CHAPTER 7 [ PG ]

1.6K 51 3
                                    

Present time.

" Mayi, anak." Katok ni Mrs. Ricalde sa pintuan ng kuwarto ng bunsong anak ngunit walang nasagot dito kaya pumasok na ito sa loob.

" Anak, gising na." Gising nito kay mayi at naupo ito sa kama.

" Ma." Tugon ng dalaga rito na pinipilit imulat ang mga mata.

" Gising na anak, magdi-dinner na tayo. Nandiyan na rin ang ang papa' mo."

" Yes mama', susunod na po ako. Maliligo lang po saglit." Nakangiting tugon nito sa ina.

" Okay, sige hintayin ka namin sa baba." Usap muli ng ina nito at hinalikan sa noo ang bunsong anak.

" Opo, mama'. "

Tinignan muna ni mayi ang cellphone nito kung anong oras na ba at nakita nito na ang haba na pala ng tinulog niya, kaya mabilis itong bumangon sa higaan upang magtungo sa banyo para makaligo na ito.

Pagkatapos mag-asikaso ng sarili ay bumaba na rin ito agad para makaharap ang ama.

" Papa'." Masayang bungad na bati ng dalaga sa ama pagkababa nito at yumakap dito.

" Kumusta ang prinsesa ko?

" Mabuti naman po papa' na miss ko po kayo."

" Kumusta naman ang biyahe mo anak? Magiliw na usap ng ama nito.

" Okay naman papa' nakakapagod lang po talaga."

" Oh sya kumain na tayo alam kong pareho kayo ng papa' na gutom na eh. " Sabat ng ina at nagtungo naman si mayi sa upuan nito.

Ilang minuto pa habang nakain ang pamilya ay nagsalita naman ang ama nito.

" Ahmm mayi, balita ko nagkita raw kayo ni Ralph sa japan ng magbakasyon siya doon. " Paguusisa ng ama.

" Opo papa' dalawang linggo po siya nagstay sa japan." Nakangiting tugon ni mayi sa ama.

" Hmm, sinamahan mo ba siya sa pagikot sa mga lugar doon? Sabat naman ng ina nito.

" Opo mama' matagal na rin naman kasi ako doon at kabisado ko na rin kahit paano ang mga lugar sa japan kaya ako na ang nagpresinta na mag-tour sa kaniya doon."

" Okay, nanliligaw na ba siya sa ulit sayo anak? Balita ko single pa rin si Ralph ah." Usap muli ng ama nito.

" Hmm opo papa' nagpaalam siya kung puwede ba siyang manligaw ulit pumayag na rin po ako. " Nakayukong usap ng dalaga sa ama.

" Hmm mabuti yan anak, alam ko nagkahiwalay kayo noon dahil nagkaroon siya ng iba, pero mga bata pa kayo noon baka naman nagbago na siya ngayon, siguro puwede mo naman siyang bigyan ulit ng second chance."

" Tama ang papa' mo anak, tingin ko naman mahal ka pa rin talaga ni ralph eh. " Malambing na usap ng ina.

" Opo. " Maiksing tugon ni mayi sa mga magulang nito.

" Sana anak dito kana magstay ulit tumatanda na kami ng mama' mo at gusto naman namin ng mama' niyo nakikita kayo palagi ng mga kapatid mo. " Pagiiba ng usapan ng ama nito.

" Sige po papa' pagiisipan ko po yan para sa inyo." Malambing na usap ni mayi sa magulang at muli lang silang nagpatuloy sa pagkain at pagkukumustahan.

Pagkatapos kumain at magkumustahan ang pamilya ay nagtungo na rin agad si mayi sa kuwarto nito upang makapagpahinga ulit.

Naisipan naman ni mayi na magtungo sa biranda na kaniyang kuwarto at pagmasdan ang mga bituin habang nagpapaantok ito, pinagiisipan rin nito ang pakiusap ng ama sa kaniya, dahil kung siya ang tatanungin at kung wala ang pamilya niya dito sa pilipinas ay hindi na ito babalik pa ng bansa.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon