CHAPTER 30

827 43 5
                                    

Isang linggo ang nakalipas nakalabas na rin si gabby sa hospital, sa loob naman ng mga araw na iyon ay araw araw rin siyang dinadalaw ng dating kasintahan na si mayi kasama ng mga kaibigan nito minsan.

Ngayon araw ay dadalawin ulit ni mayi si gab sa condo nito dahil pinakiusapan kasi siya ni Stephanie na ibalik ang naiwan na helmet ni gabby sa race track noon.

Hindi kasi makaalis si Stephanie sa coffee shop nito at walang maiiwan dito at abala rin ang kasintahan na si cley sa trabaho ito sana ang uutusan niya na magbigay sana kay gabby.

Pagkaparada ng sasakyan ni mayi dumeretso agad ito pumasok sa building patungo sa floor unit ni gab pagdating sa pinto ng unit ng isa ay kakatok na sana ito.

Ngunit napansin ng dalaga na bukas na ang pinto kaya tumuloy na ito sa loob, pagpasok ni mayi sa loob ng unit bumangad naman sa kaniyang mata si gabby ka-usap ang isang babae sa sala.

" Gabby."

" Oh mayi." Gulat na tugon ni gabby.

" I'm sorry bukas kasi yung pinto kaya pumasok na ako."

" Okay lang upo ka mayi."

" Hi mayi kumusta ka? Bati ng babae.

" Okay lang andrea." Naiilang na sagot ni mayi.

" Ahm pinakisuyaan lang ako ni steph na ibalik yung helmet naiwanan mo daw kasi nun isang linggo gabby." Iniabot ng dalaga dito ang helmet nito.

" Ahh okay thank you mayi." Tinanggap naman agad ni gabby ito.

" Ahm alis na rin ako gabby." Paalam ni mayi at akmang tatalikod na.

" Sige, mayi." Maiksing tugon ni gabby.

" Hmm bakit hindi kana muna mag-stay dito mayi paalis na rin kasi ako." Biglang usap ni andrea.

" Ha? Gulat na tugon ni mayi.

" Paano alis na ako gabby ah pagaling ka okay? Huwag na masyadong matigas ang ulo." Paalam ni andrea at bumeso ito kay gabby, umiwas naman ng tingin si mayi sa dalawa.

" Sige Andrea ingat ka hatid na kita sa baba?

" No gabby dito kana lang bawal kapa kumilos." Tumango nalang naman si gabby bilang tugon.

" Bye mayi its nice to see you again." Ngumiti ito kay mayi at bumeso dito, sinagot rin naman ito ni mayi ng ngiti pagkatapos lumabas din agad.

-

Sandali naman na tahimik ang dalawa pagka-alis ni andrea at tila nagkaroon ng ilangan dito.

" Ahm salamat pala mayi sa pagdala ng helmet ko akala ko talaga nawala ko na 'to, iniingatan ko talaga' to kasi regalo mo 'to sakin noon eh." Pagbasak ng katahimikan ni gabby.

" Wala yun gabby hmm kumusta na pala pakiramdam mo ngayon?

" Okay naman, minsan nakakaramdam lang ako ng chest pain, hmm kumain kana mayi? sorry hindi ko alam kasi na darating ka eh." Nag-tungo si gabby sa kitchen nito.

" Hindi naman ako gutom gabby tsaka magluluto ka bawal kapa kumilos diba?

" Kaya ko naman eh." Nakangiting tugon ni gabby sa dalaga.

" Ako na magluluto gabby baka mapaano kapa niyan."

" No! Ako na mayi, okay lang naman ako nakakahiya sayo bisita ka dito." Medyo nairita naman ang dalaga sa tigas ng ulo ni gabby.

" Gabby, ako na sabi eh." Nakataas kilay nito at kinuha ang apron sa ref.

" Hays okay sabi mo eh nakakatakot ka naman babe." Napatingin naman ang dalaga sa huling nasabi ng isa.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now