CHAPTER 6

1K 35 3
                                    

Isang linggo ng huling mapakilala ni gabby si mayi sa pamilya nito ay hindi pa rin nagkikita o nagkakausap muli ang dalawa tila iniiwasan ng dalaga ang manliligaw nito dahil sa hindi magandang pangyayari noong makaharap nito ang ama ng manliligaw .

Ang mga tawag at mensahe ni gabby kay mayi ay hindi nito sinasagot, hindi rin naman maabutan ni gabby ang dalaga sa mansyon ng mga recalde at palagi itong wala dahil tumatanggap na ito ng trabaho bilang isang photographer.

Bumalik na rin ang panganay na kapatid ni gabby na si Samantha sa canada, nagumpisa na rin na i-practice ni gabby ang profession nito sa kanilang construction firm kaya mas naging busy ito ngayon.

" Huy." Pagtawag ni joey kay gabby habang nasa gitna sila ng kuwentuhan sa isang mamahaling restaurant, na pansin kasi ng tatlo na tila malalalim iniisip ng kaibigan.

" Bakit? Tugon ni gabby dito.

" Kanina pa kami nagu-usap dito wala kang imik tol may problema ba? Sabat ni cley.

" Si mayi kasi eh."

" Anong problema kay mayi, gabby? Usap naman ni mika.

" Isang linggo na kaming hindi nagkikita hindi niya rin sinasagot mga tawag at text ko sa kaniya. " Sagot ni gabby dito habang naiiling ito.

" Ah baka nagising na siya sa katotohanan tol na hindi ka niya talaga gusto." Pagbibiro ni joey.

" Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sayo joey. " Inis na usap ni gabby sa kaibigan.

" Joke lang tol ang seryoso mo kasi eh." Natatawang usap muli ni joey.

" Hmm edi ba pinakilala mo na si mayi kanila tito anong nangyari gabby? Tanong muli ni mika.

" Ayun si daddy kasi eh nalaman niya na yung number 1 competitors namin na kompanya may share pala ang family nila mayi doon.

" Ibig sabihin ayaw ni tito lorenzo kay mayi dahil sa negosyo niyo? Sabat ni cley.

" Parang ganoon na nga hays! Hindi ko na alam ang gagawin ko."

" Eh anong sabi niya kay mayi? Usap ni joey.

" Wala ni hindi nga niya tinanggap manlang yung kamay ni mayi noon nakikipagkamay sa kaniya eh. "

" Ayon tol, ibig sabihin bad shot kana kay mayi." Usap muli ni cley habang si gabby ay naiiling nalang dahil tila totoo ang sinasabi ng kaibigan nito.

" Dalawa lang yan gabby titigilan mo na yung panliligaw mo kay mayi at susundin mo ang gusto ng daddy mo o sa unang pagkakataon susuwayin mo si tito at gagawin ang gusto mo mamimili ka lang." Usap ni mika sa pinsan nito.

" Mahal ko si dad pero ayoko naman na kalimutan ko nalang yung nararamdaman ko para kay mayi. "

" Naku paano na yan eh mukhang si mayi na mismo ang umiiwas sayo tol? Tanong ni cley.

" Hindi ko na rin alam cley bahala na hays." Usap ni gabby habang napapabuntong hininga nalang ito.

" Bakit kasi hindi kana lang muna magtry sa iba gabby? Huwag mo muna masyado seryosohin ang love kakagraduate palang naman natin oh."

" Alam mo tol, mika hindi mo maiintindihan si gabby kasi hindi mo pa nakikita yung babaeng mamahalin mo eh si gabby nakita niya na yun kay mayi kaya siya ganyan ngayon. " Sabat naman ni joey.

" Binibigyan ko lang ng ibang option yung pinsan ko joey."

" Seryoso ako pinsan kay mayi hindi ko kailangan ng option ngayon babae pinaguusapan natin dito hindi sasakyan lang, lalo na ngayon yung ex-boyfriend niya umaligid na naman sa kaniya hays." Inis na usap nito, natahimik lang naman si mika sa sinabi ng pinsan.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now