CHAPTER 9

604 37 0
                                    

Cheska Pov

Agad naman kaming kumaway kay ateng secretary sabay ngiti pa. Alam na namen ang tungkol sakanya kasi etong si Beatrice kagabi hindi mapakali at nakauwi kami matanga na dahil sumaglit kami sa organization para maghanap ng impormasyon sa sinasabi niyang Irma which is eto nga si ateng secretary.

Si Beatrice kasi kapag may nararamdaman talaga siyang kakaiba hindi tumitigil hanggat hindi nakakahanap ng kasagutan. Actually sa totoo lang pamilyar talaga yung mukha niya nung unang kita ko sakanya kaso binaliwa ko lang din.

"A-a-anong ginagawa ninyo dito mga master?" Magalang niyang sabi sabay yuko ng bahagya para magbigay ng galang.

"Wag mo kaming tatawagin ng ganyan dito, act like you don't know us" sabi ni Bea.

Ohh pak! English yun mga ghorl!

"Pasensya na" sabi ni Irma.

"Pumunta na muna tayo sa dean's office" sabi ulit ni Beatrice at gumilid naman si Irma at pinauna kami sa paglalakad.

Pagdating namen sa harap ng office agad naman kaming pumasok at naalala kong dapat pala munang kumatok bago pumasok jusme sensya na maganda lang  nakakalimot din hahahaha.

"Sit down girls" sabi ng isang matandang babae na mukhang nasa fourthy's pa naman ang edad. "I heard what happened" dagdag niya ng makaupo kami at agad naman nagsalita si Bea.

"I'm sorry for causing a trouble madam but may ask you?" Magalang niyang sabi pero walang reaksyon ang kanyang mukha.

"What is it?"

"We already made a mess the first day we were here but why did you just call us now? I know you also heard what we did to the group of men in front of the library" sabi niya.

Jusko napapasabak talaga kami sa inglisan neto ni Beateice minsan nalulula ako oo.

"Yes, pero iba yung ngayon. She's a daughter of a governor–"

"Napaka unfair mo naman ata madam kung ganon" biglang sabat ni Eunice. "Yung anak ng gobernador may pakialam kayo pero doon sa mga lalakeng nasapak namen wala? Ano yun ma'am may favoritism ka?" Dagdag niya.

Napayuko naman ako para itago ang tawa ko kaya ginagat ko na din ang ibaba kong labi at nakita ko pang napahilot si madam sa sintido niya at nahagip ko naman ang pag ngiti ni Irma na mukhang natutuwa pa sa sinagot nung dalawa.

"Miss Arevalo, ikaw may sasabihin ka rin ba?" Tanong niya saaken.

"Ako ma'am?" Turo ko sa sarili ko.

"Ayy hindi si miss Irma ang tinatanong, ikaw syempre" sarkastiko niyang sabi kaya natawa yung dalawa.

"Ayy ako madam maikli lang ang sasabihin ko" sabi ko sabay tingin sakanya ng nakangisi. "May kasalan din naman po si Abegail kaya ganon ang inabot niya, deserve" sabi ko at tuluyan na ngang napapikit ng mariin si madam.

"Tsaka madam hindi naman ho malala yung nangyare sakanya. Inuntog lang naman ni Bea yung mukha niya sa lamesa which causes blurred vision and dizziness and bleeding nose as well madam. As i see mahina lang naman po yung pagkakaumpog ng noo niya sa mesa so walang mangyayare sakanyang masama" mahabang sabi ni Eunice.

Napabuntong hininga naman si madam at mukhan nauubusan na ng pasensya at biglang tumunog ang telepono sa tabi niya at sinagot niya naman yun.

"Yes? How's Abegail?" Bungad niya. "I see pagpahingahin mo na lang muna siya jan" sabi niya ulit bago ibinaba ang telepono at tumingin saamen.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now