CHAPTER 63

185 10 0
                                    


Eunice POV

That's it! Kung ako man si Bea ngayon sigurado akong eto din ang iniisip niya ngayon.

"And about Francisco" patuloy ko ulit at tinignan si tito. "There's a big possibility na kaya niyang baguhin ang anyo niya pero hindi pa rin tayo sigurado– I mean malalaman lang naten na siya talaga ang lolo ni Bea kung manggagaling mismo sa bibig ni Francisco o ni Bea na kilala niya eto" sabi niya pa.

"And it's hard to believe him but somehow... I trust him" sabi ni tito kaya sakanya napunta ang tingin namen.

"And kung siya man talaga ang lolo ni Beatrice..." Sabi ni Cheska. "Base sa mga original copy ng mga libro ng Eternal Soul, isa sa pamilya ninyo tito, ang dahilan kung bakit naging kakampi ninyo dati ang Eternal Soul... Sigurado akong siya ang taong iyon dahil base na rin sa envelope na 'to na galing kay Ate Aishie ay siya ang nagdala kay Bea sa lungga ng Eternal Soul" dagdag niya pa kaya sumang-ayon ako.

"That's... That's all a conclusion, right?" Nakatulalang tanong ni Atlas saamen.

"There's a fifty percent chance that it is true, so brace yourself 'cause we're about to reach the ending" nakangising sabi ni Ate Aishie. "All we have to do is know the reasons and story behind our conclusion if it is true, and if it is not, we have to trust Beatrice on this" seryoso niyang sabi habang sinusuot ang pocket gun sa bewang niya. "Now, ang kailangan nateng gawin ngayon ay pag-planuhan ang pagsalakay naten sa lunga ng mga taga Eternal Soul" sabi niya pa kaya agad ko namang pinindot ang button sa gilid ko dahilan para mas humaba pa ang mesa sa harapan namen.

"Bakit sa Eternal Soul? Diba si Augustine na siyang leader ng The Black Vipers ang kumuha sakanya? Akala ko sa lungga ng mga Black Vipers" Nagtatakang tanong ni Jax.

"Change of plans, a while ago, I already knew that Black Vipers and Eternal Soul is working together  and I'm not hundred percent sure that Beatrice is inside the place of Empress Eternal Soul, but alam kong dadalhin ni Augustine si Beatrice kung saan siya mapapanatag at alam niyang walang sino man ni isa saaten ang makakalapit kay Bea" mahabang sabi ni tito. "And anytime soon, she'll be awaken" seryoso niyang sabi kaya ma snaramdaman ko ang tensyon dito sa loob ng sasakyan.

"How about our Head Master? Where he is?" Biglang tanong ni Bryce.

"He's... His body is gone" sagot ni tito na ipinagtaka nameng lahat.

"What? What do you mean?" Tanong naman ni Jax.

"It was a fast attack and we didn't notice that his body was gone, I think someone took it from our car a while ago" sabi ni tito kaya nag-igting naman ang panga nilang tatlo nina Bryce at natahimik ulit sila.

Bumalik sila sa pag-uusap-usap pero samantalang abala sila, ako naman ay mas nagiging malakas ang kutob sa mga hinihinala namen tungkol sa mga Septhis at sa The Black Vipers, dahil sa mga katagang binitawan kanina ni Augustine sa harapan nameng lahat.

'You belong to us, at hindi rin magtatagal babalik kayo saamen'

Ibinalik ko ang atensyon ko sa mga plano namen at mabuti na lang at nakahinto ang oras at solong-solo namen ang daanan. Pero habang nakaupo kaming lahat dito bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napapikit ako at hinawakan ang ulo ko.

"Hey, anong nangyare?" Tanong saaken ni Atlas at niyugyog pa ako pero nakakaramdam ako ng kakaiba.

Na para bang nauubusan ako ng enerhiya sa katawan at bahagya akong nakakaramdam ng pananakit ng dibdib.

"Axe!" Rinig kong sigaw ni Ate Aishie kaya kahit nahihilo at umiikot na ang paningin ko sinubukan kong tignan si Cheska at gaya ko ay bigla na lang din siyang napahawak sa ulo niya.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now