CHAPTER 29

821 39 1
                                    

2 weeks after.

Ngayong araw lang matutuloy ang pinaplano ng tatlong magkaibigan na cley, mika at gabby kasama si raplh na mag-motocross ngayon lang kasi nagkaroon ng time ang lahat dahil na rin sa kanilang mga trabaho.

Sumama naman si Steph sa kasintahan nitong si cley at niyaya na rin si mayi na sumama sa kaniya upang may makasama ito sa panunuod, dahil sa pamimilit ni steph ay sumama nalang rin si mayi kahit ayaw nito ng una.

Ayaw talaga ni mayi ng mga extreme sports kahit noong sila pa ni gabby napaga-awayan rin nila ito minsan hindi talaga ito sumama sa kasintahan kahit gusto siyang isama ni gabby noon.

Nauna dumating sila gabby at mika sa taguig race track sumunod naman ang magkasintahan cley at Steph, huli naman sila mayi at ralph na hanggang ngayon hinihintay pa rin nila.

" Nag-date pa yata si ralph at mayi ang tagal ng dalawa." Pagbibiro ni cley.

" Huy." Saway ng kasintahan nito.

" Bakit mahal? Wala naman si gabby ang layo niya." Nauna na kasi si gabby sa race track ngayon.

" Naglilibang nalang din yang si gabby kasi makikita na naman niya si mayi at ralph pinilit ko nga lang sumama yan ngayon eh." Sabat ni mika.

" Alam mo na aawa rin ako diyan kay gabby kahit gago yan eh halata naman na mahal niya pa rin si mayi kaso wala na talaga siyang magagawa kasi ayaw na sa kaniya ni mayi. " Usap naman ni Stephanie.

" Tsaka may girlfriend na si gabby mahal, at meron ng ralph si mayi kaya hindi na talaga sila puwede."

" Kaya nga sayang noh dati kasi ideal couple sila yung sa lahat ng bagay magkasama sila parehong architect akala ko talaga sila na magkakatuluyan sa dulo eh." Malungkot na usap ni Stephanie.

" Pero kung ako ang nasa position ni gabby ngayon? Ilalaban ko pa rin yung pagmamahal ko kahit ikamatay ko pa." Dagdag pa ni cley.

" Aww talaga mahal? Ipaglalaban mo yung love mo sakin? Malambing na usap ni Stephanie sa kasintahan nito.

" Oo naman mahal kasi you are worth fighting for." Sagot ni cley sa nobya at hinalikan ito sa labi.

" Buwesit kayong dalawa dito pa kayo naglandian! Inis na usap ni mika.

" Heh! Inggit ka lang tol kasi wala dito si aria eh! Asar pa ni cley kay mika, natawa nalang naman si steph sa dalawa.

Sandali pa at dumating na rin sila mayi at ralph sa lugar.

" Sorry late kami sobrang traffic eh." Bungad ni ralph pagdating nila ni mayi.

" Akala namin nagdate pa kayo ni mayi eh." Pagbibiro ni steph bahagya naman itong siniko ni mayi.

" Stephanie." Bulong ni mayi dito.

" Joke lang po."

" Si gabby pala? Tanong naman ni ralph.

" Ahh nauna na sa race track kanina pa." Sagot ni mika.

" Oh ayan na pala eh." Turo naman ni cley sa kaibigan na papalapit sa kanila habang hinuhubad nito ang kaniyang helmet.

" Kumusta ralph, mayi? Bati ni gabby sa dalawa.

" Okay lang naman gabby na traffic lang kami papunta dito eh." Kuwento pa ni ralph, tahimik naman sa tabi nito si mayi.

" Ganun ba okay lang yun ralph. " Tugon ni gabby at tinapik nalang si ralph sa balikat at umupo ito sa tabi ni mika at uminom ng tubig.

" Awkward talaga nito hays." Bulong ni cley kaya muli itong sinaway ng kasintahan at bahagyang siniko.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now