CHAPTER 40

762 28 11
                                    

7 months after.

Nang makapag-paalam si gabby sa magulang ng nobya na gusto ng magsama ng dalawa at pumayag naman ang mga ito, agad na lumipat ang dalawa sa bagong condo na binili ni gabby para sa kanila ng nobyang si mayi.

Nakabalik na rin ng new york ang mag-asawang robles habang si aria naman nakapanganak na sa kanilang kambal ng asawang si mika, sila cley at stephanie naman ay going strong pa rin ang relasyon hanggang ngayon.

Naisipan naman ni mayi na dalawin ang matalik niyang kaibigan na si aria, sa mansyon ng mga lim dito pa rin kasi tumutuloy ang mag-asawa habang naghahanap pa sila ng bagong bahay dito sa manila para sa kanilang pamilya.

" Hmm nakakapagod mayi pero masaya naman tsaka tinutulungan naman ako ng asawa ko kaya hindi ganun kahirap."

" Sabagay sino nga ba naman ang mapapagod sa ganitong ka cute at gandang bata diba baby? Karga kasi ngayon ni mayi ang babaeng anak nila aria habang si aria karga ang lalakeng anak nila ng asawa.

" Ikaw baka napapagod kana diyan mayi kanina mo pa yan karga eh."

" Hindi noh nageenjoy nga ako kargahin 'tong batang ito kamukhang kamukha mo aria."

" Sabi nga ni mika kaya nga pabirito niya yan batang yan ayaw niyang naririnig na umiiyak."

" Syempre aria, prinsesa eh nasaan na nga ba si mika hindi ko pa yata nakikita?

" Ah maagang umalis kanina may inasikaso lang sa hacienda pero pauwi na rin yun dito ngayon."

" Alam mo aria nakakatuwa rin yang asawa mo ang laki ng pinagbago in a good way ah."

" Oh bakit mayi mabait rin naman si gabby ang laki rin nga ang pinagbago niya."

" Oo hindi lang sa ugali pati sa pisikal aria."

" Anong problema dun mayi?

" Hindi naman issue sakin mga tattoo niya aria kahit na mukha na siyang leader ng gang pero kasi yung bisyo niya hindi niya pa rin matigil."

" Edi ba sinabi niya naman sayo na uuntiin niya?

" Oo pero --

" Yun naman pala eh bigyan mo siya ng time parang ikaw lang yun sa kaniya diba hindi mo rin nga siya mabitawan?

" Iba naman yun aria."

" Hays ganun rin yun mayi." Maya maya ay umiyak na ang hawak na bata ni mayi.

" Naiyak na 'to gutom na yata aria."

" Sarah pakuha muna si Queen dito padedein mo na rin may naitabi naman ako na gatas ko diyan diba."

" Sige po seniorita." Kinuha nito ang bata kay mayi.

" Eh kayo mayi kailan kayo magpapakasal ni gabby hindi kaba niya inaalok? Tila nalungkot naman si mayi sa tanong ng kaibigan.

" Hmm hindi pa aria." Maiksing tugon ni mayi.

" Ayaw mo pa rin ba na magpakasal kayo ni gabby? Hihintayin mo talaga na matanggap ka ng daddy ni gabby? Paano kung hindi na dumating yun mayi?

" Gusto ko aria pero gusto ko rin sana okay na buong pamilya namin, tsaka hindi na rin naman binubuksan ni gabby yung tungkol sa kasal eh."

" Ilang beses mo ba naman tanggihan yung tao mayi talagang magkakatrauma yun na yayain ka ulit ng kasal."

" Hmm alam ko aria, kaya nga okay na sakin yung ganito muna kami tsaka masaya naman kami ni gabby."

" Yung magkaanak kayo ni gabby, mayi hindi niyo ba minsan napaguusapan?

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now