CHAPTER 49

248 17 0
                                    


Eunice Pov

Lumipas ang mga araw at naging magaan ang pakiramdam nameng tatlo dito sa loob ng palasyo kahit na medyo nay konting problema din si, Avie.

Magaling namang humawak ng sitwasyon si Avie kaya masyado kaming namamangha sakanya.

"Bea?" Tawag ko kay Bea sabay katok sa pintuan ng kwarto niya.

"Pasok" sabi niya kaya pumasok naman ako at nanlaki ang mga mata ko ng makitang dumud1ugo ang braso niya kaya napatakbo ako papalapit sakanya at dumampot ng tela para pigilan ang pagdurugo ng braso niya.

Pero natigilan ako ng pigilan niya ako at tinignan ng diretso sa mata bago tinanguan ako ng marahan kaya naupo na lang ako sa tabi niya at pinanood ang ginagawa niya.

Tumutulo na ang dugo niya sa sahig kaya medyo nag-aalala na ako at nakahanda ang kamay ko anumang oras para takpan ang sugat niya pero bigla na lang unti-unting lumiwanag ang sugat niya at nawala ang nga tumutulong dugo at bigla na lang unti-unting nawala ang sugat niya sa braso kaya nanlaki ang mga mata kong tinignan siya.

"A-anong nangyare?" Nagugulat kong tanong sakanya.

"Akin na ang kamay mo" sabi niya.

"B-bakit?" Tanong ko at nag-aalangan akong ibigay sakanya ang kamay ko.

"Maliit lang to, promise." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at hiniwa niya ng maliit lang ang palad ko.

"Hoy! Ano yan!?"

Napalingon naman kami sa pintuan ng marinig ang boses ni Cheska.

"Shh, halika ka dito" sabi sakanya ni Bea at pinaupo din siya sa tabi namen.

"Anong ginagawa niyo?" Nagtataka niyang tanong.

"Manood ka muna" sabi ni Bea kaya sabay-sabay namen pinagmasdan ang kamay palad kong nagdurugo na pero wala man lang kahapdi-hapdi akong nararamdaman.

Nanlaki ulit ang mata ko nang gaya kay Bea ay bumalik sa dati ang palad ko at nawala ang sugat ko sa palad kaya namamangha kong sinuri ang palad ko.

"Anong ibig sabihin niyan?" Naguguluhan pero nagugulat na tanong ni Cheska.

Kinuha naman ni Bea ang kamay niya at ganon din ang ginawa sa palad niya bago siya nagsalita. "Yung pangyayareng nasaksak ka, hindi yun warning. Sarili mo mismo ang gumamot sa hiwa mo noon" sabi ni Bea at pinanood ang mabilis na paghilom ng sugat ni Cheska sa palad na ikinalaki ng mga nata niya.

"P-paano nangyare yun?" Gulat niyang tanong.

May kinuha naman si Bea sa ilalim ng kama niya at inilapag yun sa kama niya kaya binuksan ko yun.

"We are part of the Eternal Soul, and we have the ability to heal ourselves" paliwanag niya kaya sabay kaming napalingon sakanya.

"Saan mo nakuha 'to?" Tanong ko sakanya.

"Binigay saaken ni, Avie" kibit balikat niyang sabi.

"Narinig ko ang pangalan ko, ano iyon?" Biglang sulpot ni Avie sa harapan namen gamit ang paglalaho niya.

"Binigay mo eto sakanya?" Tanong ko kay Avie.

"Hmm. Bakit?" Nakangiti niyang sabi at napakainosente ng mukha niya.

Grr! Nanggigigil ako kasi bakit ang inosente ng mukha niya gayong ang galing niyang makipaglaban at mas demonyo siya sa demonyo!

Pero idol ko pa rin siya. She keep her inosent face, even behind that... She's hiding something and she's pretty scary.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now