CHAPTER 35

315 20 0
                                    


Cheska Pov

"Siguraduhin ninyong tutupad kayo sa usapan" sabi bigla ni Bea kaya nakatinginan kami ni Eunice.

"Kami ba ang kausap–"

"Are you that scared to know your true identity?"

Napatingin naman kami ni Eunice sa likod ng marinig ang boses ni Japhet. Ahh siya pala ang kausap.

Nakasunod na pala sila.

"Hindi" sagot ni Bea. "Ayokong pumatay at magsayang ng pawis sa isang lampang tulad ninyo kaya binabalaan ko kayo" dagdag niya kaya napapigil ako ng tawa.

"You still see that we are weak huh?" Sabi naman ni Frank.

"Bakit, hindi ba?" Nakangising tanong ko naman habang nakatalikod kami sakanila.

"Hindi" sagot naman ni Japhet kaya napailing-iling ako. "Dahil ayaw din nameng pumatol at sayangin ang lakas namen sa mga pabayang katulad niyo" dagdag niya at huminto si Bea kaya napahinto din kami.

"Hayaan mo na siya, pinipikon ka lang niyan" pabulong kong sabi kay Bea.

"Kung hindi sana naging pabaya ang mga tauhan mo edi sana hindi nalaman ng stalker mo ang lugar na to" mapang-asar na sabi ulit ni Japhet at napatingin ako sa kaliwang kamay ni Bea na kumuyom.

Napipikon na nga siya, lagot na.

"Bea" pagpipigil din sakanya ni Eunice habang nakatalikod pa rin siya. "Tumigil ka na nga kung ayaw mong matuluyan!" Inis niyang sabi kay Japhet.

"Hindi naman ako takot mamatay–"

Naputol naman ang sasabihin niya ng biglang mabilis na humarap si Bea at patakbong lumapit sakanya at segundo lang ay hawak na ni Bea ang leeg niya kaya napatakbo din kami papalapit sakanya para pigilan siya.

Hindi siya nagpaawat at mas hinigpitan ang pagkakasakal sa leeg ni Japhet. Gaya namen ni Eunice ay nasa likod niya din ang dalawa niyang kapatid.

Kaso ng makita kong sasabunutan na ni Japhet si Bea agad kong kinuha ang kamay niya at para pigilan siya at kasabay non ang pag hawak din ni Frank sa braso ko para pigilan ako.

Ganon din si Eunice na hawak ang kabilang braso ni Japhet pero nakatutok ang baril ni Owen sa ulo niya at narinig ko naman ang pagtakbo ng ilan sa mga tauhan namen papalapit saamen at itututok na sana ang mga baril nila sa direksyon netong tatlo ng pigilan sila ni Bea.

"Nagbibiruan lang kami. Go back to your works" sabi niya sabay tingin kay Japhet. "Masyado ka atang kampante. Huwag kang masyadong mayabang dahil kalaban pa rin kita kahit papaano dahil pinasok mo ang lugar na to." Seryoso at walang reaksyon niyang sabi.

Halos lumabas na lahat ng ugat ni Japhet sa leeg at namukula na ang buong niyang mukha at matalim din ang tingin ko kay Frank.

Binitawan naman ni Bea ang leeg ni Japhet at habol hininga naman siya ng saluhin nung dalawa kaya tumabi ulit kami kay Bea.

"Nagsasayang kami ng oras sainyo" sabi ni Bea at inirapan sila bago kami naglakad papunta sa van namen.

Dito kami dumaan kung saan hindi kami dadaan sa main road kundi sa serkretong tunnel na ginawa para doon kami dumaan kapag papasok o lalabas kami ng pasikreto.

Pagdating namen sa harap ng sasaktan inabutan si Bea ng talong damit ng mga bodyguard namen na kapareho ng suot na damit nila Japhet ngayon.

Basta niya na lang yung binato sa direksyon nung tatlo at walang sabi-sabing pumasok ng van kaya sumunod kami at inantay silang tatlo na makatapos sa pagpalit ng dami nila.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now