CHAPTER 22

723 32 8
                                    

4 months later.

Dumalas pa ang mga away ng magkasintahan mayi at gabby, ngunit hindi pa rin tumitigil si gabby sa kaniyang kalokohan na pakikipagkita kay Ashley, mas naging maingat pa ngayon ito sa mga galaw niya upang hindi malaman ng nobya ang ginagawa nito.

Ilang beses na rin ginustong makipaghiwalay ni mayi sa kasintahan ngunit hindi naman ito pumapayag sa gusto nito, gusto rin naman ni mayi na ilaban ang relasyon nila ni gab ngunit pakiramdam niya siya nalang ang lumalaban para sa kanilang dalawa.

Pakiramdam ni mayi tila nagiging selosa nalang siya ng walang dahilan dahil wala naman itong makitang babae ni gabby, ngunit malakas talaga ang kutob nito na may iba ang kasintahan hindi niya lang ito mapatunayan sa ngayon.

Nasasaktan man si mayi sa nangyayari sa kanila ni gabby ngunit pilit pa rin ito nagbubulag bulag at binabali wala ang mga nakikitang pagbabago sa relasyon nila ni gabby dahil sa pagmamahal niya dito at sa pinanghahawakan nito pangako ng kasintahan sa kaniya na siya lang ang mahal nito at wala itong iba.

-

Nagmamadali na si mayi maiparada ang kotse nito dahil late na siya sa event, hindi niya talaga ito tatanggapin sana dahil masyadong gahol sa oras at galing pa siya sa isa niyang shoot ngunit dahil sa kaibigan nila ni gabby ang humiling nito sa kaniya ay tinanggap niya rin ito sa huli.

Kinuha si mayi na photographer sa birthday party ng kaibigan nila ni gabby dito sa isang sikat na bar sa bgc, last two minutes kasing nagpasabi ang pinalitan ni mayi na hindi ito makakarating at may emergency.

Hindi na rin ito na sundo ni gabby dahil sabi nito kay mayi ay may trabaho pa itong tatapusin sa opisina.

Sanay naman na si mayi dito dahil halos sa loob ng ilang buwan ay ito palagi ang rason ni gabby kapag hindi siya nito masusundo o kapag nalilate ito ng sundo sa kaniya kaya sinanay na rin ni mayi ang sarili na mag-drive para sa kaniyang sarili.

Pagkaparada ng kotse ni mayi dumeretso na agad ito patungo sa loob ng bar, kahit pa napakalakas ng buhos ng ulan sumugod pa rin ito kaya hindi naiwasan na mabasa ito, sa loob sinalubong naman siya ng kaibigan na kumuha sa kaniya para sa trabahong ito.

" Mayi bakit hindi ka nagpasabi nandito kana pala sana na sundo kita sa labas ang lakas pa naman ng ulan wala kang payong." Bati ng kaibigan lalake nito kay mayi.

" Naku okay lang mark hindi naman ako basang basa." Katuwiran ni mayi dito habang pinapunasan ang balat nitong nabasa ng ulan.

" Oh sige mayi, ikaw na bahala kung saan ka magumpisa ha? Kumain kana lang rin diyan kapag na gutom ka."

" Sige mark pasensya na rin late ako ah." Dagdag pa ni mayi dito.

" Wala yun ako nga dapat magpasalamat tinanggap mo 'to kahit wala sa schedule mo, paano dun muna ako ah? Magasikaso pa kasi ako ng bisita." Nakangiting usap nito kay mayi at nagpaalam rin sa huli sa kaniya.

" Thanks mark. "

Nang makalayo na ang kaibigan ni mayi ay nag-umpisa na rin ito magtrabaho at mag-take ng pictures at vids sa loob ng bar.

--

Sa kabilang banda naman ay kararating lang nila gabby at ashley sa labas ng bar, inalalayan pa ni gabby si ashley at pinayungan ito dahil sa malakas ang ulan. Sabay rin na pumasok ang dalawa sa loob ng bar.

" Oh nabasa ka tuloy gabby, sabi ko sayo share na tayo sa payong eh." Usap ni ashley habang pinupunasan nito si gabby dahil nabasa ito ng ulan.

" Okay lang kaysa ikaw naman ang mabasa diba? Sagot ni gabby dito habang nakangiti ito.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now