CHAPTER 67

193 11 0
                                    


Eunice POV

Ng makawala kami sa hawak ng mga kalaban agad akong umikot at mabilis na ipinusisyon ang baril ko sa harapan ni Felipe pero mabilis siyang nawala sa harapan ko kaya lumingon ako kay Bea na patuloy na kinakalaban si Bryce.

"Ahh!" Sigaw ko ng biglang may sumipa sa likod ko kaya agad kong hinarap kung sino 'yon at bumalik ang kumag kaya hindi ko siya inurungan.

Gumagamit siya ng mahika habang ako tamang iwas at atake sakanya gamit ang mga baril ko na mabilis at simple niya lang naiiwsan.

Paatras ako ng paatras habang kinakalaban si Felipe hanggang sa nasa labas na pala kami.

*Bang*

Napalingon naman ako mula sa likuran ng biglang tamaan ng bala sa tuhod si Felipe at nakita ko si Ate Aishie na nakatayo sa likuran ko.

"Tulungan mo doon si Bryce" sabi niya saaken kaya agad naman akong tumango sakanya at mabilis na tumakbo pabalik doon sa labas.

Hindi na si Cheska ang kalaban ni Edwardo kundi sina mama na at nakapalibot na sina Cheska, Atlas, Jax at Bryce kay Bea kaya lumapit din ako sakanila.

"Hahahahahahaha kill them" natutuwang sabi ni Augustine habang nanonood mula sa ikalawang palapag pero biglang lumitaw ang tatay ni Bea sa likuran niya kaya kay tito natuon ang pansin niya kaya kinuha nameng pagkakataon 'yon para lapitan si Bea.

Pero sabay-sabay din kaming napa-atras ng bigla niyang iwinasiwas paikot saamen ang espada niya kaya tinignan ko si Bryce.

"Hawakan niya ang mga kamay niya, kami sa paa. Susubukan naten siyang patigilin" sabi ko kaya agad silang tumango bago kami nagkanya-kanyang diskarte para makalapit sakanya.

Nawakan ko na ang paa niya kaya inilabas ko ang dala kong posas at nilagay 'yon sa magkabilang paa niya habang ganon din ang ginawa nina Bryce sa kamay niya.

Pero napatakbo kami bigla palayo sakanya ng biglang parehong umilaw ang posas na nasa paa at kamay niya at magpira-piraso 'yon at mabilis siyang lumapit saamen hawak na ang espada niya kaya patuloy lang kami sa pag takbo.

"Wala na tayong laban sakanya!" Sigaw ni Atlas habang tumatkbo.

*Boom*

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang may sumabog sa mismong inaapakan namen kaya sabay-sabay kaming tumalon papunta sa ikalawang palapag pero bigla ding nagiba ang inaapakan ko kaya wala akong nagawa kundi ang kumalimbitin sa chandelier.

"Mahuhulog na iyan, Eunice!" Sigaw saaken ni Cheska kaya patumbling akong bumagsak sa babae kasama nmga pira-pirasong pader.

Kasabay kong lumapag sina Bryce pero agad din kaming nakagalaw ng mabilis ng biglang lumitaw si Beatrice sa harapan namen.

Itinapon niya ang espadang hawak niya at kamuntik niya pang tamaan si August sa ulo kung hindi lang yumuko ng mabilis si August.

"What should we do?" Tanong ni Jax.

"Keep your distance to Beatrice!" Sigaw ni tito pero wala na kaming ibang pagtayakbuhan dahil bukod sa napuno ng mga kalaban ang paligid namen ay masyadong kaming naka-focus kay Bea na nagsisimula ng magbuo ng mahika mula sa kamay niya.

It form to a circle hanggang sa mas lumaki ng lumaki ang puting bagay na nasa dalawang kamay ni Bea bago niya 'yon pinakawalan dahilan ng biglang pagtilapon nameng lahat.

Napadaing ako ng sobra ng tumama and likod ko sa mga pira-pirasong pader na nakaabot na din sa labas. Unti-unti din nawawasak ang lunggang ng Eternal Soul at bago pa man ako makatayo ay literal na bagsak na ang lugar na eto at naglikha pa ng makakapal na abo.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now