CHAPTER 28

787 32 5
                                    

Hinanda ni gabby ang sarili ngayong araw dahil makikita na naman nito ang dating kasintahan si mayi sinabihan kasi ni mika na pumunta ito sa batangas dahil may maliit silang salo salo bago bumalik ng new york si aria.

Hindi sana pupunta si gabby dahil alam niya na pupunta rin ang dating kasintahan at manliligaw nitong si ralph pero dahil sa pinsan niya na ang nakiusap sa kaniya ay pinagbigyan niya na rin ito sa huli.

Medyo late na rin itong nakarating sa hacienda dahil late na itong nagising at umalis sa condo nito dahil na rin sa magdamag na pagpaparty noong gabi.

Pagkatapos maiparada ni gabby ang kotse nito huminga muna ito ng malalim bago lumabas ng kotse at tumungo sa garden kung saan nandoon ang mga kaibigan nito.

" Ayan na pala si gabby eh." Pagturo ni cley sa kaibigan nakasun glasses kahit makulimlim naman ang panahon.

" Ang taas ng araw gabby ah." Pagbibiro ni Stephanie, nginitian lang naman ito ng isa.

" Sorry na traffic ako." Usap ni gabby at nakipag apir ito sa pinsan at kay cley, tinanguan lang naman nito si ralph at mayi.

" Na traffic kaba talaga gabby o late ka lang talaga nagising? Tanong ni aria.

" Oo na aria hays. " Napapakamot ulo ni gabby.

" Okay na ba yung kamay mo gabby? Sabat naman ni mika.

" Ahh oo pinsan." Maiksing tugon ni gabby at umupo sa tabi ni cley, kumuha agad ng beer sa mesa at ininom ito.

Maingat naman si gabby na hindi sila magtama ng tingin ng dating kasintahan kaya sa tabi ito ni cley umupo dahil nasa gilid lang rin ni cley sila mayi at ralph katabi si steph.

" Huy teka kumain kana muna gabby beer agad? Usap ni cley.

" Busog pa ako cley kayo nga rin na inom na."

" Kumain naman na kami ano ang tagal mo kasi." Sagot naman ni cley dito.

" Oo na kakain na po." Tumayo agad si gabby at nagtungo sa table kung saan nandun ang mga pagkain nakahanda.

Sila mayi at ralph naman ay tila may sariling mundo ang dalawa sa tabi ng magkasintahan cley at stephanie.

Habang kumukuha si gabby ng pagkain sa di kalayuan ay palihim naman nitong pinagmamasdan ang dating nobya at manliligaw nitong si ralph.

" Hmm na sayo na kasi pinakawalan mo pa." Mahinang usap ni aria kay gabby, hindi naman na pansin ni gabby na sumunod pala sa kaniya si aria.

" Ang mahalaga masaya na siya ngayon aria yun naman importante diba? Nakangiting usap ni gabby na hindi pa rin nawawala ang mata sa dalawa.

" Masaya siya pero ikaw hindi ka naman masaya gabby." Nginitian nalang ni gabby si aria dahil totoo naman ang sinabi nito.

" Bilisan mo ng kumuha ng pagkain saluhan mo na kami dun gabby." Bumalik si aria sa puwesto nila naiwan si gabby napapabuntong hiningan nalang.

Kuwentuhan, inuman at kantahan lang ang ginawa ng magkakaibigan sinusulit talaga nila ang panahon habang nandito pa si aria sa bansa.

Sa gitna ng kuwentuhan nila ay biglang nag ring ang telepono ni ralph kaya nagpaalam ito saglit sa kanila.

" Sandali lang mayi ah sagutin ko lang 'to."

" Sige ralph baka importante yan." Sagot ni mayi sa binata.

Sa kalagitnaan ng pagkukuwento ni Steph ay may hindi naman dapat pa itong ikuwento ngunit hindi sinasadyang ma-ikuwento nito.

" Naalala mo gabby yung pumunta ka sa coffee shop ko na sobrang lasing noon? Ayaw na nga sana kitang kausapin kaso ang kulit kulit mo talaga eh."

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now