CHAPTER 53

232 12 0
                                    


Beatrice POV

Inuwi na ni Radge ang tatlo niyang kapatid kaya nagsimula naman si Cheska at Eunice sa paghahanap nung pinapagawa ko sakanila para hanapin ang mga taong binalak na saktan si Bryce.

"May balita na ba sa lolo nung tatlo?" Tanong ko kay ate habang pareho kaming nakatanaw sa buwan dito sa glass wall ng organisasyon niya.

"Wala, wala pa. Masyadong masikreto ang taong 'yon at talaga namang wala kaming mahanap tungkol sakanya" Sagot niya kaya tumango ako.

"Kilala mo na ba ang lalakeng 'yon?" Tanong ko ulit sakanya makalipas ang ilang segundo.

"Sino?" Tanong niya at tinignan ako kaya pinanlakihan ko siya ng mata. "Ahh si August? Medyo? Bakit?"

Mas gusto ko ang Radge na pangalan niya ang cool lang.

"Paano niya nalalaman ang tungkol sa mga nangyayare saaken?" Tanong ko.

"Duh! Stalker mo kaya 'yon" natatawa niyang sabi kaya binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Totoo nga! Simula nung bantayan ko siya stalker mo na 'yon hindi lang nagpaparamdam sa'yo" Natatawa niyang dagdag kaya itinaas ko ang kaliwang kilay ko.

"Saan mo gusto mapuruhan? Sa noo, puso, tiyan, ulo o puputulan kita ng dila?" Naiinis kong sabi.

"Hala, di ka naniniwala? Totoo nga kasi! Ang sabi niya saaken nung mahuli niya akong sinusundan at minamanmanan ko siya, hindi ka naman daw niya sasaktan o iuuwi sa bahay niya. May kailangan lang daw siyang malaman at naghahanap din siya ng sagot" mahaba niyang sabi.

"Sa ano?" Tanong ko kaya narinig ko naman ang pag-buntong hininga niya.

"He's suffering the same way, Beatrice. Iyong pakiramdam nung tatlo kahapon ganon ang nararamdam niya kadalasan, he's confuse why he can cast spells and who's behind of all of these" sabi niya kaya ibinalik ko ang tingin ko sa buwan.

"May binabasa ba siyang libro para magawa ang mga ganon? Or kusang lumalabas?" Tanong ko ulit.

"Well... Meron ata siyang libro pero hindi about sa pag-aaral kung paano mag cast ng spells, about ata sa Eternal Soul. Pareho lang ata nung libro niyo doon sa organisasyon ninyo" sabi niya kaya tumango ako. "At about doon sa spells, wala. Wala akong alam kung paano niya nagagawa 'yon" dagdag niya pa.

"Someone's leaving a weird notes outside my room, at kapag binabasa ko 'yon doon nangyayareng nagagawa kong makapag cast ng spells"

Sabay naman kaming napalingon ni ate ng bigla nameng marinig ang boses ni Radge papalapit saamen.

Itinaas niya naman ang kanan niyang kamay at napakunot ang noo ko ng may papel na nakaipit sa dalawang daliri niya.

"Like this. Nakita ko sa labas ng kwarto ni Bryce, it's the same notes that I have. And same hand written" sabi niya kaya kinuha ko naman 'yon sakanya at sinubukang basahin pero hindi ko mabasa ng maayos kasi ang gulo at wala akong maintindihan.

"Anong klaseng note 'to? Seryoso ka?" Walang reaksyon kong sabi.

"You're supposed to read it upside down. Try it, nagtaka din ako nung una" sabi niya kaya binaliktad ko naman yung papel.

Babasahin ko sana pero napa-isip ako bigla. "Kung nag-iiwan sila ng ganito sainyo, ibig sabihin may alam sila at sinusubukan nilang palabasin ang kung ano mang meron sainyo na may kinalaman sa mahika" sabi ko.

"At kapag binasa mo 'yan ngayon, hindi malabong magagawa mo din ang mga nagagawa ni, August" dagdag ni ate sa sinasabi ko kaya tinignan ko silang dalawa bago ko tinignan sina Cheska at Eunice na nakatingin na din pala saamen.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now