CHAPTER 30

348 22 0
                                    


Cheska Pov

Habang binubuklat ang isang libro dito sa isang sulok nakasuot ako ng eye glasses kasi nakakaganda lalo. Joke!

"Wala naman ata yung ganong– teka" sabi ko ng may mahagip ang mata ko sa librong mabilisan kong binubuklat at binalikan yung page kung saan nahagip ng maganda kong mata na parang pareho doon sa sinabi ni Beatrice na nakita niya sa bag nung lolo nung tatlo.

"Ano yun? Nahanap mo na?" Sabi ni Eunice at lumapit sa tabi ko.

"Bea! Beatrice! Lika dito tignan mo to!" Tawag ko sakanya at rinig ko naman ang pagmamadali niya papalapit saaken.

Pero may nahintuan akong mukha bago yung page kung saan ko nahagip yung pinapahanap ni Bea kayayun ang pinakita ko sakanila.

"Eto ohh mukhang tukmol hahahaha, bakit may unggoy dito?" Natatawa kong sabi ng makita ang mukha ng isang unggoy.

*Pak*

"Gaga! Hindi unggoy yan! Ehh tao yan ehh kita mo?" Sabi ni Eunice at tinuro pa yun kaya napakamot ako sa batok habang tumatawa.

Nabatukan tuloy ako hahahaha.

*Pak*

"Ehh kamuha mo nga ehh" sabi naman ni Bea kaya nanlalaking ilong at mata ko siyang tiningala dahil nakaupo ako. "Totoo naman ahh, diba Eunice?" Walang bakas na birong sabi niya.

"Ayy oo nga ano? Kamukha mo nga Cheska–"

"Mga gaga! Eto na ohh, eto ba yun?" Inis kong sabi at inilipat sa kabilang pahina yung libro kaya inagaw naman yun saaken ni Bea.

"Eto nga" seryosong sabi ni Bea pero nakakunot ang noo niya. "Pero base dito, isa din etong organisasyon na kasama netong organisasyon naten. Pero base doon sa nakita ko sa isang kwarto bakit may Vipers na nakalagay at dito Empress Eternal Soul ang nakalagay." Nagtataka niyang sabi.

"Grupo din ba yan ng mga assassins?" Tanong ni Eunice kaya tinignan ko siya.

"Ayy bhe basahin mo kaya, kita mo ohh 'one of the biggest assassination group' diba?" Sarkastiko kong sabi sakanya kaya inirapan niya ako.

"Meron ba tayong nabisita na ganyang organization dati?" Nagtataka ko ding tanong.

"Pero hindi din nababanggit nina daddy, mommy at tito ang grupong iyan. Halos lahat na ata nabanggit niya na saaten ang mga grupo ng mga assassination group pero hindi ata ang isang to?" Sabi naman ni eunice kaya pare-pareho kaming natahimik at nag-isip.

"May utak ba kayo?" Biglang sabi ni Bea kaya sabay kaming napatingin sakanya ng nagtataka ang mukha.

"Huh?" Sabay nameng tanong ni Eunice.

"Sabi ko kako, kung may utak pa kayo at may oras pa kayong mag-isip? Wala tayong oras para mag-isip, ang kailangan naten ay malaman ang tungkol sa grupong eto–"

"Teka, teka lang. Hinay-hinay naman Beatrice, mahina ang kalaban, paano yung tatlong tukmol?" Awat aakanya ni Eunice.

"Konektado ang grupong eto at ang Vipers sakanilang tatlo, at kung nagkakamali man ako... di mas mabuting alamin naten ang lahat ng meron sa magkakapatid na yun at lalo na doon sa lolo nila dahil alam kong may alam ang isa sakanila tungkol dito bago tayo magsagawa ng plano." Seryoso niyang sabi.

"Pero walang utos ang daddy mo na gawin naten to" sabi ko at nag-aalala ako na baka magalit si tito at sa kalalabasan netong gagawin ni Bea.

"We have no choice, plus it's part or our mission na gawin ang lahat and also help our targets. Hindi lang tayo nakafocus sa isang bagay, titignan din naten ang kabilang side ng storya nila dahil parte din sila ng buhay naten noon, at hindi ako papayag na hindi naten sila makukuha ng hindi tapos ang trabaho." Seryoso niyang saad at nakita ko na naman ang nakaktakot niyang mata na gugustuhin mo na lang mamaday kesa makita ang nakakatunaw at makamandag niyang tingin.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now