CHAPTER 29

350 22 0
                                    


Beatrice Pov

Napakunot naman ang noo ko ng tanggalin niya ang takip niya sa mukha kaya umayos naman ako ng tayo at bigla siyang sinipa sa gilid ng tuhod dahilan para matumba siya.

"Kingina mo, akala ko kung sino. Tayo! Sino kasama mo?" Inis kong sabi dahil muntik ko pa siyng napugutan ng ulo. "Pwede niyo nang ibaba ang mga armas niyo, pinsan ko siya" utos ko sa mga tauhan namen na agad naman nilang sinunod.

"Hahahahahaha magaling ka pa rin palang humiwa ng mga bagay-bagay noh? Baka ikaw talaga yung pinag-uusapan ng mga agent namen doon na si... Sino nga yun?" Natatawa niyang sabi at bigla naman bumagsa ang isa pa mula doon sa basag na bintana kasama ang isang agent namen na mukhang nadakip siya.

"Si Grievous Empress" sabi niya at kumaway saamen. "Bonjour. Aray ko pwede pakibitawan na ako please?" Paki-usap niya saamen kaya sinenyadan ko naman na bitawan niya ang bruha.

"Sino yun? Pero whaaaaaaaa!! Kailan pa kayo dumating dito?" Natutuwang tanong ni Eunice sakanila.

"Teka lang hindi pa kami kumpleto, ohh ayan na pala siya! Lika nga dito!" Tawag niya at tumingin sa likod namen kaya lumingon din kami at kita namen si ate Aishie kasama ang isa pa.

"A-anong ginawa ninyo!?" Gulat na sabi ni ate Aishie habang nakatingin sa basag na bintana. "Balik sa trabaho!" Utos niya sa mga tauhan namen na agad naman tumalima at umalis dito.

"Ehh sa akala namen may umaaligid na–"

"Lagot ako neto kay tito ehh! Saaken niya pa naman ibinilin tong organization ninyo! Mga psaway na bata!" Inis niyang pero ngumiti lang si Cheska at nagpeace sign sakanya.

"Sowi" sabi niya. "Pero mabalik tayo sainyong tatlo, bakit nandito kayo?" Dagdag niya at ibinaba ang baril sa lamesa.

One of them is my cousin sa mother side. They're part of the assassination but they're different from us, they're using spells and powers at kakaibang paraan ang ginagawa nilang pagpatay sa mga kalaban nila.

Ivy Salisha Astrid, yan ang pangalan nung naunang pumasok. Siya ang pinsan ko, nanay niya ay marunong sa mga spells at ang tatay niya ay namamahala ng assassination sa ibang lugar, kung baga siya yung bunga ng pinagsamang ordinaryong tao at isang mahika. Matanda ako sakanya ng tatlong taon.

Maira Ailana Apolo, siya ang pinsan ni Eunice sa father side na siyang ikalawang dumating dito. Magaling sa linlangan yan at talagang dodoble ang mga mata mo kapag siya na ang kalaban mo. Matanda sakanya si Eunice ng isang taon.

Inara Dionne Arevalo, siya naman ang pinsan ni Cheska sa father side din at etong babaeng to? Kapag pinagsama mo si Earl, Eunice at Owen ayy ang sarap pag-uumpugin ng ulo. Para din siyang si Ivy half human half abnormal, tatay niya nailove sa lobo. Astig diba? Matanda rin si Cheska sakanya ng

"Well napadaan lang naman kami dahil may importante kaming misyon ngayon, pero gusto muna namen kayo makita kahit sandali lang. At mukhang maayos naman kayo at walang kupas pa rin ang galing sa pakikipaglaban" sabi ni Ivy.

"Naman!" Sagot ni Eunice.

Kinuha naman sa kamay ko ni Ivy yung espadang hawak ko at pinadaanan niya ng kanan niyang kamay ang buong talim neto at may usok naman na lumabas sa kamay niya at pinalibutan ang buong talim ng espada kaya namamangha naman kaming nakatingin sakanya.

"Here ate, sayo na yan." Sabi niya at binigay ulit saaken yung espada.

"Ehh hindi naman saaken yan" sabi ko.

"Bitbit niya yan, para sayo daw yan na espade at oo kanina pa sila nandito" sabi ni ate Aishie kaya kinuha ko naman yun sa kamay ni Ivy.

"Kapag kailangan mo ng tulong ko ate, gamitin mo lang to at sambitin mo lang ang pangalan ko darating ako agad" seryoso niyang sabi pero alam kong nagbibiro lang siya kaya ngumiti ako sabay tawa.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now