CHAPTER 59

177 12 0
                                    


Cheska POV

Natigilan kaming pito ng makita ang mga nakahandusay na mga tao sa loob ng mansyon kaya nagkatingin kaming tatlo nina Ate Aishie at Eunice.

Nung pinagpatuloy ko ang video na hindi natapos ni Beatrice eto ang mga nalaman ko.

*Flashback*

Biglang lumabo ang video pero naayos din agad makalipas ang ilang segundo at nanlaki ang mga mata ko ng biglang tumapat ang camera sa isang litrato.

L-l-litrato ni Beatrice.

"Bakit nanjan 'yan? Give me that" medyo galit na sabi ng lolo nina Bryce. "Please stay alive my little monster and help me save this boys. You always wanted to have a nice life, please be safe. Your grandfather will keep this precious boys for you" rinig kong nagsusumamo niyang sabi.

Mahina lang ang pagkakasabi niya non ngunit rinig na rinig ko pa rin bago biglang nagkaroon ng napakalakas na pagsabog mula sa video saka eto namatay.

*End of Fpashback*

Tangina naman! Nakakalito na! Wala na akong maintindihan at sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayare.

Pero may kapangyarihan ang matandang 'yon at ibig bang sabihin non ay isa siya sa Eternal Soul? Ugh! Hindi gumagana ng maayos ang utak ko!

"Beatrice!" Sigaw ni Ate Aishie ng makapasok kami sa isang kwarto at nanlaki pa ang mga mata ko ng makita kong  nakahandusay ang kinikilalang lolo nina Bryce.

"Bea!" Sigaw ko ng makita ko si Bea katabi ng isang lalake.

At kung hindi ako nagkakamali, siya si Augustine base sa mga inpormasyo sa envelope na pinakuha saaken ni Bea.

"Lolo" gulat naman na sabi ni Atlast at binuhat ang ulo niya saka ipinatong 'yon sa legs niya.

"Who did this!?" Biglang galit na galit na sigaw ni Bryce at napadako ang tingin niya kay Bea.

"I did" sabi ni Bea kaya nanlaki ang mga mata ko bago niya itinaas ang kutsilyong hawak niya.

Tumayo si Bryce at lalapit na sana sakanila ng biglang gumalaw si Bea at mabilis na inatake si Bryce.

"Beatrice!" Sabay na sigaw namen ni Eunice dahil hindi kami makapaniwala sa ginagawa niya ngayon.

"Anong ginagawa mo, Knife!? Kalaban naten 'yan!" Madiing sabi ni Ate Aishie sakanya.

"Well, kumakampi na siya ngayon saaken" nakangiting sagot ni Augustine kaya pinagmasdan ko naman ang itsura ni Bea.

"Hindi niya gagawin 'yon! Bea–"

Naputol naman ang sasabihin ni Eunice ng bigla na lang mabilis na nakalapit si Bea sakanya at tinutukan siya ng kutsilyo sa leeg kaya nagitla siya.

Patakbo naman akong lumapit sakanila at mabilis na tinanggal ang pagkakatutok ng kutsilyo ni Bea sa leeg ni Eunice gamit ang palakol na hawak ko bago ako tumayo sa harapan niya.

"Bea, ano ba ang nangyayare sa'yo–"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang ulit siyang umatake kaya mabilis kong sinalag ang braso niya ng akma niyang susuntukin ako.

"Bea!" Sigaw ko sakanya pero nagulat ako ng bigla niya akong tinulak bago siya mabilis na lumapit saaken at inambahan ako ng sasak sa puso pero bigla na lang humarang si Jax sa harapan ko at buong lakas na sinipa si Bea sa tiyan kaya agad kong pinigilan si Jax.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now