CHAPTER 21

742 26 2
                                    

Lumipas ang mga araw nagpatuloy pa rin ang paglabas at pagkikita nila gabby at ashley ng hindi nalalaman ni mayi ngunit ramdam nito na may itinatago sa kaniya si gabby hindi lang nito alam kung ano ito.

Madalas na rin makalimutan ni gabby na sunduin ang kasintahan kung hindi man ito malate sa pagsusundo sa dalaga ngunit lahat ng pagbabagong ito kay gabby ay napapansin at nakikita ni mayi ngunit mas pinili nitong manahimik nalang.

Dahil natatakot si mayi sa maaring isagot sa kaniya ni gabby kung sakaling konprontahin niya ito, hindi siya handa sa maririnig niya dito, kaya lahat ng kaniyang nararamdaman ay binabalewala nalang nito.

Kahit may pagbabago sa relasyon ng dalawa ay sabay pa rin ang mga ito na lumipad patungo ng boracay para sa kasal ng kaibigan nilang sila aria at mika nagdesisyon na kasi ang mga ito na magpakasal.

Muntik na rin maiwanan ng flight ang dalawa dahil late ng nasundo ni gabby ang nobya ngunit binalewala muli ito ng dalaga at piniling manahimik nalang tila nagsawa na rin ito na awayin ang kasintahan.

Buong biyahe hanggang sa makarating ang dalawa sa hotel nila at lumipas ang gabi na magkasama sila ay walang narinig na salita si gabby galing sa nobya nito.

---

Kinabukasan araw ng kasal nila aria at mika maagang na gising at naghanda ang magkasintahan para sa espesyal na araw ng mga kaibigan nila.

" Babe sino kausap mo sa phone? Tanong ni gabby sa kasintahan paglabas nito ng banyo narinig kasi nito na may kausap ang nobya habang naliligo siya.

" Ah si ralph." Maiksing sagot ni mayi.

" Hmm bakit daw?

" Gusto niya kasi akong kunin na wedding photographer para sa kasal ng ate niya."

" Ahh okay anong sagot mo sa kaniya?

" Sabi ko sige, trabaho rin naman kasi yun diba."

" Hmm okay sige." Tugon ni gabby dito na pinagtakhan ni mayi, noon kasi marinig lang ni gabby ang pangalan ni ralph ay nagiiba na ang awra nito.

" Okay hmm, yung damit mo na handa ko na pala."

" Thank you babe. " Hahalik pa sana si gabby sa labi ng nobya ngunit umiwas na ito.

" Mauna na ako sa labas puntahan ko pa kasi si aria eh." Akmang lalabas na sana si mayi ng hawakan ito ni gabby sa braso nito.

" Babe, may problema ba?

" Problema saan gabby?

" Ilang araw kana kasi na parang tahimik eh."

" Hmm wala naman gabby pakiramdam mo lang yun bakit may problema ba tayo? Ikaw may problema kaba? Tugon ni mayi at nginitian ang kasintahan.

" Wala naman babe." Pagtanggi ni gabby dito.

" Okay edi walang problema, hmm sige na magbihis kana baka hinihintay kana nila mika." Hinawakan pa ni mayi ang mukha ni gabby bago ito lumabas.

" Okay." Sagot ni gabby dito at lumabas na rin si mayi.

---

Wedding Ceremony

Habang lumalakad si aria patungo sa altar naaalala naman ni mayi ang alok na kasal sa kaniya ni gabby noon, napaisip ito paano kung tinanggap niya ang alok na kasal sa kaniya ng kasintahan siguro ganito rin sila kasaya ngayon.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now