CHAPTER 15

521 29 0
                                    

Beatrice Pov

"Ok class you can take your snacks now  just stay away from this area." Sabi ni ma'am kaya agad naman silang nagsi-alisan.

"Dito lang kayo, may gagawin lang ako sandali" pabulong kong sabi kina Cheska.

Tumango naman silang dalawa kaya naglakad naman ako na akala mo dadaan lang at lalagpasan lang ang sasakyan nung police. Pero bago ko ikabit ang tracking device sa ilalim ng sasakyan tumingin ako sa paligid at nakita kong abala naman silang lahat doon sa babaeng duguan kaya agad akong kumilos at inilagay yung tracking device sa ilalim ng sasakyan nung police.

Tch iba ang sinasabi ng instinct ko sa lalakeng yun ehh, pagkalagay na pagkaagay ko agad akong tumalikod at naglakad palayo na parang wala lang.

Malapit na ako kila Cheska ng bigla na lang may pumulupit ng kamay sa bewang ko kaya tiningala ko kung sino yun.

"May bewang ka din, bakit hindi kaya yung bewang mo ang hilahin mo?" Walang emosyon kong sabi kay Japhet.

"There's no thrill if i pulled my own waist baby." Nakangiti at mahina niyang sabi habang nakatingin saaken.

"Ang landi mo, tabi" sabi ko sabay tulak sakanya palayo saaken pero sinabayan niya pa rin ako sa paglalakad kaya huminto ako. "Titigilan mo ako o–"

"I'm not following you duh, your so feeling I'm going to the cafeteria tch."

"Tanga wala ako sinabing sinusundan mo ako! Akala ko napaka seryoso mong tao may pag ka gampis" singhal ko sakanya na ikinakunot ng noo niya.

"Gampis?"

"Langgam at ipis tch, jan ka na nga gampis" sabi ko at natawa ako sa huli kong sinabi at sabay-sabay na kami nila Cheska naglakad papunta sa canteen.

Oo canteen tch, may pa cafeteria pa na nalalaman ehh tch. Pagtapak na pagtapak namen sa entrance ng canteen agad na natahimik at napatingin saamen ang lahat nang nasa loob at gumilid naman ang ilan sa daan.

At napahinto kaming tatlo ng makita ang isa grupo ng mga lalake mula sa hindi kalayuan na nakaupo sa lamesa ng ilang estudyante na kumakain.

Wala naman sana kaming pakialam pero napatingin sila sa direksyon namen.

"What are you doing?" Tanong ni Japhet mula sa likod namen.

"Ohh kita niyo nga naman kung sino ang nandito!" Sabi nung isang lalake na naka jacket din na itim at jogger pants na itim din.

Nice style huh -_~

"You know them?" Tanong ulit ni Japhet mula sa likod pero hindi ko naman siya sinagot at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Aba'y malay ko sakanila, hindi ko nga sila kilala ehh.

At ng tumapat  na ako doon sa lalakeng nagsalita kanina at lalagpasan na sana ng mapahinto ako dahil sa pumulupot na kung ano sa magkabila kong paa kaya iyinuko ko naman ang ulo ng konti para tignan kung ano yun.

Napatingin na lang ulit ako sa unahan ng walang reaksyon ang mukha dahil nagsisimula na naman akong mainis. Ipulupot ba naman sa paa ko ang sinturon, ano ba ang mga problema ng mga tao dito!?

"Hi ladies" nakangisi at bakas sa mukha niya ang pagiging playboy.

Psh ako pa ba alam na alam ang mga mukha ng mga hindi mapapagkatiwalan.

"What do you want jerk?" Sabi ko sa pang-iinsultong paraan ng pananalita.

"Uhmm your attention ladies" sagot niya.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now