CHAPTER 41

579 30 0
                                    

Time Skip.

Tumawag si mayi sa kaniyang ina na uuwi siya ngayong gabi sa mansyon nila nagtataka man ang ina kung bakit uuwi ngayong gabi ang anak hinintay niya pa rin ito at sinalubong si mayi sa bungad palang ng pinto.

" Anak, mayi bakit— Naputol na ang sasabihin nito ng yumakap na ang anak sa kaniya.

" Mama. " Umiiyak na sambit ni mayi sa ina.

" Oh bakit anak anong problema?

" Si gabby."

" Anong nangyari sa inyo ni gabby? Halika na sa loob muna ma upo tayo." Nang makaupo ang dalawa tinanong muli ito ng ina.

" Bakit anong problema mayi?

" Mama' hindi ko na kaya ayoko na pagod na ako."

" Hindi ko maintindihan anak ano bang nangyari nag-away ba kayo ni gabby?

" Bakit niya ako paulit ulit na sinasaktan." Yumakap muli ito sa ina habang patuloy sa pag-iyak ang dalaga.

" Anak mayi sabihin mo kay mommy ano ba talaga nangyari at umuwi ka? Ngunit umiling iling lang ito sa ina masama man ang loob ni mayi sa kasintahan pero ayaw niya pa rin ito maging masama sa mata ng magulang niya.

Huminga muna ng malalim ang ina ni mayi bago muli itong nagsalita.

" Noong malaman kong nagkabalikan kayo ulit ni gabby hindi na ako nagulat anak kasi alam ko naman na mahal niyo ang isa't isa, pero alam ko rin na marami pa kayong pagdadaanan na dalawa, dahil limang taon kayong naghiwalay ni gabby mayi maraming nagbago sa buhay niyo' pareho at yung mga pagbabago na yun kasama yun sa relasyon niyo anak na kailangan mong tanggapin."

" Pero niloko niya ako mama'."

" Anak ang isang relasyon ng dalawang tao kailangan siya ng sobrang daming pasensya kasi kapag nagmahal ka masasaktan ka niya o masasaktan mo siya." Napaangat naman ang ulo ni mayi sa sinabi ng ina.

" Alam mo ba kung bakit kami nag-tagal ng papa' mo anak? Habang hinahagod nito ang buhok ni mayi.

" Bakit po?

" Na buhay kami sa panahon noon na kahit masakit na mas pinipili namin na pag-usapan ang problema kaysa itapon nalang ang mga pinagsamahan namin."

" Paano mama' kung sobrang sakit na?

" Ibig sabihin nun kapag nasasaktan kapa may pagmamahal kapa diyan para kay gabby anak kasi kapag hindi kana nasasaktan wala na yung love na yun diyan sa puso." Pagturo pa nito sa kanang dibdib ng anak.

" Pero sabi nila ang love dapat masaya lang."

" Kung sa pelikula at fairy tales anak oo, pero wala kayo dun ni gabby." Napahinga nalang ng malalim si mayi dahil sa sinabi ng ina.

" Minsan malalaman mo lang anak kung totoo ba ang pagmamahalan niyo sa isa't isa kapag nalagpasan niyo pareho ang isang sitwasyon na parang imposibleng lagpasan pero nalagpasan niyo ito ng magkasama ng walang bumibitaw sa inyong dalawa."

" Mama." Umiiyak na sambit ni mayi at muli itong yumakap sa ina.

" Hindi ko sinasabi anak na patawarin mo agad si gabby ngayon, dahil sa huli ikaw pa rin yung mas nakakakilala sayong sarili kung pagod kana at gusto mo ng bumitaw sa inyo ni gabby, ang gusto ko lang sabihin mag-usap kayong dalawa para sa huli wala kayong pagsisihang pareho."

" Opo mama. "

" Hay mga bata talaga kayo oh." Hinigpitan naman lalo ni Mrs, Lauren ang yakap sa anak.

" Pero mama' puwede po bang dito muna ako?

" Oo naman anak."

" Nasaan po pala si papa' mama'?

" Nasa opisina pa yun ngayon alam mo naman ang papa' mo anak hindi mabubuhay ng walang ginagawa."

" Puwede po bang wag niyo muna sabihin kay papa' kung bakit ako umuwi ngayon."

" Sige anak kung yun ang gusto mo." Nanatili lang ng ilang minuto pang magkayakap ang mag-ina bago pagpahingahin si mayi ng kaniyang ina.

—————

Nang umalis si mayi sa bahay nila ni gabby ay agad rin na kumilos at umalis si gabby upang kausapin si ashley na asawa nito, dahil sa galit ni gabby mabilis nitong pinahaandar ang kotse nito kaya nakarating rin siya agad sa condo ng asawa dito sa makati.

Galit na kumatok si gabby sa pinto ng condo ni Ashley agad rin naman itong pinagbuksan ng asawa at hindi na ito na surpresa sa mukhang bumungad sa kaniya.

" Gabby pasok ka." Ngiting bungad na bati ni ashley ka gabby.

" Umuwi ka talaga dito para sirain lang ang buhay ko ashley!? Sigaw ni gabby.

" Puwede ba gabby nasa bahay kita kaya wag mo akong sinisigawan! Asawa mo pa rin ako!

" Wala akong pake at hindi kita asawa Ashley! Sa papel oo pero tapos na tayo alam mo yan!

" Diba sinabi ko naman sayo na hindi pa ako tapos sayo gabby! At puwede ba sinira mo rin naman ang buhay ko!

" Sinira ashley?! Ikaw ang unang lumapit sakin! Ikaw ang gumulo ng buhay ko at ngayon sinisira mo na naman!

" Edi patas na ngayon tayo gabby! Tingin mo ganun nalang kadali yun na iiwanan mo lang ako ng basta!

" Naki-usap naman ako sayo Ashley noon na maghiwalay tayo ng maayos alam ko nasaktan kita may kasalanan ako sayo, pero lalo akong magkakasala kung patuloy tayong magsasama pero hindi naman kita mahal."

" Sa loob ng limang taon gabby ginawa ko naman ang lahat para mahalin mo ako, hindi mo ba talaga ako natutunang mahalin sa limang taon na yun!?

" Sinubukan kong mahalin ka ashley pero —

" Pero si mayi pa rin ang mahal mo si mayi pa rin! Sigaw nito at pinagsasampal si gabby hinayaan lang naman ito ng isa.

" I'm sorry hindi ko kayang pilitin Ashley yung sarili ko na mahalin ka!

" Bakit gabby! bakit!? Ano pa bang kulang sakin!? Umiiyak na usap ni Ashley.

" Wala sayo ang problema ako ang problema!

" Akala ko noong napapayag kita na ikasal tayo bago ka bumalik dito, okay na tayo akin kana pero hindi pa rin pala! Bakit hindi mo magawang kalimutan siya pero nagawa mo siyang lokohin ng dahil sakin gabby!

" Oo niloko ko siya at yun ang pinagsisihan ko sa buong buhay ko ang lokohin siya ng dahil lang sayo! Muli naman ito na sampal ni ashley.

" Kung tingin mo gabby na makukuha mo sakin ang hinihingi mong kalayaan nagkakamali ka! Wala kang makukuha sakin!

" Hindi na kita kilala ashley hindi ka naman ganito! Naiiling na usap ni gabby.

" Ikaw ang gumawa sakin nito gabby! Pinilit mo ako!

" Baliw kana ashley!

" Kahit ano pa ang sabihin mo gabby ako pa rin ako ang asawa mo! Ngayon mahal mo si mayi? Edi magdusa tayong lahat! Dahil sa narinig ni gabby muntik nito masampal ang asawa.

" Ashley!

" Ano sasaktan mo ako! Sige gabby saktan mo ako para madagdagan pa ang problema mo! Ngunit nagpigil pa rin si gabby na ilabas ang galit nito sa asawa.

Huminga ng malalim si gabby at tumalikod nalang ito sa asawa upang hindi masakta ang babaeng nasa harapan niya, lumabas itong pabalibag na sinarado ang pinto ng condo ni ashley.

Hey kumusta kayo? Sorry ngayon lang nakapag update pero tapos na po 'to this week! Again thank you sa lahat ng patuloy na sumuporta at hindi bumitaw sa TBP mabuhay kayo! <333

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon