CHAPTER 34

1.1K 39 2
                                    

1 week later.

Ngayon lang naituloy ng magkasintahan ang pinaplano nilang bakasyon marami pa kasing tinapos na trabaho ang dalawa lalo na si mayi, si gabby naman ay sandaling bumalik muna sa trabaho para tapusin ang mga naiwan nito noong na hospital siya.

Maagang nagising si gabby para sunduin ang nobya sa opisina nito doon ito nagpasundo sa kaniya alam na rin naman ng mga tauhan ni mayi ang tungkol sa dalawa ngunit ang mga kaibigan at pamilya ay hindi pa.

" Mam nandiyan na po si boss gabby sa labas hinihintay na po kayo." Bungad ni lea kay mayi pagpasok nito sa opisina ng amo.

" Sige lea thank you palabas na rin ako." Agad na tumayo si mayi sa upuan nito at kinuha ang mga gamit nito, lumabas na rin naman si lea ng opisina ng amo.

Mabilis na bumaba at nagpaalam si mayi sa mga tauhan nito at lumabas na rin ng opisina nito, agad naman niya nakita si gabby sa hindi kalayuan.

-

" Wow ang pogi naman niyan." Bati ni mayi kay gabby ng makita nitong bagong gupit ito, malaking ngiti naman ang binigay ni gabby sa dalaga.

" Baby. " Lumapit naman si gabby dito para ibigay ang dala nitong bulaklak at humalik sa labi ng nobya.

" Thank you, tara babe baka matraffic pa tayo." Pag-aya ni mayi dito, sandali naman natigilan si gabby at tinignan ang nobya.

" Gabby bakit?

" Hindi pa rin talaga kasi ako makapaniwala na bumalik kana sakin baby thank you kasi binigyan mo ako ng isa pang chance." Naiiyak na usap ni gabby, hinawakan naman ito sa mukha ni mayi.

" I love you, mahal na mahal kita mayi pangako hindi na ako maliligaw kahit kailan hinding hindi na ako bibitaw sayo." Nagtaka naman si mayi sa mga salitang lumabas sa labi ng kasintahan.

" I love you babe, mahal na mahal rin kita, may problema ba? Bakit ganyan ka ngayon?

" Wala baby natatakot lang ako na mawala ka ulit sakin." Hinawakan ni gabby ang kamay ng nobya at hinalikan ito."

" Hindi ako mawawala kung hindi ka mawawala gabby."

" Hinding hindi na baby kahit anong mangyari." Handa si gabby na isugal ang lahat ng meron siya para sa kanila ni mayi huwag lang ito mawala sa kaniya ulit.

" Okay, tara na? Maiksing tugon ni mayi kay gabby dahil nagtataka pa rin ito sa inaasta ng kasintahan, tumango naman si gabby dito at inilagay nasa back seat ang mga gamit ng nobya.

Tulad naman ng dati pinagbuksan at inalalayan ni gabby ang nobya sa pagsakay ng kotse pati na ang pagkabit ng seat belt nito.

-----

Time skip.

Sa eroplano habang inilalagay ni gabby ang iba pa nilang gamit ng nobya sa compartment, nagpaalam si mayi sa kaniya na gagamit ito ng banyo, sa pagmamadali kasi nila ay hindi niya na ito nagawa kanina.

" Babe cr lang muna ako saglit."

" Sige baby, ako na po bahala dito." Humalik naman si gabby sa labi ng nobya bago ito tumalikod sa kaniya.

Nang matapos maayos ni gabby ang mga gamit nila ng nobya umupo na rin ito sa gitna, tatluhan kasi ang upuan na puwestuhan nila, maya maya may tumabi naman kay gabby na magandang babae hindi ito pinansin ng isa at pumikit nalang.

" Hi." Iminulat naman ni gabby ang mata nito ng marinig niyang nagsalita ang babaeng katabi niya.

" Yes?

" I'm kaori first time ko magtravel mag-isa kaya medyo kinakabahan ako." Inabot naman nito ang kamay kay gabby.

" I'm gabby." Nginitian ito ni gabby at tinanggap ang kamay ng isa dahil ayaw naman nito na maging bastos.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon