CHAPTER 31

954 39 2
                                    

Linggo ang lumipas at mas napadalas pa ang pagu-usap ng dating magkasintahan sa phone minsan nagpapadala rin ng bulalak si gabby sa dalaga ngunit ilang araw na rin ng matigil ang pagu-usap ng dalawa dahil si mayi na mismo ang umiwas dito.

Late ng nakapasok sa opisina si mayi ngayon araw dahil late na rin itong nagising hindi kasi ito nakatulog buong gabi sa dami ng iniisip nito.

" Good morning mam mayi." Bati ni jayr na editor ni mayi pagkasalubong nito sa amo sa pinto.

" Good morning jayr." Dumeretso ng pasok si mayi patungo sana sa taas ng opisina nito.

" Good morning mam, hmm may bisita po kayo ngayon." Pagbati naman ni lea na assistant ni mayi.

" Ha? Sinong bisita lea? Pagbaling ni mayi sa assistant at lumingon lingon sa paligid at nakita ang dating kasintahan.

" Hi, mayi good morning. "

" Gabby anong ginagawa mo dito? Tanong ni mayi at iniabot ang kaniyang bag sa assistant.

" Ahm ilang araw na kasing hindi mo sinasagot yung mga tawag at message ko eh."

" Ah busy lang ako gabby I'm sorry hmm coffee?

" Sige mayi." Agad naman nag-tungo si mayi mini pantry ng opisina.

" Nagpa renovate ka pala ng opisina mo mayi? Ang ganda at may mga tauhan ka na rin pala ngayon, galing." Pagikot pa ni gabby ng mata niya sa buong opisina ni mayi.

" Yah pinalakihan ko din." Sagot nito pagbalik ni mayi at iniabot ang tinimplang kape kay gabby.

" Hmm maganda siya, thank you. " Tinanggap naman ni gabby ang kape na tinimpla ng dalaga at nagpasalamat dito.

Sandaling na tahimik ang dalawa, gustong iwasan ng dalaga ang dating kasintahan kaya tumungo muna si mayi sa taas ng kaniyang opisina, ngunit sinundan ito ni gabby na hindi pansin ng dalaga.

" Mayi problema ba may nagawa ba akong mali? Hinarang ni gabby sa pinto ang dalaga dahil akma na sanang babalik ito sa baba ng opisina.

" Wala gabby."

" Wala? Pero bakit parang iniiwasan mo ako mayi? Yung mga tawag at text ko wala kang sagot?

" Hindi kita iniiwasan gabby busy lang talaga ako bakit ba ang kulit mo? Iritang sagot ng dalaga.

" Yun lang ba talaga ang dahilan mayi?

" Bakit gabby ano pa bang gusto mong marinig galing sakin?! Medyo mataas na tuno ni mayi.

" Yung totoo mayi gusto kong marinig yung totoo."

" Ano ba yung totoo sayo gabby?

" Hindi ko alam mayi kaya nga nagtatanong ako sayo eh." Sandali na tahimik si mayi bago muli ito nagsalita.

" Bakit kasi bumalik kapa gabby? Bakit bumalik kapa!? Galit na usap ng dalaga habang nangingilid ang luha nito sa mata.

" Hindi kita maintindihan mayi. " Iniisip pa rin ni gabby kung ano pinanggagalingan ng galit ng dating kasintahan.

" Bakit bumalik kapa!? Bakit bumalik kapa! Okay na ako gabby ng wala ka tapos ngayon ginugulo mo na naman yung utak ko! Pagbubulalas ng dalaga at pinagsusuntok at sampal si gabby at tumulo na rin ang luha nito.

" Kung okay kana mayi bakit ka nalilito ngayon ikaw na may sabi kung mahal mo ang isang tao hindi ka dapat nalilito! Hinahayaan naman ni gabby ang ginagawa pag suntok at pagsampal sa kaniya ng dalaga.

" Dahil sayo gabby! Dahil sayo! Pero hindi ko na hahayaan na saktan mo pa ako ulit!

" Nandiyan pa rin pala tayo mayi? Akala ko ba pinatawad mo na ako? Pero hindi pala! Nandiyan pa rin pala tayo?

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now