CHAPTER 4

1.2K 32 0
                                    

Isang linggo matapos ang graduation nila mayi at gabby nanatili pa sa bansa ang kapatid na panganay ni gabby na si Samantha para makasama pa ang pamilya nito.

Gusto sana ni gabby na kumuha agad ng Architect Licensure Examination (ALE). Ngunit hindi pa ito puwede dahil kailangan pa nito magkaroon ng 2 years experience sa field bago ito kumuha ng exam.

" Good morning." Masayang bati ni gabby sa magulang nito at kapatid sa hapagkainan pagdating nito.

" Oh good morning pogi, halika na at kumain." Bati ng ama nito.

" Good morning bunso, mukhang masaya ang gising ng kapatid ko ah." Bungad na usap ni Samantha ngunit nginitian lang ito ni gabby.

" Oo nga pala gabby may ibibigay ako sa iyo pasensiya kana medyo late na 'to pinaasikaso ko pa kasi ang papel nito eh." Usap ng ama habang may kinukuha ito sa bulsa at iniabot sa anak.

" Susi dad? Para saan?

" Hmm, yung tatlo mo mga kaibigan may mga sarili ng condo at pad na ikaw nalang ang wala kaya ayan para sayo yan."

" Talaga akin na 'to? Hmm, hindi naman kailangan po dad eh pero thank you po." Pagpapasalamat ni gabby at lumapit sa ama upang yakapin ito.

" Maliit lang na regalo lang yan para sa anak kong pogi deserve mo yan. " Usap ng ama habang tinatapik ang braso ng anak na ngayon' nakayakap sa kaniya.

" Mukhang bihis na bihis ka anak may lakad kaba gabby? Tsaka tama si ate mo kanina, ang saya mo yata ngayon? Pagiiba ng usapan ng ina nito at muli naman bumalik si gabby sa kaniyang upuan.

" Yes mom, sa school po may aasikasuhin lang na mga requirements, hmm palagi naman po akong masaya mom." Usap ni gabby habang nakangiti ito.

" Oo nga anak mukhang masaya ang bunso ko ngayon, anong meron? Paguusisa ng ama.

" Bukod kasi sa regalong natanggap niya may nagpapangiti na kasi diyan dad eh." Pagbibiro ni Samantha.

" Ate sam." Saway ni gabby sa kapatid.

" Talaga sino kaya yang maswerteng babaeng napili ng anak ko? Sabat na tanong ng ina kay gabby habang ang ama ay nakatingin lang sa mga ito.

" Si mayi, mom." Sabat muli ng kapatid nito.

" Ate, talaga." Naiiling na usap ni gabby dito.

" Oh bakit bunso akala ko ba seryoso kana doon? Ayaw mo ba malaman nila dad? Tsaka hindi rin naman basta basta ang pamilya nila mayi ah."

" Hindi naman sa ayaw ipaalam gusto ko lang kasi na kami na kapag pinakilala ko siya sa inyo."

"Nanliligaw kana ba sa kaniya gabby? Tanong ng ina.

" Opo, mom. " Nakangiting tugon nito sa ina.

" Hmm mukhang seryoso ka talaga sa babaeng yan, ano nga palang family name ng babaeng yan gabby? Usap ng ama nito, na bahagyang kinairita ni gabby.

" Dad, mayi ang name niya hindi siya basta babae lang, anak siya ni Mr, Matteo Ricalde." Lalo naman sumeryoso ang mukha ng ama ng marinig ang pangalan na binanggit ng anak.

" Ricalde, yung may-ari ng isang engineering firm? Balita ko may share sila sa kompanyang kompetensya natin gabby, hindi mo manlang ba inalam yun bago mo niligawan ang babaeng yan? Naiiling na usap nito sa anak habang kumakain, na tahimik naman si gabby sa sinabi ng ama.

" Dad, pati ba naman sa buhay pag-ibig ni bunso kailangan may kinalaman rin sa negosyo? Sabat ni Samantha.

" Alam mo dapat yun Samantha family first bago ang lahat, kung pipili ka naman sana ng babae gabby, yung makakatulong sa negosyo hindi yung kompentensya pa ng kompanya natin." Maotoridad na usap ng ama nito ngunit ang anak na bunso ay nanatiling lang tahimik.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon