CHAPTER 7

610 36 0
                                    

Eunice Pov

"Hoy Cheska anong ginagawa ni Bea?" Kalabit ko kay Cheska habang nakadungaw kami sa pintuan ng kwarto ni Bea.

"Anong ginagawa ninyo jan?" Biglang tanong ni Bea habang nakatalukod pa rin sa amen.

Sabi ko nga ang lakas ng pakiramdam niya.

"Ehh ano ba kasi ginagawa mo? Ang bagal-bagal mo ehh" reklamo sabay pasok ng kwarto niya at nakita kong nililinisan niya yung kutsilyo niyang maliit.

"Anong gagawin mo jan? Dadalhin mo yan?" Tanong naman ni Cheska.

"Oo bakit bawal ba?" Tanong niya sabay tayo at hinagis yun at tumusok sa dart niyang bilog dito sa loob at tumusok yun sa gitna.

Ang sabi niya kasi kahapon pag-uwi namen yung mga bracelet na binigay nung apat saamen ang susuotin namen. Ehh kakaiba talaga yung bracelet na yun at may mga pangalan namen, tsaka hindi rin namen tinakpan ang mga tattoo namen sa bandang leeg.

"Tsaka hindi kaya tayo malintikan dito sa gagawin naten? Kita mo ohh, kitang-kita ang mga tattoo naten baka mamaya makilala tayo" sabi ulit ni Cheska.

"Kelan ba tayo nagsuot ng damit na kita ang leeg naten ha? Ha? Ha?" Sabi naman ni Bea kaya napakibit balikat naman ako.

"Oo nga naman Cheska, halos mga taga organization lang naman ang nakakaalam na may tatoo tayo sa leeg ahh." Sabi ko naman.

"Tch, pag tayo napaaway ulit–"

"Edi masaya" putol namen sakanya ni Bea sabay tawa.

"Pag-umpugin ko kayong dalawa ehh, tara na" sabi niya kaya sabay-sabay naman kaming bumaba at bumyahe papuntang eskwelahan na yun.

Pagpasok ng kotse sa gate huminto naman eto sa gilid saka kami bumaba.

"Ayan sinasabi ko na nga ba, umagang-umaga mukhang may manggugulo agad." sabi ni Cheska ng tumingin kami sa isa pang gate para makapasok kami sa loob.

Nakaabang na naman kasi saamen yung grupo ng mga jejemon kahapon. Ano na naman kaya ang problema ng mga to.

"Tara na" yaya ni Bea kaya tumabi naman kami ni Cheska sa magkabilang gilid ni Bea saka naglakad.

"Good morning mga idol!" Bati nila kaya huminto kami sa harap nila na mga nakangiting aso.

Jusko kung ganito ang bungad ko sa umaga mukhang makakasapak agad ako ng tao jusme! Buti na lang si Cheska ang bumungad saaken kanina hahahahaha.

"Walang good sa morning kung nakaharang kayo sa dadaanan namen" malamig na sabi ni Bea.

Ackkk! Ayan na naman po ang napagandang boses ni Beatrice.

"Dadaan kayo–"

"Ayy hindi lilipad kami" pilosopong sabi ni Bea sakanya kaya natawa kami. "Kita niyo ng dadaan obvious ba? Tabi" dagdag niya kaya nagsigilid naman sila.

"Ahh nga pala" sabi ko bago pumasok at tinignan sila. "Astig ba?" Tanong ko sakanila at pinakita ang tattoo ko sa leeg.

"Oo idol! Astig na astig! Saan mo nabili yan na tattoo?" Tanong ng isa sakanila kaya nginwian ko siya.

"Eunice tara na" hila saaken ni Cheska.

"Teka. Hoy hindi ko bini–"

"Halika na" malakas na hila saaken ni Cheska kaya hindi ko na naituloy yung sasabihin ko.

"Aray naman Cheska ihh" reklamo ko at inayos ang damit ko.

"Hayaan mo silang isipin na idinikit mo lang yan na tatoo" sabi ni Bea kaya umirap naman ako. "Wag matigas ang ulo Eunice dahil iuumpog ko yang ulo mo sa dingding" dagdag niya.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now