CHAPTER 8

1.1K 31 3
                                    

Nagising ngayong umaga si gabby dahil sa matinding pananakit ng ulo nito marahil sa kalasingan o paginom nito kahapon at ngayon lang umepekto sa kaniya ang alak na ininom.

Napansin rin naman nito na hindi niya na katabi ang dalaga sa higaan kaya pinilit na nito imulat ang mata, sandali pa at umupo ito pagtapos ay tumayo na rin upang hanapin ang kasintahan kahit nakaboxer short lang ito at White t-shirt.

Paglabas ng kuwarto nakita nito agad ang dalaga sa maliit na kitchen at nagluluto ng makakain nila, bago naman lapitan ang dalaga ay pinagmasdan niya muna ito ng maigi, hindi pa rin makapaniwala si gabby na ang babaeng nasa harapan nito ay girlfriend niya na ngayon.

Sandali pa at lumapit na rin ito sa dalaga upang batiin, mula sa likuran ay marahan hinawakan nito ang bewang ng dalaga pagkatapos ay niyakap ito at hinalikan ang leeg nito patungo sa balikat ng dalaga.

Medyo nagulat naman ang dalaga sa ginawa ng isa sapagkat bago ito sa kaniya dahil kahit nagka-boyfriend ito noon ay hindi naman sila ganito, ngunit hinayaan lang naman ito ni mayi dahil magaan at masarap rin sa kaniyang pakiramdam ang idinudulot nito.

" Good morning babe." Bulong ni gabby sa dalaga.

" Good morning." Malambing na bati ng dalaga dito pagkatapos hinawakan nito ang mukha ng kasintahan.

" Gutom kana ba? Tanong ng dalaga kay gabby tumango lang naman ito bilang pagtugon.

" Babe. "

" Hmm."

" Sa susunod huwag kana ulit magsusuot ng ganito kapag kasama mo ako ha? Usap ni gabby dito, dahil nakashort at white spaghetti strap top lang kasi ito na makikita ang collar bone ng dalaga.

" Ha? Bakit? May mali ba sa suot ko? Pagtataka tanong ni mayi dito at humarap ito kay gabby pagkatapos ay ipinatong ang kamay nito sa leeg ng kasintahan.

" Walang mali babe, nakakapanghina lang kasi yung suot mo baka hindi ko matupad yung pangako ko sayo na maghihintay ako, baka anong magawa ko eh."

" Gabby! Saway ng dalaga sa kasintahan nito.

" Seryoso kasi ako babe, ikaw rin. " Pagbibiro ni gabby at kinindatan ang dalaga.

" Ewan ko sayo gabby gutom lang yan, umupo kana kakain na tayo." Nakataas kilay na usap ng dalaga at bumitaw na ito sa yakap nila ni gabby umupo na rin naman ang isa sa upuan nito.

" Okay." Maiksing tugon ni gabby.

" You want coffee babe? Pagalok ni mayi dito, napangiti naman ang isa sa narinig nito sa dalaga.

" Babe. " Mahinang sambit ni gabby na hindi mawala ang ngiti sa labi nito.

" Ngini-ngiti mo diyan? Sita ng dalaga dito.

" Wala babe sige po, but I want you more eh." Pagbibiro muli ni gabby sa kasintahan, natawa nalang naman ang dalaga sa kalokohan ng isa.

" Napa-laundry ko na pala yung damit mo kanina babe nandiyan na kasama yung bomber jacket mo." Napansin kasi ng dalaga na walang dalang damit ang kasintahan dahil hinubad lang ni gabby ang black polo shirt at jeans nito noong gabi.

" Thank you babe." Malambing na tugon ni gabby sa kasintahan at hinalikan ang kamay nito, nginitian lang naman ito ng dalaga.

Pagkatapos kumain ng almusal ang dalawa ay naiwan naman si mayi sa kusina habang ang isa ay nagtungo na sa maliit na sala upang makasandal sa sofa masakit parin kasi ulo nito hanggang ngayon.

Nang matapos na si mayi sa ginagawa ay pinuntahan na nito ang kasintahan sa sala, na pansin naman nito na tila masama ang pakiramdam ng isa.

" Masakit ba ulo mo? Usap ng dalaga at tumabi kay gabby.

" Oo. " Mahinang usap ni gabby habang nakapikit ito at hinawakan ang kamay ng dalaga.

" Bakit hindi mo sinabi agad kanina? Wait kuha kita ng paracetamol." Akma na sanang tatayo ang dalaga ngunit pinigilan siya nito at pinaupo sa lap ni gabby at niyakap ito.

" Dito ka lang babe."

" Akala ko ba masakit ulo mo? Usap ng dalaga at hinilot nalang nito ang ulo ng isa.

" Oo nga po pero ikaw lang sapat ng gamot." Pagbibiro pa rin ni gabby.

" Hays napakabolero mo talaga gabby, sa susunod huwag ka ng magdadrive ng lasing ha? Tignan mo masakit tuloy ulo mo ngayon." Nginitian lang naman ito ni gabby.

" Hmm worth it naman pagbiyahe ko ng malayo babe eh, tignan mo napasagot na kita. " Usap ni gabby na tila nagyayabang pa ito kahit nakapikit na.

" Kahit na delikado yung ginawa mo paano kung naaksidente ka? lalo akong aayawan daddy mo niyan para sayo eh."

" Hindi kana aayawan ni daddy kasi kung naaksidente ako edi biyuda kana ngayon." Hinampas naman ito sa balikat ni mayi.

" Gabby hindi yun nakakatawa ha!

" Hays! Aray ang sakit babe ah biyolente mo naman, okay I'm sorry hindi na po mauulit."

" Ikaw kasi eh, hmm anong oras ka pala babalik ng manila mamaya? Kaya mo ba magdrive? Pagiiba ng usapan ng dalaga.

" Babalik na tayo ng manila, babe?

" Hindi pa ako puwede umuwi ng manila ngayon babe, may mga trabaho pa ako na tatapusin mamaya magiikot pa ako." Malambing na usap ng dalaga at hinawakan ang mukha ng kasintahan.

" Okay edi hindi muna ako uuwi, sasamahan muna kita dito, hindi ako uuwi sa manila ng hindi kita kasama." Lalo pang hinigpitan ni gabby ang yakap nito at isiniksik ang ulo sa dibdib ng dalaga.

" Oh paano yung trabahong naiwan mo sa manila? Kung sasamahan mo ako dito? Magagalit na naman daddy mo niyan sayo at tsaka wala ka rin naman dalang damit diba?

" Huwag mo ng isipin yung trabaho ko tsaka si daddy, matanda na ako kaya ko na nga magkapamilya eh." Natatawang usap nito sa dalaga.

" Gabby nakakainis ka talaga kausap puro ka kalokohan hays." Usap ng dalaga na tila na iinis na ito.

" Hmm at least seryoso naman ako sayo." Pagbibiro ulit ni gabby ngunit tinignan lang naman ito ng kasintahan.

" Joke lang babe, hindi naman problema yung damit edi bumili, please gusto ko pa makasama yung girlfriend ko puwede ba yun? Malambing na usap ni gabby sa kasintahan habang tila nagpapacute ito.

" Hays ang kulet mo talaga gabby, oo na sige na pero uminom ka muna ng gamot para mawala yung sakit ng ulo mo okay?

" Okay po, I love you. " Sagot ni gabby at mabilis na hinalikan sa labi ang dalaga.

" Hmm I love you too. " Sambit ng dalaga at tumayo na rin ito mula sa lap ng kasintahan upang kumuha ng gamot.

Mga kalahating oras pa ang nakalipas pinawala muna nila ang sakit ng ulo ni gabby bago nag-asikaso ang dalawa upang makapagikot na sa lugar at matapos ni mayi ang natitirang trabaho nito.

Isang travel agency kasi ang kumuha kay mayi para sa gagawing ads ng nasabing agency kaya importanteng matapos ni mayi ito sa oras na ibinigay sa kaniya.

Babe time muna sila at siningit ko lang po ang pag-ud ngayon hehe.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon