CHAPTER 13

579 32 3
                                    

Beatrice Pov

Bigla namang napadungaw si Eunice doon sa tatlo at bigla ulit siyang napatago kaya tinignan ko siya.

"Napahinto sila sa paglalakad" sabi niya at lunapit ulit dito saamen.

Hinawakan ko naman ang buhok netong lalakeng nasa harapan namen ngayon.

"Sinong master Bryce and sinasabi mo?" Seryosong tanong ko.

Hindi niya naman ako sinagot at tanging tawa lang ang narinig ko mula sakanya.

"Kailangan na nateng umalis. Dalhin yan tatawagan ko na sila" sabi ni Cheska at nilagpasan ako.

"Hoy ano, ako magbibit-bit sa isang to? Aba hindi ko kaaya ng mag-isa to" mahina at inis kong sabi.

"Ay hahaha sori na excited lang mang torture ulit" sabi ni Cheska at bumalik.

Pero bago namen buhatin ang isang to kailangan niya munang matulog kaya malakas ko naman sinipa yung itlog at mabilis namang tinakpan ni Eunice ang bibig niya gamit ang towel na itim at diretso niya na yun itinali sa bibig niya.

"Darn! Hoy mga loko dalian niyo naloloka ako sainyo bilis! Ikalawang building dali taena" mahina at madiin na sabi ni Eunice mula sa communication device namen.

Dumungaw naman ulit ako at nakita kong lumabas ulit sila Japhet kasama ang apat pa na lalake at palingon-lingo.

"Ayy tanga!" Bigla kong sigaw ng bigla akong may naalala.

"Shh! Bakit?" Tanong saaken ni Cheska.

"Ang bobo! Bakit ko nga pala sinira yun yung device ng mokong na to? Bobo! Edi sana narinig naten kung sino talaga yung tinawagan niya" sabi ko at napasabunot sa buhok ko at tinignan ulit sila Japhet.

*Pak*

"Ang tanga mo nga!" Batok saaken ni Eunice.

*Pak*

"Sabog ka na ghorl" batok naman saaken ni Cheska kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Bobo ehh nangyare na ano pa ba? Tara na simula na nateng kumilos at baka mamaya mabuko pa tayo" sabi ko sabay hawak sa dalawang kamay nung lalake. "Kayo sa paa" sabi ko sakanila.

"Huh bakit? Hoy ano na naman ang nasa isip mo?" Nakakunot noong tanong ni Cheska saaken.

"Master we're here, where na you?" Muntik pa akong matawa ng marinig ang boses ng bodyguard ko.

"Dito na me, ihanda niyo ang sasakyan ibabagsak namen ang lalakeng to" sabi ko na ikinalaki ng mata nung dalawa.

"Hoy baliw ka ba? Ang taas neto itatapon mo?" Halos pabulong na sabi ni Eunice.

"Ako bahala, bilis na–"

"Malapit lang sila. Hanapin niyo!" Rinig kong sigaw ni Frank kaya mabilis naman kaming kumilos at gaya ng sabi ko itinapon namen ang lalakeng to sa tapat ng van namen.

"Activate parachute" sabi ko mula sa earpiece ko at bigla namang bumukas yung bubong ng sasakyan namen at mula sa loob kita ko kung paano nawala ang inuupuan nameng tatlo at natiklop ang mga yun saka lumabas ang isang kutson at siya namang pagbukas ng parachute na ikinabit ko doon sa lalake.

"Kingina dala mo pala yun?" Gulat na sabi ni Cheska.

"Ahuh dyosa to ehh" sabi ko at ngumisi saka tumakbo papunta doon sa kabilang dulo netong rooftop at nakita kong nagkakagulo na yung mga kasama nila Japhet at kita ko din siya na nakakunot ang noo habang iginagala ang paningin sa paligid.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now