CHAPTER 19

698 19 3
                                    

Flashback :

Maraming mga araw pa ang lumipas sa relasyon nila gabby at mayi, mas naging busy ang dalawa sa kaniya kaniya nilang mga trabaho, si mayi ay busy sa trabaho nito bilang isang photographer dahil dumadami na rin mga client nito ngayon.

Si gabby naman ay busy pa rin sa mga problema na kinakaharap ng kompanya nila ngunit hindi niya na ito sinasabi sa kasintahan dahil ayaw ni gabby na mag-isip at masaktan ang dalaga lalo na't galit ang ama nito sa pamilya ng dalaga dahil na rin sa negosyo.

Kaya kahit sobrang busy ni gabby sa trabaho niyaya pa rin nito ang mga kaibigan na mag bakasyon muna at lumayo sa manila upang makahinga ito sa mga isipin at problema sa trabaho at makasama na rin ang nobya na si mayi.

Ngunit hindi naman nagkaroon ng time ang dalawa sa el nido palawan dahil naging busy si mayi sa pagba-bantay nito sa kaibigan si aria kay mika, wala naman nagawa si gabby dito kundi sumunod nalang rin sa kasintahan kahit dismayado ito at hindi na solo ang nobya.

[ Read the Girlfriend For Hire chapter 22 to 24 ]

---

" Hays! Traffic pa talaga! Inis na sabi ni gabby at bahagya nitong sinuntok ang manibela ng kotse, pagkagaling kasi sa airport diretso ng ihahatid ni gabby si mayi sa trabaho nito sa Qc, napatingin naman ang dalaga sa inasta ng kasintahan.

Napapansin na rin kasi ng dalaga na tila nagiiba ang ugali ng kasintahan at madalas ng uminit ang ulo nito ngayon kahit sa maliit lang na bagay.

Kilala kasi ni mayi si gabby na mahaba ang pasensiya at hindi basta basta umiinit ang ulo ng walang mabigat na dahilan.

" Bakit ba ang init ng ulo mo gabby? Kanina okay ka naman bago tayo umalis ng airport ah may problema ba? Tanong ni mayi dito.

" Problema ko babe yung traffic, marami pa akong tatapusin na trabaho sa opisina ko." Medyo mataas na tuno ni gabby.

" Edi sana hindi mo na ako hinatid kung may trabaho ka palang tatapusin, kaya ko naman pumunta sa trabaho ko kahit ako lang magisa, kaysa ganito na mainit yang ulo mo." Iritang sagot ng dalaga.

" Puwede ba yun na hindi kita ihatid? Obligasyon ko yun kaya hindi ko puwedeng hindi gawin." Pagbaling ni gabby sa dalaga.

" Kung nagiging pabigat na sayo gabby ang paghahatid, sundo mo sa akin at obligasyon nalang talaga ang tingin mo dito wag mo ng gawin." Inis na usap ng dalaga.

" Ano ba mayi yung traffic ang sinasabi ko hindi ang paghahatid sundo ko sayo, ang hirap naman kasi sayo palagi kana lang naghahanap ng away, lagi mo nalang akong inaaway."

" Ako pa naghahanap ng away ngayon? Eh ikaw itong hindi ko maintindihan kung bakit ang init init ng ulo mo diyan."

" Puwede ba marami na akong iniisip na problema sa trabaho ko mayi huwag ka ng dumagdag pa! Galit na usap ni gabby, lalo naman nainis si mayi sa sinabi ni gabby sa kaniya.

" So kasalanan ko pa ngayon? Problema na rin ngayon ang tingin mo sa akin gabby?!

" Hays! May sinabi ba ako babe na problema ka?

" Kasasabi mo lang gabby! Na huwag na akong dumagdag pa sa problema mo! Napapakamot nalang ng ulo si gabby habang naiiling ito dahil kahit anong sabihin niya sa dalaga ay bumabalik rin sa kaniya.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt