CHAPTER 17

770 23 0
                                    

Ilang buwan pa ang lumipas sa relasyon nila gabby at mayi kahit hindi pa rin malapit ang pamilya ng dalawa pareho ay nagpatuloy pa rin ang mga ito, simula naman ng huling yayain ng kasal ni gabby ang kasintahan at tanggihan siya nito ay hindi na muli nila na pag-usapan ang tungko sa kasal.

Nitong mga nakaraang buwan naman ay mas napapadalas na ang paglabas ni mayi ng bansa dahil sa trabaho at pagiging vlogger na rin nito kaya minsan sa isang buwan dalawa o apat na beses lang nagkikita ang magkasintahan, si gabby naman ay mas nag-focus ito sa trabaho at obligasyon sa pamilya.

Ngunit kahit busy ang dalawa sa kaniya kaniyang trabaho pareho, kapag magkasama naman ang dalawa sinusulit ng mga ito ang oras, minsan sa isang linggo ay sa condo na ni gabby umuuwi ang nobya, ganito na ang naging set-up nila sa loob ng ilang buwan na lumipas.

--

Sa restaurant habang hinihintay ni gabby na dumating ang inorder nila ng kasintahan na si mayi at akma na sanang tatawagan ang pinsan nito ay siya naman ang pag-ring ng telepono niya.

📲

" Hello gabby kumusta na yung pinapagawa ko sayo? Ano nakausap mo na ba? Pumayag ba? Sunod sunod ma tanong ni mika sa kabilang linya.

" Tatawagan pa lang sana kita ngayon para sabihin sayo tungkol dun pinsan eh. "

" Oh ano nga? Tanong ulit ni mika

" Teka lang nagmamadali pinsan?

" Oo gabby dahil niyayabangan ako nitong si chico masyadong sabik sa posisyon ko. "

" Ah kaya naman pala ang pangit ng bungad mo sa akin eh, anyway oo nakausap ko na at napapayag ko ng magpanggap na maging girlfriend mo."

" Talaga pumayag?

" Oo nga pinsan pumayag na so kailan kayo magkikita?

" Bukas din sabihin mo sa kaniya at sumama kana rin. "

" Okay sige pinsan sabihin ko, Kita nalang tayo bukas. " Pagtatapos ng usapan nila gabby at mika sa telepono.

[ Read the Girlfriend for hire chapter 9 ]

-

" Babe, sino tumawag? Tanong ni mayi pagbalik nito galing ng comfort room.

" Ah si pinsan tinanong niya lang yung tungkol doon sa magpapanggap na girlfriend niya, kung napapayag ko na daw ba si aria."

" Hmm okay, anong sabi mo sa kaniya?

" Sabi ko oo, napapayag ko na, bukas daw sila magkikita ni aria sumama na rin daw tayo babe sabi ni pinsan."

" Okay, sana lang talaga hindi magkaproblema si aria at magkasundo sila ng babaero mong pinsan gabby ah ikaw bahala diyan sinasabi ko sayo hmm."

" Opo, alam ko po mamaya madamay na naman ako." Sagot ni gabby sa kasintahan habang napapakamot nalang ito ng ulo, nginitian naman ito ng dalaga.

Galing ang magkasintahan sa opisina ni mayi kanina at dumaan muna sila sa restaurant upang makakain, bago ihatid ni gabby ang nobya sa mansyon nila.

Napag-usapan ng mga ito ang tungkol sa paghahanap ng magpapanggap na girlfriend ni mika at si aria ang nakita nila na puwedeng gumawa nito at napapayag naman nila ito ng huli.

-

Kalahating oras pa ang lumipas habang kumakain ang magkasintahan may lumapit naman sa dalawa na isang lalake at binati sila nito.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن