CHAPTER 3

1.4K 39 1
                                    

Sa mansyon ng mga Apuli naghanda ng malaking party ang magulang ni gabby, kaya pagkatapos ng graduation ceremony ay umuwi agad ang pamilya upang makapag celebrate ang mga ito, bukod kasi sa bunso ay paboritong anak rin si gabby ng ama.

Dinaluha ito ng mga kilalang tao, kamag-anak at business partner ng ama ni gabby, nagmamay-ari ang pamilyang Apuli ng isang construction firm, isa ito sa pinakamalaki at kilalang construction firm sa bansa.

Kaya pinilit talaga ng ama ni Gabby na pakuhain ito ng kursong architecture kahit ayaw nito dahil malapit kasi ang kursong ito sa negosyo nila at upang maingatan rin ang minanang negosyo ng ama sa lolo nito.

Kapag nag-retiro na si Mr, Lorenzo Apuli ay ang anak na si gabby ang magtitake-over ng kompanya nila kaya bata palang gaya ni mika ay hinahanda na ito ng ama.

May nagi-isang kapatid na babae si gabby na ngayon ay limang taon ng kasal at naninirahan na sa canada ngunit wala pa itong anak, sampung taon ang tanda nito kay gabby.

--

" Gabby." Tawag ng ina nito habang kumakatok sa kuwarto ng anak.

" Bukas yan mom." Tugon nito sa ina sa loob ng kuwarto.

" Anak, hinahanap kana ng daddy mo kanina pa nandiyan ang mga business partners niya gusto kang ipakilala sa kanila." Bungad ng ina pagpasok nito at lumapit sa anak na ngayon nakahiga.

" Mom, akala ko ba simpleng handaan lang? Yun naman ang sinabi ko sa inyo diba? Alam niyo naman na ayoko ng mga ganito eh. " Nakakunot noo usap nito sa ina.

" Anong magagawa natin ito ang gusto ng iyong ama, bumaba kana dun gabby baka akyatin kapa nun dito sige na anak." Malambing na usap nito habang tinatapik ang balikat ng anak.

" Hays, opo bababa na susunod na po ako. " Usap nito habang napapakamot nalang sa ulo nito.

" Bumaba kana ha? Pagpapaalala pa ng ina habang papalabas ito ng kuwarto.

" Opo, mommy." Maiksing tugon nito.

--

" Nasaan na ba ang anak mo'ng si gabby, ella? Bulong nito sa asawa habang kaharap ang mga kasosyo sa negosyo.

" Tinawag ko na kanina susunod na yun, lorenzo."

" Oh ayan na pala. " Pagturo ng ina sa papalapit na anak sa kanila.

" Oh pogi, my son! Nakangiting bati nito sa bunsong anak at hinalikan ito sa noo.

Tanggap ni Mr, Lorenzo kung ano talaga ang bunsong anak na si gabby, na may pusong lalake ito lalo pa at wala naman silang anak na lalake ng asawa kaya hindi naging problema ang gender identity ng anak sa kanila.

[ Your gender identity is how you feel inside and how you express those feelings. Clothing, appearance, and behaviors can all be ways to express your gender identity. Most people feel that they're either male or female. Some people feel like a masculine female, or a feminine male. ]

" Dad, talaga oh. " Maiksing usap ni gabby habang napapailing nalang paglapit nito sa ama.

" So ito na pala ang bunsong anak mo lorenzo." Usap ng isang business partner nito.

" Yes this is gabby, graduate na rin sa wakas at puwede ng isabak sa negosyo. " Pagmamalaki ng ama sa mga business partners nito.

" Hi, kumusta po kayo, nageenjoy naman kayo so far? Kumusta po yung food? Magiliw na usap nito sa tatlong lalakeng kausap ng ama habang nakangiti ito.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now