CHAPTER 11

856 38 0
                                    

Hapon sa isang sikat na coffee shop habang hinihintay ni aria sa counter ang order nitong hot caramel macchiato coffee.

" Arah? Tawag ng crew ng nasabing coffee shop.

" Who's arah? It's aria hays! Usap ni aria sa sarili ngunit lumapit pa rin ito upang kunin ang na order nitong kape.

Ngunit aksidenteng may nakabangga ito malapit sa counter at kinuha ang coffee na order ng dalaga.

" Aray! Hey that's my coffee! Sigaw ni aria sa taong nakabangga sa kaniya ngunit tila hindi siya narinig nito dahil sa earphones nakalagay sa tenga nito.

" Hays hindi na nga nag-sorry kinuha pa coffee ko! Iritang usap ni aria sa sarili.

" Hi mam, micah? Hot Venti Blonde Roast coffee po? Nakangiting bati ng crew sa dalaga.

" Hays hindi yan ang order ko pero sige okay na yan." Usap ni aria dito dahil nagmamadali na rin itong umalis at kanina pa ito hinahanap ng mga kaibigan.

--

" Oh tol kumusta? Bati ni joey kay mika pag-upo nito sa mesa nila ngunit hindi naman ito sinagot ng isa.

" Bakit ganyan mukha mo tol? Sabat naman ni cley.

" Ang tamis kasi nitong coffee hindi naman ito yung inorder ko eh may nakabangga pa akong babae doon."

" Maganda ba tol? Tanong ni joey.

" Hindi ko alam hindi ko naman tinignan eh." Sagot ni mika sa kaibigan.

" Suplado mo talaga tol. " Mahinang usap ni joey ngunit sapat ito upang marining ni mika.

" Patingin nga niyan kape mo. " Pagkuha ni cley dito at tinignan ang nakasulat sa cup ng coffee.

" Hindi naman kasi talaga sayo 'to tol eh arah ang name nakasulat dito." Natatawang usap ni cley.

" Patikim nga, ang tamis nga parang gabby at mayi lang." Pagbibiro ni joey pagkuha nito ng kape kay mika, ngunit tinignan lang ito ni gabby.

" Eh bakit ang tahimik mo gabby? Usap ni mika dito.

" Na-interrogate ako ng mga kuya ni mayi kaninang umaga pagsundo ko sa kaniya kaya umamin na rin kami."

" Oh anong problema doon? Tanong cley.

" Walang problema doon tol ang problema nag-away kami ni mayi kasi yung ex-boyfriend niya every day pa rin nagpapadala ng flowers at gifts sa kaniya syempre magagalit ako sino naman ang hindi diba."

" Ah so nagseselos ka tol sa ex ni mayi? Kabago bago niyo LQ naman agad." Sabat ni joey habang naiiling ito.

" Bakit ako magseselos? Mas gwapo naman ako doon, ang bastos lang ng dating sakin na kami na ngayon ni mayi pero sige pa rin tanggap ni mayi ng regalo at bulaklak sa ex-boyfriend niya hays!

" Oo mas gwapo ka naman talaga doon tol pero may bay*g yun ikaw wala." Pangaasar ni joey sa kaibigan.

" Gago personalan joey? Natatawang usap ni mika, natawa naman sila joey at cley dahil dito.

" Kaibigan ko ba talaga kayo?! Inis na usap ni gabby sa mga kaibigan.

" Aminin mo na kasi gabby nagseselos ka talaga may karapatan ka naman eh pero anong sabi ni mayi sayo? Sabat ni cley na hindi rin mapigilan mapatawa sa kalokohan ng dalawa.

" Ayon na galit sakin may nasabi kasi ako na hindi niya nagustuhan eh. "

" Ayon lang may pagalit galit kapa kasing nalalaman tol, ngayon may susuyuin kapa oh edi tanggal angas mo! Pangaasar ulit ni joey, kaya natawa na naman ang dalawa dahil sa kalokohan nito.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Where stories live. Discover now