CHAPTER 1

3.2K 59 2
                                    

3 years later.

Sa labas ng Airport habang hinihintay ni mayi na dumating ang sundo nito may nakita naman itong familiar na mukha sa kaniya, kaya naisipan niya ito lapitan at batiin.

" Gabby? Agad naman itong napalingon sa kaniya.

" Ma- mayi kumusta? Nakangiting bati nito sa dalaga na tila na surpresa sa nakita.

Matagal na kasi ng huling makita nito ang dalaga at sa Airport rin iyon ngunit hindi sila nagkausap noon.

" Okay lang naman ikaw kumusta? Tanong ng dalaga ngunit na tahimik lang si gabby dito.

" Ahmm paalis ka rin mayi? Maiba lang ni gabby ang usapan dahil alam naman nito na umalis ang dating kasintahan sa bansa.

" Hindi kararating ko lang galing japan, ikaw saan punta?

" Australia, mayi. "

" Hmm for good na? Nakangiting tanong ng dalaga sa dating kasintahan.

" Hindi ko pa alam mayi, siguro. " Sagot ni gabby habang umiiling ito.

" Okay sige ingat ka ha, una na ako baka nandiyan na yung sundo ko." Paalam ni mayi sa dating kasintahan.

" Ah -- mayi. " Tawag muli ni gabby dito.

" Hmm. " Tugon ni mayi na tila nagtataka.

" I'm sorry, I'm sorry sa lahat ng kasalanan nagawa ko sayo noon. " Usap ni gabby na makikita sa mata at mukha nito ang lungkot.

" Gabby, matagal na kitang na patawad pero magiging sinungaling ako kung sasabihin ko hindi na kita mahal at hindi ako nasasaktan sa tuwing makikita kita na kasama mo siya pero magiging okay rin ako, alam ko darating ako doon."

" Pero hindi ako okay mayi, mahal pa rin kita, mahal na mahal pa rin kita sinubukan kong mahalin siya kung paano kita mahalin noon pero kahit anong gawin ko ikaw pa rin mayi at ang tanga ko para sayangin yung panahon na binigay mo sakin."

" Makakalimutan mo rin ako gabby hindi pa ngayon pero sigurado ako darating ka rin doon. " Sagot ni mayi sa dating kasintahan at hinawakan ang mukha nito.

" Hindi ko alam mayi sinubukan ko na pero ikaw pa rin mayi, ikaw pa rin." Usap ni gabby at hinawakan ang kamay ng dating kasintahan at hinalikan ito.

" I'm sorry gabby pero hindi na tayo puwede mahal ka niya at ayoko masira kayo dahil lang sa akin." Sagot ni mayi pagkatapos ay tumalikod ito at iniwan si gabby.

" Mayi. " Sambit ni gabby habang pinagmamasdan nito papalayo sa kaniya ang dalaga, narinig ito ni mayi ngunit pinilit na hindi lingunin ang dating kasintahan.

Mabigat ang loob ni mayi ng sumakay ito ng kotse habang nangingilid ang luha nito sa mata.

" Masakit pa rin pala." Bulong ni mayi sa sarili habang napapapikit nalang dulot ng pagpigil sa pagpatak ng luha nito.

" Mam, sa office niyo po ba tayo deretso? Tanong ng driver kay mayi pagkasakay nito sa kotse.

" Hindi po, kuya bert uuwi muna po tayo." Nakangiting sagot ni mayi dito.

" Sige po mam. "

30 minutes pa na biyahe bago nakarating sila mayi sa kanilang mansyon, pagbaba nito ay nakita agad ng dalaga ang ina sa bungad ng pinto ng mansyon at sinalubong siya nito.

" Hi, ma

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

" Hi, ma. " Nakangiting bati ni mayi sa ina at bumeso dito.

" Anak, kumusta ang unika iha ko? Pagbati nito kay mayi na tila miss na miss na ito.

" Maganda pa rin ma. " Pagbibiro nito sa ina habang nakangiti.

" Si papa' pala nasaan?

" Hmm, nasa opisina anak alam mo naman ang papa' mo workaholic. " Sagot nito sa anak at tumango lang naman si mayi bilang pagsang-ayon dito.

" Kumusta pala ang biyahe anak?

" Okay naman ma, hindi naman kami na traffic nakakapagod lang po talaga."

" Mam, saan po ito dadalhin mga gamit niyo? Sabat ng family driver nila.

" Sa taas nalang po sa kuwarto ko mang bert salamat." Malambing na tugon nito sa driver.

" Sige po mam. "

" Oh sya tara na sa loob at ng makapagpahinga kana." Paga-aya ng ina nito, tinanguan naman ito ni mayi bilang tugon dito.

" Kumain kana ba? Magpapahain ako." Usap muli ng ina ni mayi.

" Hindi na ma, magpapahinga na muna ako na pagod po kasi talaga ako sa biyahe eh. "

" Oh sige matulog kana muna ipatawag nalang kita para sa dinner mamaya."

" Sige po ma, akyat na po ako, I love you. " Malambing na usap ni mayi sa ina at bumeso dito pagkatapos ay umakyat na rin patungo sa kuwarto nito.

" I love you too, anak. " Habol na usap ng ina nito.

--

Pagdating ni mayi kuwarto nito dahil sa pagod ay naibagsak nalang nito ang katawan sa kama.

Maraming na bago sa bahay at buhay nila mayi sa loob tatlong taon na nawala siya dito, ang dalawang lalakeng kapatid nito ay nakapag-asawa na kaya ang magulang nalang at si mayi ang nakatira ngayon sa mansyon nila.

Ang panganay nilang kapatid na si philip ay dalawang taon ng kasal at may isang anak na, ang pangalawa naman na si dave ay isang taon na rin kasal ngayon.

Umuwi lang si mayi sa pagitan ng tatlong taon na yun noong ikinasal ang mga kapatid nito.

" Hay na miss ko 'tong kuwarto ko." Mahinang usap ni mayi sa sarili habang yakap yakap ang unan nito.

Naalala naman nito ang muli nilang pagkikita ng dating kasintahan na si gabby sa airport at maiksing paguusap nila nito, tila nagbalik lahat ng alaala kay mayi ng makita muli nito ang dating kasintahan.

Umalis ito ng pilipinas upang makalimutan ang lahat ng masasakit na nangyari noon sa kanila ni gabby at upang makalimutan rin ang dating kasintahan ngunit tila ang tatlong taon na pagkakawala nito sa bansa ay walang nagawa ng makita niya muli ito.

" Hindi pa rin siya nagba-bago ang pogi niya pa rin, hays anong pinagsasabi mo mayi? Matagal na kayong wala may girlfriend na siya at sinaktan ka ng tao na yun tanga kaba?

" Halos limang taon na tayong hiwalay pero bakit ikaw pa rin gabby, bakit? Bulong nito sa sarili habang nangingilid ang luha nito sa mata.

Inakala ni mayi na sapat na ang tatlong taon na umalis siya ng bansa at sa muling pagbabalik nito sa pilipinas ay masasabi niya na sa kaniyang sarili na kaya niya nang humarap sa dating kasintahan at wala na itong sakit na mararamdam o kahit pagmamahal manlang dito ngunit nagkamali ito.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Onde histórias criam vida. Descubra agora