingon ko siya at napairap.

"Ayy wow may pabulaklak ang lola niyo! Kanino galing?" Masayang tanong ni Cheska habang pababa ng hagdan.

"Walang nakasulat" sabi ko. "Tara na, walang kwenta naman to" dagdag ko sabay tapon sa tapat na basurahan yung bulaklak at papel.

"Hoy gagi baka doon yan galing sa stalker mo, sheesh!" Biglang nangingilabot na sabi ni Eunice at hinaplos-haplos pa ang mga braso niya. "Delikado to Bea, baka may malaman siya tungkol saaten" pabulong niyang sabi kaya napatigil ako sa paglalakad ago nilingon ang bahay namen.

At ngayon lang talaga ako nangamba ng sobra dahil sa sinabi ni Eunice. Hindi dahil takot akong may malaman man siya kundi baka hindi lang siya ordinaryong stalker lang.

"Huwag niyo na kaming ihatid, ako na magmamaneho. Bantayan niyo na lang ang bahay" sabi ko sa tatlong bodyguard namen.

"Master?"

"It's for the safety. Kaya namen ang sarili namen, mas maraming bagay ang importante sa loob ng bahay na yan" sabi ko pero umabot ng ilang segundo bago sila sumagot.

"Copy, master. Take care" sabi nila kaya pumasok na ako sa drivers seat at nagmaneho papunta sa eskwelahan.

Wala kaming imikan na tatlo habang naglalakad papasok ng campus at seryosong nakatingin lang sa dinadaanan namen ng biglang sinalubong agad kami ng nakakabwisit na mga mukha.

"Good morning, baby" sabi ni Japhet malapit sa tenga ko sabay pulupot ng braso sa bewang ko.

"Good morning, labs"  rinig kong sabi naman ni Owen kay Eunice na mulhang nang-aasar pa.

"Good morning, Ma" nang-aasar din na sabi ni Frank kay Cheska kaya pare-pareho na ang mga mukha namen ngayon.

"Lumayo ka nga!" Sigaw ni Eunice kay Owen sabay tulak pero tumawa lang si Owen.

"Bakit? Kala ko labs na kita?" Nakangising sabi niya.

Naramdaman ko naman na inilapit ni Japhet ang mukha niya sa leeg ko sa parteng may tattoo ko at dumampi ang labi niya doon kaya bahagyang nakiliti ako.

"Gorgeous" pabulong niyang sabi at tumingin sa mga mata ko kaya buong lakas ko siyang itninulak sa dibdib.

"Mga epal" sabi ni Cheska at nandidiring lumapi sa tabi ko at inangkla pa ang braso niya sa braso ko at dumikit ng husto saaken at ganon din si Eunice.

"Err ka yucky!" Sabi naman niya at mas idinikit pa ang katawan saaken.

Iniwan namen yung tatlo na pawang puro nakangisi bago kami naglakad papunta sa classroom namen.

"Mga galunggong na yun, pasalamat sila at hindi na sila napunta sa hot seat ng lolo nila dahil saaten. Tapos ngayon mang-aasar pa!" Inis na sabi ni Eunice habang naglalakad kami.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now