CHAPTER 45

2.8K 88 25
                                        

Fast forward.
Present time philippines.

Maagang maaga palang nag-asikaso na agad si gabby maaga rin itong nagising dahil babiyahe pa siya patungong batangas ngayong araw kasi gaganapin ang second wedding ng pinsan niya na si mika at asawa nitong si aria. Ayaw ni gabby na mali-late siya sa pinakaimportanteng araw ng bestfriend at pinsan.

Pagdating sa parking lot ng hacienda madaling ipinarada kaagad ni gabby ang kotse nito dahil akala nito late na siya sa kasal ng pinsan niyang si mika, dito sa hacienda sa batangas ng lolo ni mika na pili ng mag-asawa na ikasal magarbo ito kahit na garden wedding lang kita talagang pinaghandaan ito ng husto.

" Pinsan late na ba ako? Mahinang usap ni gabby kay mika paglapit nito.

" Hindi pa maguumpisa palang naman gabby."

" Ayun akala ko late na ako."

" Bakit nga ba ngayon ka lang gabby?

" Ang traffic sa expressway sorry ang aga ko na nga nagising kanina sa hotel hays."

" Okay sige maupo kana doon."

" Sige pinsan kita tayo mamaya." Tinapik tapik pa ni gabby ang balikat ni mika bago tumalikod dito.

" Sige sige, gabby."

Pumuwesto si gabby sa bandang likuran ng mga upuan may gusto kasi itong makita ng kaniyang mga mata kanina pa, maya maya nasipat na rin ito ng mata ni gabby, naka upo ang dalaga sa-- bandang unahan kahit malayo ito at nakatalikod kilala ni gabby na ito ang hinahanap niya kanina pa.

Sa gitna naman ng wedding ceremony ng mag asawang lim ay hindi pa rin matanggal tagal ni gabby ang mga mata nito sa dating kasintahan, masaya siyang nakita niya muli ito, maya maya napalingon din ang dalaga sa gawing likuran at nakita rin siya nito at nginitian.

Hanggang sa matapos ang wedding ceremony nila mika at aria ay hindi nawala wala ang mga mata ni gabby sa dating nobya, panaka nakang napapatingin rin ito sa kaniya at nagkakatitigan ang dalawa, pagkatapos ng ceremony agad rin lumapit si gabby sa pinsan niya at asawa nito.

" Pinsan congratulations! Natatawang usap ni gabby at tinapik si mika sa balikat nito.

" Anong congratulations gabby? Second wedding na namin 'to ni aria."

" Oo nga pinsan congrats kasi bihira ang kinakasal ng dalawang beses ah."

" Siraulo ka talaga gabby." Naiiling na usap ni mika, natatawa nalang naman si aria sa tabi nila.

" Hanga na talaga ako sayo aria ang haba ng pasensya mo kay pinsan."

" Pinagsasabi mo gabby parang sinabi mo na hindi ako matino ah." Reklamo ni mika.

" Joke lang pinsan natutuwa lang ako sa inyo ni aria may kambal na kayo kompleto na talaga pamilya niyo."

" Hay naku gabby ang hirap kaya magpalaki ng kambal at asawang napaka kulit ano." Pagbibiro ni aria habang nakatingin ito sa asawa.

" Baby." Yumakap naman si mika sa baywang ng asawa.

" Hoy pinsan respeto naman sakin ano inggit na inggit na nga ako sa inyo eh." Reklamo naman ni gabby.

" Heh! Tugon ni mika.

" Darating rin ang para sayo gabby." Napatingin naman si gabby ngayon sa dating nobya na may kausap na lalake sa hindi kalayuan.

" Sana nga aria pero masaya ako para sa inyo ni pinsan ang tibay niyo talaga ano bang sekreto niyo?

" Hmm limang bagay lang naman gabby trust, patience, loyalty, honesty and love diba baby? Kumindat pa si mika sa asawa nito, tumango naman dito si aria.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now