CHAPTER 38

698 37 0
                                    

2 weeks later.

Nalaman ng pamilya ni mayi ang nangyari sa opisina nito at sa ginawang pananakit ni ralph, hindi pumayag ang mga magulang ni mayi na wala silang gagawin na hakbang sa maling ginawa nito sa anak nila.

Ayaw naman ni mayi na makaladkad pa ang pangalan ng pamilya nila kaya nag-file nalang sila ng civil harassment restraining order laban kay ralph para hindi na ito makalapit sa kaniya at maging protection ng dalaga.

Pagkaraan naman ng dalawang araw lumipad patungo ng Australia si gabby upang asikasuhin ang problema doon at tapusin ang relasyon nito kay ashley, ayaw sana ni gabby na umalis dahil sa pagaalala kay mayi ngunit wala ito nagawa kundi umalis pa rin ng bansa.

Sa opisina ng dalagang si mayi sa taas habang nakaharap lang ito sa bintana at tila malalim ang iniisip, may pumasok naman na hindi niya napansin at humalik sa pisngi nito.

" Babe? Gulat na reaksyon ni mayi ng humarap ito at makita ang kasintahan.

" Baby. " Nakangiting usap ni gabby at hinarap ang dalang bulaklak sa nobya.

" Thank you." Tinanggap ni mayi ang bulaklak kay gabby, umangkla ito sa leeg ng kasintahan at humalik sa labi nito.

" Mmm, I miss you so much baby." Sambit ni gabby at yumakap sa bewang ng nobya.

" I miss you babe." Binuhat naman ni gabby ang nobya at na-upo sila sa sofa habang nasa lap niya ang nobya.

" Babe akala ko ba matatagalan kapa sa Australia?

Dalawang linggo palang kasi simula ng umalis si gabby at ang sabi nito baka isang buwan pa bago ito muli makabalik ngunit nandito na ito ngayon.

" Tinapos ko na yung mga dapat kong tapusin dun para makauwi na ako dito kasi uwing uwi na ako sayo hays." Siniksik naman ni gabby ang ulo nito sa dibdib ng nobya.

" Hmm okay, hindi naman halatang miss na miss mo ako niyan babe? Natatawang usap ni mayi.

" Halata ba? Ginayuma mo yata ako baby hays! Pagbibiro ni gabby.

" Hoy kapal mo ah baka ikaw gumayuma sakin." Mataray na usap ni mayi.

" Joke lang baby alam ko naman na patay na patay ka sakin." Pagbibiro ulit ni gabby, kinurot naman ito ni mayi sa tagiliran.

" Ang lakas talaga ng confidence natin diyan ah." Nakataas kilay na usap ni mayi, natatawa nalang naman si gabby sa nobya nito.

" Hindi ako talaga yung patay na patay sayo baby."

" I know babe! Akma na sanang tatayo si mayi mula sa lap ni gabby ng pigilan siya nito.

" Saan ka pupunta baby? Dito ka lang hays." Niyakap pa ng mahigpit ni gabby ang nobya.

" Babe may gagawin pa ako. " Hinawakan ng dalaga ang mukha ng kasintahan ngunit sinunggaban naman ito ng halik ni gabby.

" I love you baby." Marahan hiniga ni gabby ang nobya sa sofa.

" Babe I love you pero kararating mo lang diba hindi ka paba pagod? Habang magkalapat na ang labi ng magkasintahan.

" Hindi baby hindi ako pagod lalo na kung pagdating sayo." Hinubad ni gabby ang suot na jacket nito at muling hinagkan ang labi ng nobya.

" Babe huwag dito sa loob nalang tayo ng kuwarto." Awat ni mayi sa kasintahan.

" Dito na baby wala naman papasok." Sagot ni gabby sa nobya habang hinahalikan ang leeg nito, maya maya ay pababa na sana ito sa ibabang bahagi ng nobya ng biglang may pumasok sa pinto, napabalikwas naman si gabby dito.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon