CHAPTER 16

763 27 4
                                    

Isang taon pa ang lumipas sa relasyon nila gabby at mayi, ngunit ang relasyon ng kapwa pamilya nila ay hindi pa rin nagbabago tanging ang magulang ni mayi at ina lang ni gabby ang sumusuporta sa magkasintahan.

Sabay rin kumuha at nakapasa sa bar exam ang dalawa lahat ng achievements at events sa buhay nila ay sabay na sini-celebrate ng magkasintahan, masasabi na couple goals ang relasyon ng dalawa na talagang kaiingitan ng iba kung anong meron sila.

Lumipat na rin si gabby sa condo na iniregalo sa kaniya ng ama noong nakagraduate siya, mas gusto kasi nito ngayon na maging independent at maipakita sa nobya nito na kaya niya buhayin ang dalaga na hindi umaasa lang sa magulang nito kung sakaling ikasal sila.

Si mayi naman ay pinagpatuloy pa rin ang photography, sa mansyon pa rin nila ito umuuwi dahil hindi pa rin kasi ito pinapayagan ng mga kapatid na magsolo lalo na at wala silang tiwala sa kasintahan ng dalaga hanggang ngayon.

---

Ngayon umaga sobrang abala ni mayi dahil kinuha itong photographer ng isang modelling agency kinuha rin nito na modelo ang matalik na kaibigan para makatulong na rin ito kay aria.

" Ang tagal naman ni aria, hapon na ah." Usap ni mayi sa sarili nito habang kinukuhanan ang ibang mga modelo, sandali pa at naisipan na niyang tawagan ang kaibigan dahil naga-alala na rin ito at anong oras na.

📲

" Hello, aria."

" Oh mayi bakit? Sagot ni aria sa kabilang telepono.

" Anong bakit aria? asan kana kanina pa ako naghihintay sayo dito."

" Sorry malapit na ako kababa ko lang ng taxi ngayon, ang hirap kasi humanap ng taxi at grab ang daming pasahero kanina naulan kasi eh."

" Okay, marami kabang dala? Papasundo nalang kita diyan aria." Pagaalala ni mayi dito.

" Oo marami kasi may raket pa ako mamaya pagkatapos ng shoot natin eh, hindi na konting lakad nalang rin to malapit na ako. " Sagot ni aria sa matalik na kaibigan.

" Okay sige aria, ingat ah bye." Pagpapaalam ni mayi dito.

" Bye."

--

" I'm ready." Nakangiting usap ng matangkad na babaeng morena kay mayi, nagtaka naman siya dahil hindi pa ito ang dapat na susunod na sasalang sa camera.

" Ha? Angela huli kapang sasalang kasi ikaw ang main model dito diba."

" Puwede bang unahin mo na ako mayi? May susundo pa kasi sakin ngayon eh kung okay lang? Medyo nairita naman si mayi dito ngunit sinunod pa rin ito.

" Okay sige, guys si angela muna ang sasalang ngayon stanby muna yung iba." Tugon ni mayi dito.

" Thank you mayi." Nakangiting usap nito ngunit palahim naman itong inirapan ni mayi.

" Ang arte talaga." Bulong nalang ni mayi sa sarili.

--

Habang inaayos naman ni aria ang dalang dalawang maleta nito sa gilid ng daan ay may dumaan naman na isang naka-motor at hindi sinasadyang matalsikan ng tubig na galing ng gutter ang suot na dress ng dalaga.

" Hoy! Mag-ingat ka naman! Sigaw ni aria sa taong nakamotor at black leather jacket ngunit hindi naman siya nito narinig o hinintuan man lang.

" Hays kung minamalas ka nga naman talaga oh." Bulong nalang ni aria sa sarili dahil sa inis nito.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon