CHAPTER 2

1.6K 39 0
                                    

Flashback :

" Congratulations architect! Usap ni gabby kay mayi paglapit sa likuran nito, nilingon naman siya ng dalaga.

" Congratulations rin architect. " Nakangiting bati rin ni mayi dito, niyakap naman ito ni gabby na kinagulat ng dalaga.

" Gabby."

" Sorry babe na excite lang." Usap ni gabby at bumitaw sa pagkakayakap nito sa dalaga.

" Ahmm Babe? Tawag muli ni gabby kay mayi, simula kasi noong umamin ito sa nararamdaman niya para sa dalaga ay nakasanayan niya na itong tawaging babe.

" Hmm? Tugon ng dalaga kay gabby.

" Diba sabi mo sa akin noon ayaw mo magpaligaw kasi gusto mo makagraduate muna tayo?

" Hmm oo naalala ko pa yun gabby. "

" Babe baka naman ngayon na graduate na tayo puwede na ako manligaw? Antagal ko na kasi 'tong hinihintay baka puwede na?

" Gabby puwede ba na pag-isipan ko muna? Sagot ni mayi dito na tila kinalungkot ng isa.

" Ahh okay sige kung kailangan mo pa ng maraming time maghihintay ako mayi kahit gaano pa katagal. " Usap ni gabby dito kahit tila dismayado ito sa kaniyang narinig sa dalaga.

" Joke lang." Natatawang usap ng dalaga kay gabby at pinisil ang ilong nito.

" Hays! Yung totoo babe seryoso naman kasi ako." Inis na usap ni gabby habang napapahawak sa kaniyang batok.

" Ang seryoso mo kasi masyado hindi ako sanay gabby, pero opo pumapayag na ako magpaligaw sayo." Usap ng dalaga dito habang nakangiti ito, tila nagliwanag naman ang mukha ni gabby sa kaniyang narinig.

" Talaga? Payag kana?

" Oo nga po, sige ka baka magbago pa isip ko." Usap ng dalaga habang nakapout ang labi nito.

" Hayss wala ng bawian mayi nasabi mo na eh! Usap ni gabby habang napapailing ito.

" Thank you babe." Sambit ni gabby at muling niyakap ang dalaga sa baywang nito.

" Gabby hindi pa kita sinasagot baka makita nila tayo." Pagtukoy ng dalaga sa pamilya nito at bahagyang tinulak ang isa.

" Sus dun rin naman tayo mapupunta eh mapapasagot din kita." Kompiyansang usap nito sa dalaga.

" Hmm kahit na, puwede ba'ng lowkey muna tayo gabby? Habang hindi pa nila alam?

" Eh di magpapakilala na ako ngayon sa kanila?

" No! Huwag muna ngayon gabby. "

" Hays bakit babe?

" Basta magtiwala ka nalang muna sa akin puwede ba yun? Pakiusap ng dalaga dito.

" Okay po ikaw naman palagi masusunod sa atin eh. " Nakangiting usap ni gabby sa dalaga at mabilis na hinalikan ang kamay nito.

" Gabby. " Sambit ni mayi at binawi ang kamay nito.

" Huy congratulations naman sa inyong dalawa! Nandito lang pala kayo kanina pa ako naghahanap sa inyo."

" Aria, congrats rin sayo graduate na tayo besh sa wakas." Masayang bati ni mayi at niyakap ang matalik na kaibigan nito.

" Congratulations rin sayo aria ah. " Bati rin ni gabby dito.

" Thank you gabby. " Maiksing tugon ni aria.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now